Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Baguhin ang password ng Wi-Fi

Puwede mong i-update ang password ng iyong Nest Wifi o Google Wifi sa Google Home app. Alphanumeric ang mga password ng network. Ibig sabihin, binubuo ang mga ito ng kumbinasyon ng mga titik at numero. Gayunpaman, may ilang paghihigpit:

  • Binubuo dapat ng 8 hanggang 63 character ang mga password.
  • Walang space. Tiyaking walang hindi sinasadyang space sa unahan o dulo ng pangalan o password ng iyong network.

Kung babaguhin mo ang password ng Wi-Fi ng iyong network, madidiskonekta sa Wi-Fi ang lahat ng device mo hangga't hindi mo ina-update ang mga device na iyon gamit ang bagong password. Kung makakalimutan mong i-update ang iyong password sa isang device, magbibigay ang Google Home app ng insight sa network pagkalipas ng 7 araw para ipaalam sa iyong hindi makakonekta ang isang device.

Baguhin ang password ng iyong Wi-Fi

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga setting ng network at pagkatapos ay ang iyong kasalukuyang password.
  3. Maglagay ng bagong password.
  4. I-tap ang I-save.

Gamitin ulit ang pangalan at password ng isang dating network

Kung gagamitin mo ulit ang pangalan at password ng network ng isang dating router, hindi mo kailangang ikonekta ulit ang mga device na dating nasa network.

Tandaan: Kung nagbo-broadcast pa rin ng Wi-Fi network ang dati mong router, puwede kang makaranas ng kakaibang gawi dahil sa iyong Wifi router o point kokonekta ang ilang device at sa dati mong router naman kokonekta ang iba. I-enable ang bridge mode sa dati mong router o kung hindi ito kinakailangan, i-off ang iyong dating router para ayusin ang isyung ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15948326121279762463
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false