Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Magtakda at mamahala ng mga timer at sleep timer sa iyong Google Nest speaker o display

Gamitin ang iyong boses para magtakda at mamahala ng mga timer sa iyong Google Nest o Home speaker o display. Magtakda ng pangkalahatang timer na mag-aalerto sa iyo paglipas ng isang partikular na oras, o magtakda ng sleep timer para ihinto ang pag-play ng media sa gustong oras.

Tandaan: Para iiskedyul na ma-off ang iyong mga ilaw at iba pang smart device sa isang partikular na oras, gumawa ng Routine.

Magtakda ng pangkalahatang timer

Magpe-play lang ang tunog ng alerto ng timer sa speaker o display na ginamit mo sa pag-set up nito.

Puwede kang magtakda, mamahala, at mag-delete ng mga pangkalahatang timer sa anumang set up ng Nest speaker sa parehong network sa bahay at Wi-Fi network sa Google Home app. 

Tip: Sa mga Nest display, posibleng hindi magpakita ang ilang timer ng animation at tunog na tumutugma sa pangalan ng timer. Subukang pangalanan ang timer para sa pagkain, homework, o mga pag-idlip.

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Magtakda ng timer
Magtakda ng timer na may pangalan
"Set a timer for one minute (Magtakda ng isang minutong timer)"
"Set a 10-minute timer for pizza (Magtakda ng 10 minutong timer para sa pizza)"
Alamin ang natitira pang oras sa isang timer
Alamin ang natitira pang oras sa isang timer na may pangalan
"How much time is left (Gaano katagal pa)?"
"How much time is left on my pizza (Gaano katagal pa ang hihintayin para sa pizza ko)?"
Magkansela ng timer
Magkansela ng timer na may pangalan
"Cancel timer (Kanselahin ang timer)"
"Cancel pizza timer (Kanselahin ang timer para sa pizza)"

Pahintuin ang isang tumutunog na timer

"Stop (Ihinto)"

Hindi mo kailangang sabihin ang "Ok Google" para pahintuin ang isang timer. Sabihin lang ang "Stop (Huminto)." (Wikang English lang)

I-pause ang timer "Pause timer (I-pause ang timer)"
Ituloy ang timer "Resume timer (Ituloy ang timer)"
"Restart timer (Simulan ulit ang timer)"

Pahintuin ang isang tumutunog na timer sa pamamagitan ng pagpindot

  • Google Home: Mag-tap sa itaas.
  • Google Nest Mini: Mag-tap sa gitna.
  • Google Home Mini: Pumindot nang matagal sa alinmang gilid.
  • Google Home Max: I-tap ang linya sa itaas o kanang bahagi.
  • Google Nest Audio: Mag-tap sa gitna.
  • Mga Google Nest display: I-tap ang bilog sa screen.
  • Google Nest Wifi point: Mag-tap sa gitna.

Kontrolin ang volume ng timer

Gamitin ang Google Home app

  1. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  4. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  5. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Audio at pagkatapos ay Mga Alarm at Timer.
  6. I-adjust ang volume.

Gamitin ang screen ng Nest display

Gamitin ang menu na Mga mabilisang setting para baguhin ang volume ng mga alarm at timer sa iyong Nest display.

  1. Sa iyong Nest display, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
  2. I-tap ang Volume at pagkatapos ay itakda ang volume ng alarm at timer sa gusto mong antas. Tandaan: Kung hindi awtomatikong bubukas ang kontrol ng volume ng alarm at timer , i-tap ang I-expand .

Mga sleep timer

Puwede kang magtakda ng sleep timer para i-off ang media na nagpe-play sa iyong speaker o display. Puwede kang magtakda ng iisang sleep timer sa bawat device. Puwede ka lang magtakda, mamahala, at mag-delete ng mga sleep timer sa speaker o display kung saan na-set up ang timer.

Posibleng hindi gumana ang mga sleep timer sa ilang uri ng media, gaya ng mga podcast.

Tandaan: Kung naka-enable ang Digital Wellness, baka paghigpitan o i-block ng Downtime, Mga Filter, o Huwag istorbohin ang feature na ito.

Matuto pa tungkol sa Digital Wellness

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Magtakda ng sleep timer "Set a sleep timer for 30 minutes (Magtakda ng sleep timer sa loob ng 30 minuto)"
"Set a sleep timer at 9:30 (Magtakda ng sleep timer nang 9:30)"
Magtakda ng sleep timer ayon sa tagal "Play music, artist, genre or playlist for [duration] (Mag-play ng musika, artist, genre, o playlist sa loob ng [tagal])"
"Stop music, artist, genre or playlist in [duration] (Ihinto ang musika, artist, genre, o playlist sa loob ng [tagal])"
"Stop playing in [duration] (Ihinto ang pag-play sa loob ng [tagal])"
Magtakda ng sleep timer ayon sa oras "Play music, artist, genre or playlist until [time] (Mag-play ng musika, artist, genre, o playlist hanggang [oras])"
"Stop music, artist, genre or playlist at [time] (Ihinto ang musika, artist, genre, o playlist nang [oras])"
"Stop playing at [time] (Ihinto ang pag-play nang [oras])"

Mag-update ng sleep timer

Tandaan: Kapag gumawa ka ng bagong sleep timer, papalitan nito ang kasalukuyang sleep timer.

Gamitin ang alinman sa mga command gamit ang boses na nasa itaas

Magkansela ng timer ng musika

Tandaan: Ang timer ng musika lang ang kakanselahin ng command na ito. Patuloy na magpe-play ang iyong musika.

"Cancel the sleep timer (Kanselahin ang sleep timer)"

Magtanong tungkol sa natitirang oras sa timer "How much time is left on the sleep timer (Ilang oras pa ang natitira sa sleep timer)?"

Kontrolin ang volume ng timer

Para i-adjust ang volume ng mga timer mo, alamin kung paano baguhin ang volume ng mga alarm at timer

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7540635502743389689
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false