Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Ayusin ang Double NAT kapag may dalawang router na magkasabay na tumatakbo

Para sa karamihan ng mga tao, hindi gumagawa ang configuration na may double Network Address Translation (NAT) ng kapansin-pansing epekto sa performance ng network. Pero para sa ilang taong naglalaro online o gumagamit ng mga panuntunan sa pag-forward ng port at Universal Plug and Play (UPnP), mainam na maiwasan ang configuration na may double NAT. Matuto pa tungkol sa Double NAT.

Para maiwasan ang configuration na may double NAT sa iyong mga Google Nest Wifi Pro, Nest Wifi, o Google Wifi device, ganito ang puwede mong gawin:

(Inirerekomenda) Alisin sa iyong network ang router na ibinigay ng ISP

Kung mayroon kang 2 hiwalay na ISP device, na isang modem at router, i-off at bunutin sa saksakan ang router na ibinigay ng ISP, pagkatapos ay direktang ikonekta ang iyong modem sa Wifi device mo.

Kung isinama ang router na ibinigay ng iyong ISP sa modem ng ISP sa iisang device, i-enable ang bridge mode sa modem/router combo mo para ayusin ang isyu ng Double NAT. Kapag na-enable mo ang bridge mode sa iyong ISP router, io-off nito ang NAT nito at ang Wifi device mo lang ang device na magsasagawa ng NAT.

  1. Direktang magkonekta ng computer sa router na ibinigay ng iyong ISP sa pamamagitan ng Ethernet cable.
  2. Mag-log in sa iyong modem/router combo, pagkatapos ay hanapin ang mga setting nito para ma-enable ang bridge mode.
  3. Para ma-access ang mga setting ng iyong router, posibleng kailanganin mong magbukas ng internet browser at ilagay ang IP address ng router mo sa address bar sa ganitong paraan:

     

Mag-iiba ang mga hakbang depende sa device. Maraming ISP at manufacturer ang nagbibigay ng mga tagubilin sa kung paano i-enable ang bridge mode. Para malaman kung paano i-on ang bridge mode, tingnan ang website ng suporta ng iyong ISP.

(Hindi Inirerekomenda) I-enable ang Bridge mode sa iyong Wifi router device

Puwedeng itakda sa bridge mode ang isang Wifi device na hindi bahagi ng mesh system. Idi-disable ng bridge mode ang DHCP at ang mga function sa pagruruta para hindi na maging isyu ang double NAT. Sa bridge mode, gagana ang mesh point na ito bilang pure na access point ng Wi-Fi na nakakonekta sa iyong modem sa pamamagitan ng Ethernet wire.

Tandaan: Gumagana lang ang bridge mode sa mga Wifi device sa setup na may iisang Wifi device. Kung gagawa ka ng mesh network na maraming Wifi device, hindi puwedeng ilagay sa bridge mode ang iyong pangunahing Wifi router dahil kailangan nitong kontrolin ang mga setting at komunikasyon sa Wi-Fi network mo. Kung nasa bridge mode ang iyong pangunahing Wifi router, bukod sa mawawala ang kakayahan ng mesh, mawawala rin ang ilang functionality ng Wifi device mo gaya ng:

Bukod pa rito, idi-disable ng bridge mode ang marami sa mga panseguridad na proteksyon ng Google Wifi at Google Nest Wifi. Ito ay dahil ang upstream na router mo (ang modem/router combo sa sitwasyon sa itaas) ang nagsasagawa sa pag-steer ng DNS, pagsisiyasat ng packet, nae-execute na pag-patch, at iba pa.

Awtomatikong mag-i-install ang iyong mga Wifi device ng mga update sa seguridad para ma-maximize ang privacy at seguridad mo. Pinakaepektibo ang mga pamproteksyong feature na ito at, sa ilang sitwasyon, epektibo lang ang mga ito kapag dumaraan ang lahat ng trapiko sa iyong pangunahing Wifi router, sa halip na sa pamamagitan ng ibang router.

