Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Nakakonekta ang mga device sa Wi-Fi network ng ibang router

Kung bino-broadcast ng iyong Google Nest Wifi router o pangunahing Google Wifi point at ng isa pang router sa malapit ang parehong pangalan ng Wi-Fi network, posibleng nakakonekta ang personal mong device sa network ng isa pang router. Puwedeng mangyari ito kung gumamit ka ng ginagamit nang pangalan ng network para i-set up ang mga Google Nest Wifi o Google Wifi device mo.

Kung may dalawa kang router na magkapareho ng pangalan ng Wi-Fi, posibleng malito ang mga device mo. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng mangyari ang mga sumusunod sa iyong device : 

  • Hindi kumonekta sa pinakamabilis o pinakamaaasahang point
  • Magpalipat-lipat sa mga network, na magiging dahilan para maputol-putol ang iyong koneksyon
  • Hindi makaugnayan ang iyong lokal na network para sa mga gawain gaya ng pag-cast o pag-print dahil posibleng sa magkaibang network nakakonekta ang mga device mo
  • Kumonekta sa dati mong router

Narito ang ilang solusyon para maiwasan ang mga isyu sa koneksyon kapag may mayroon kang dati nang router o router/modem combo:

I-off ang Wi-Fi sa iyong router/modem combo

Kung nakakonekta ang iyong Google Nest Wifi router o pangunahing Google Wifi point sa isang modem/router combo, kakailanganin mong i-off ang Wi-Fi sa modem/router combo.

Para i-disable ang Wi-Fi, direktang ikonekta ang isang computer sa iyong modem/router combo gamit ang Ethernet cable. Mag-log in sa iyong modem/router combo at hanapin ang mga setting nito para i-off ang Wi-Fi. Para ma-access ang mga setting ng iyong router, baka kailanganin mong magbukas ng Internet browser at ilagay ang IP address ng iyong router sa address bar.

Maraming Internet Service Provider (ISP) at manufacturer ang nagbibigay ng mga tagubilin sa kung paano ito gawin.

Kapag na-disable mo na ang Wi-Fi sa iyong modem/router combo, awtomatikong kokonekta ang mobile device mo sa iyong Nest Wifi router o pangunahing Google Wifi point. Kung hindi awtomatikong kokonekta ang iyong device, i-off ang Wi-Fi sa mobile device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit.

Bunutin sa saksakan ang isa mo pang router (Hindi ang Google Nest Wifi o Google Wifi)

Tandaan: Nalalapat lang ito sa mga standalone na router. Kung gumagamit ka ng kumbinasyon ng modem/router device, huwag itong bunutin sa saksakan. Kakailanganin mo ang modem na bahagi nito. Sa halip, sundin ang mga tagubilin sa itaas.

Para ayusin ito:

  1. Bunutin sa saksakan ang mga cable ng power at Ethernet mula sa lumang router (Hindi ang Google Nest Wifi o Google Wifi).
  2. Tiyaking nakakonekta nang wasto ang iyong Google Nest Wifi router o pangunahing Google Wifi point sa modem mo at sa isang saksakan.

Dapat ay awtomatiko na ngayong kumonekta ang iyong mobile device sa Google Nest Wifi o Google Wifi network mo.

I-rename ang isa sa iyong mga Wi-Fi network

Palitan ang pangalan ng Wi-Fi network ng isa mong router (hindi Nest Wifi o Google Wifi)

Kapag binago mo ang pangalan ng Wi-Fi ng isa mong router, makakakonekta ang iyong mga device sa bagong network. Para palitan ito,  direktang magkonekta ng computer sa isa mong router gamit ang isang Ethernet cable. Mag-log in sa iyong modem/router combo at hanapin ang mga setting nito para i-off ang Wi-Fi. Para ma-access ang mga setting ng iyong router, posibleng kailanganin mong magbukas ng internet browser pagkatapos ay ilagay ang IP address ng iyong router sa address bar.

Iba-iba ang mga detalye depende sa device. Maraming ISP at manufacturer ang nagbibigay ng mga tagubilin sa kung paano ito gawin.

Tandaan: Kung papalitan mo ang pangalan ng iyong network at gusto mong patuloy na kumonekta ang ilang partikular na device sa network na iyon, posibleng kailanganin mong ikonekta ulit ang mga device na iyon. Kung hindi mo iyon gagawin, susubukan ng mga ito na kumonekta sa iyong Nest Wifi o Google Wifi network.

Palitan ang pangalan ng iyong Nest Wifi o Google Wifi network

Kung gusto mong panatilihin ang pangalan ng iyong network sa dati mong router, puwede mong palitan ang pangalan ng iyong Google Nest Wifi o Google Wifi network para maiwasang magkaproblema. 

Tandaan: Kakailanganing ikonekta ulit ang anumang device na nakakonekta noong may pinalitan kang pangalan para magamit ang bagong pangalan ng network. Mananatiling nakakonekta sa isa mong network ang anumang device na nakakonekta sa isa mong router kung walang babaguhin sa network.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16687050235929460908
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false