Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mga Google Nest device

Kilalanin ang pamilya ng mga device ng Google Nest at Home. Maasahan, 24/7. Magtanong sa iyong Google Assistant. Sabihan itong gumawa ng mga bagay-bagay. Ito ang sarili mong Google, palaging handang tumulong. 

Google Home

Mula sa pag-enjoy ng iyong paboritong musika hanggang sa pagkuha ng balita sa umaga, mula sa pag-alam sa trapiko hanggang sa pagsasaayos ng thermostat mo, puwede kang magtanong o humiling sa Google Home ng kahit ano — hindi mo kailangang gumamit ng kamay.

Pinapagana ng Google Assistant, may kontrol ka sa iyong musika, bahay mo, at sa iyong gustong malaman. Bagay ang magandang disenyo ng Google Home saan mo man gustong makinig ng musika o magkaroon ng access sa Google Assistant. Magsimula sa pamamagitan ng pagsasabi ng "Hey Google.”

Bumili Ngayon

Google Nest Mini (2nd gen)

 Googel Nest Mini

Kilalanin ang 2nd generation Google Nest Mini, ang speaker na makokontrol mo gamit ang iyong boses. Sabihin lang ang “Hey Google” para i-play ang paborito mong musika mula sa Spotify, YouTube Music, at higit pa. Mas maganda at buo ang tunog nito dahil mas malakas ang power at bass nito kaysa sa orihinal na Home Mini. 

Humingi ng tulong sa iyong Google Assistant, at sulitin ang Google – lagay ng panahon, balita, o anupaman. Kunin ang iyong naka-personalize na iskedyul, pag-commute, at mga paalala. Magtakda ng mga timer at alarm. At i-on pa ang mga tugmang smart light.

Compatible ang Nest Mini sa libo-libong smart device, tulad ng mga ilaw, thermostat, at lock, mula sa mga brand na gusto mo. Bumabagay ito sa anumang kuwarto – sa coffee table, nightstand, o pader.

Bumili Ngayon

 
 

Google Home Mini (1st gen)

Google Home Mini

Kilalanin ang Google Home Mini, na pinapagana ng Google Assistant. Binibigyan ka ng orihinal na Google Home ng hands-free na tulong, at nagbibigay-daan sa iyo ang Google Home Mini na maranasan ito sa higit pang lugar. Alinman ang pipiliin mo, makakakuha ka ng mga sagot, mae-enjoy mo ang iyong entertainment, mapapamahalaan mo ang iyong araw, at makokontrol mo ang iyong smart home, lahat nang gamit lang ang iyong boses. Maaasahan mong makakaugnayan ka ng alinman kapag sinabi mo ang “Hey Google” — at matutukoy rin ng mga ito ang iyong boses kumpara sa iba sa bahay mo para sa ganap na naka-personalize na karanasan.

Bumili Ngayon

 
 

Google Home Max

Google Home Max

Ginawa para sa tunog. Sa loob at labas.

Inihahatid ng Google Home Max ang husay ng Google sa mga mahilig sa musika. Punuiin kahit ang pinakamalaking kwarto sa iyong kwarto ng maganda at buong tunog. Awtomatikong isinasaayos ng Google Home Max ang sarili nito para mailagay mo ito kahit saan sa kwarto.

Tanungin ito at sabihan itong gumawa ng mga bagay. Magsimula lang sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Hey Google” para dalhin ang iyong sariling Google sa pinakamagagandang speaker.

Mabibili mo ang Google Home Max sa mga awtorisadong retailer na ito.

Bumili Ngayon

Google Nest Audio

Google Nest Audio

Kilalanin ang Nest Audio. Makakuha ng musika sa paraang dapat itong mapakinggan, nang may malinaw na vocals at malakas na bass na maririnig sa buong kuwarto. Sabihin lang ang “Hey Google” para i-play ang iyong mga paboritong kanta mula sa mga serbisyo ng streaming na pinakamadalas mong gamitin o para humingi ng tulong. At gumawa ng audio system sa bahay gamit ang iyong mga Nest speaker, nang ganoon lang kadali.

Makinig nang stereo o sa buong bahay. O sabihin ang, “Hey Google, ilipat ang aking musika sa speaker sa silid-tulugan,” at susundin ka nito. Idinisenyo ang Nest Audio para tumugma sa iyong bahay. At kasingganda ng hitsura nito ang tunog nito.

Bumili Ngayon

Google Nest Hub

Naghahatid sa iyo ang Google Nest Hub ng visual na tulong para sa anumang sandali sa bahay. Sa built-in na Google Assistant, gamitin ang iyong boses para matingnan ang mga pinakabago mong event at paalala, at kontrolin ang mga smart at compatible na device mula sa iisang dashboard. Magtanong, at makakuha ng mga visual at nakakaengganyong sagot mula sa Google, at mga kapaki-pakinabang na video mula sa YouTube. Dagdag pa rito, i-play ang iyong mga paboritong kanta sa isang nakapalinaw na speaker, at balikan ang mga sandali sa Google Photos. Makatanggap ng tulong sa maliliit na sandali, para ma-enjoy mo ang malalaking sandali.

Bumili Ngayon

Google Nest Hub Max

 

Tumutulong ang Google Nest Hub Max na may Google Assistant sa iyong abalang pamilya na makipag-ugnayan at manatiling on track. Makipag-video call, tingnan ang iyong bahay habang wala ka, makakuha ng naka-personalize na kalendaryo sa isang pagtingin lang, at mag-enjoy sa Google Photos, YouTube TV, mga video, at pelikula.

 

Bumili Ngayon

I-set up ang iyong device

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12388311784070033761
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false