Kung mayroon kang third-party na router, puwede mong i-wire dito ang iyong pangunahing Wifi router, pagkatapos ay puwede kang mag-mesh ng mga karagdagang Wifi point nang downstream.

Kung gusto mo pa ring gawing bridge ang iyong pangunahing Wifi device, puwede mong sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.
  3. I-tap ang Network mode at pagkatapos ay iyong Wifi router o point at pagkatapos ay Bridge mode.
  4. I-tap ang I-save .
Hindi mo puwedeng i-transition ang iyong pangunahing Wifi device sa bridge mode kung pampublikong IP address ang WAN IP mo. Para ma-enable ang bridge mode, dapat ay may iba pang router sa pagitan ng iyong modem at pangunahing Wifi device. Kung may pampublikong IP ang WAN port ng iyong pangunahing Wifi device, ibig sabihin, direkta itong nakakonekta sa modem mo. Sa ganitong sitwasyon, hindi magiging available ang opsyong bridge mode sa app.

Mga karagdagang tanong

Ano ang pagkakaiba ng NAT at double NAT?

Nagtatalaga ang iyong internet service provider (ISP) sa koneksyon sa internet sa bahay mo ng isang pampublikong IP address na natatangi sa buong mundo. Puwede mong tingnan ang impormasyon ng Wifi device sa Google Home app.

Sa karamihan ng mga sambahayan, maraming device na nakakonekta sa network sa bahay, at nangangailangan ang bawat device ng sarili nitong IP address. Nagtatalaga ang router mo ng lokal na IP address sa bawat device sa iyong network sa bahay sa pamamagitan ng DHCP (Dynamic Host Configuration Protocol).

Inililipat ng mga Google Nest Wifi Pro, Nest Wifi, at Google Wifi device sa device na nasa iyong network sa bahay ang data na pumapasok o lumalabas sa pampublikong IP address. Ang prosesong ito ng paglipat ng data sa lokal na IP address ng isang partikular na device mula sa pampublikong IP address ay tinatawag na Network Address Translation (NAT).

Kadalasan, nagbibigay ang mga internet provider ng modem o gateway, na isang modem/router combo, na nagko-convert sa signal na pumapasok sa koneksyon sa internet sa iyong bahay. Sa maraming sitwasyon, naka-set up ang modem o gateway para magsagawa ng NAT. Nagkakaroon ng double NAT kung may ibang router, gaya ng Nest Wifi router halimbawa, na nakakonekta sa modem o gateway ng ISP. Ang ibig sabihin, dalawang beses na napoproseso ang data na dumaraan sa NAT, na posibleng magdulot ng napakaliit na pagkaantala, na nasa milliseconds, sa pagpasok at paglabas ng data sa iyong bahay.

Ano pa ang hindi magandang nangyayari sa isang configuration na may Double NAT?

Puwede kang magkonekta ng 2 o higit pang hiwalay (hindi naka-mesh) na router system para mapalawak ang coverage ng Wi-Fi sa iyong bahay. Pero kapag 2 ang router mo, kung saan may sari-sariling pribadong Wi-Fi network ang bawat isa, puwedeng mahirapan ang iyong mga personal na device na makipag-ugnayan sa isa't isa dahil sa magkakaibang hanay ng mga IP address at firewall sa pagitan ng 2 hiwalay na router system.

Halimbawa, ipagpalagay nating gusto mong mag-print ng larawan mula sa iyong computer sa wireless na paraan. Kung mayroon kang 2 hiwalay na network, posibleng nasa isang network ang iyong computer habang nasa kabilang network naman ang printer mo. Kung pribado ang parehong network, hindi maipaparating ng iyong computer sa printer mo na i-print ang larawan.

Double NAT

Puwede ring magresulta ang double NAT sa mga isyu sa performance kung naglalaro ka online o kung gumagamit ka ng mga panuntunan sa pag-forward ng port at UPnP.

Para maayos ito, sa pamamagitan ng bridge mode, maraming router ang makakagamit sa isang Wi-Fi network. Ganito ang puwedeng maging hitsura nito:

Bridge mode

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8331220839201379585
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false