Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Suriin ang mga bilis ng iyong internet

Puwede mong suriin ang mga bilis sa pag-download at pag-upload ng iyong internet mula sa Google Home app.

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Performance ng network at pagkatapos ay Magpatakbo ng speed test.

Tandaan: Para tingnan ang iyong mga nakaraang resulta ng speed test, i-tap ang Wi-Fi  at pagkatapos ay Network. Makikita ang mga resulta sa ibaba. 

Sa Google Assistant

Sabihin ang "Hey Google, what's my internet speed (Hey Google, ano ang bilis ng internet ko)?"

Available kapag gumagamit ng Google Nest Wifi o Google Wifi sa Home app. Matuto pa tungkol sa pag-set up ng Voice Match at pagkontrol sa iyong mga device gamit ang boses.

Ano ang ibig sabihin ng mga resulta?

Sinusukat ng pagsuri sa bilis ng internet ang mga bilis ng pag-download at pag-upload mula sa iyong router o pangunahing Wifi point.

Bilis ng pag-download

Ipinapakita nito kung gaano kabilis nakakatanggap ng data ang iyong network mula sa mga server ng internet sa loob ng partikular na tagal ng panahon. Sinusukat ang bilis ng pag-download sa megabits-per-second (Mbps). Ito ang karaniwang naiisip natin kapag narinig natin ang “bilis ng internet.” Kung may mas mabilis kang koneksyon, makakatanggap ka ng mas maraming data sa mas maikling panahon. Halimbawa, kung mabilis ang pag-download, ibig sabihin, walang aberya ang pag-stream ng video o paglalaro online, at mabilis ang pag-browse sa web.

Tandaan: 

  • Ang bilis ng iyong pag-download ay tinutukoy ng plan na binili mo sa iyong Internet Service Provider (ISP). Limitado sa 10 Mbps ang ilang plan, samantalang makakaabot sa hanggang 1000 Mbps ang iba pa.
  • Hindi magiging kasimbilis ng mga computer ang ilang device gaya ng mga mobile phone. Puwede ring makaapekto sa mga bilis ang modelo o bersyon ng device.

Ano ang magagawa mo gamit ang bilis ng iyong pag-download

Bilis ng pag-download
 
Megabits Per Second (Mbps) Rating Ang maaari mong gawin
100 Mbps pataas Umaarangkada sa bilis Mag-stream ng mga 4K video sa maraming device, maglaro online kasama ng iyong mga kaibigan, o magkumperensya gamit ang video -- lahat ito nang sabay-sabay. 
50 Mbps pataas Napakabilis Mag-stream ng 4K video, magkumperensya gamit ang video, at maglaro online sa maraming device nang sabay-sabay. 
25 Mbps pataas Mabilis Maaasahang makakapag-stream ng mga HD na video sa maraming device nang sabay-sabay.
13 Mbps pataas Medyo Mabilis Mag-stream ng ilang HD na video nang sabay-sabay. Ayos na para sa tahanang may maraming tao, ngunit mas mainam para sa maliliit na sambahayan.
7 Mbps pataas Ok Mag-stream ng isang HD na video. Kung maraming device ang magsi-stream ng mga video nang sabay-sabay, maaaring magkaroon ng buffering.
3 Mbps pataas Medyo mabagal Mag-stream ng standard definition na video sa isang device.
Wala pang 3 Mbps Mabagal Maayos na makakapag-browse sa web, pero puwedeng mabagal mag-load ang mga video.

Ano ang dapat gawin kung ang mga resulta ay hindi gaya ng inaasahan mo

  • Subukang magpatakbo ulit ng pagsusuri sa bilis. Ang mababagal na resulta ay puwedeng dahil sa congestion sa network ng iyong ISP o sa internet, na pinakamatindi ang trapiko sa mga peak na oras gaya ng oras ng hapunan. Kapag napuno ang mga network, babagal ang data.
  • I-off ang Priyoridad na device. Naglalaan ng bandwidth ang priyoridad na device para sa isinasapriyoridad na device at magdudulot ito ng mga mabagal na resulta ng pagsuri ng network.
  • Magsagawa ng pagsusuri sa meshat tingnan kung may mga isyu sa iyong network.
  • Itanong sa iyong ISP kung may mga pagkaantala o isyu sa kanilang serbisyo sa internet.

Paano namin kinakalkula ang bilis ng pag-download

Para makalkula ang bilis ng iyong pag-download, sinusukat ng Google Home app kung gaano karaming data ang naipapadala at natatanggap ng iyong router o pangunahing Wifi point mula sa server ng Google sa isang tukoy na tagal ng panahon. Naniniwala kaming ang pagsubok ng bilis gamit ang isang sikat na server gaya ng YouTube sa halip na sa pinakamalapit ay nagbibigay ng mas totoong sukat ng normal at pang-araw-araw na paggamit ng internet. 

Halimbawa, kung 45 Mbps ang bilis ng iyong pag-download, ibig sabihin nito:

Makakapaglipat ng 45 megabit ng data sa loob ng isang segundo mula sa mga server ng YouTube papunta sa iyong bahay.

Tandaan:

  • Ang anumang pagsusuri sa bilis ay isang snapshot lang ng bilis ng iyong pag-download, na nagdedepende kung kailan at saan mo ginagamit ang internet. Puwedeng hindi magkakapareho ang bilis na nakukuha mo para sa lahat ng ginagawa mo online. 
  • Isang salik ang congestion ng network. Depende sa ginagawa mo, kailan mo ito ginagawa at ano ang ginagawa ng iba pang tao sa internet, puwedeng maging mas mataas o mas mababa ang iyong bilis kaysa sa mga resulta ng bilis. 

Bilis ng pag-upload

Sinusukat nito kung gaano kabilis nakakapagpadala ng data sa server ang iyong network. Mahalaga ang bilis ng pag-upload para sa paglalaro online, mga video o voice call, at pag-upload ng malalaking file gaya ng mga video sa YouTube o pag-back up ng mga larawan. Sinusukat ito sa megabits-per-second (Mbps).

Nakadepende rin sa bilis ng internet ang pangkalahatang performance

Puwedeng mayroon ka ng pinakamahusay na router sa mundo, pero kung mabagal ang koneksyong ibinibigay ng iyong ISP, magiging mabagal pa rin ang performance mo.

Bakit iba ang resultang ibinibigay sa akin ng iba pang pagsuri ng bilis?

Ang karamihan ng online na pagsuri ng bilis ay nagsusuri ng bilis sa pagitan ng iyong mga personal na device at ng server. Gayunpaman, mag-iiba ang mga resultang ito depende sa dalawang salik:
  1. Iyong lokasyon
  2. Ang lokasyon ng server

Awtomatikong pinipili ng ilang pagsuri ang server na pinakamalapit sa iyo, samantalang hinahayaan ka ng iba pang pumili mula sa listahan ng ilang server.

Sa alinman dito, isang bagay ang sigurado: mahalaga ang distansya. Kung susuriin sa mas malapit na server, magiging mas mabilis ang mga resulta. Suriin sa mas malayong server, mas babagal ang mga ito. Puwedeng humantong ang pagkakaiba-ibang ito sa mga resultang hindi laging kumakatawan sa mga bilis na mararanasan mo sa araw-araw na paggamit.

Ito ang dahilan kung bakit sinusukat ng Google ang bilis sa pagitan ng iyong (mga) Wifi point at mga server ng Google. Naniniwala kaming ang pagsuri ng bilis sa mga sikat na server gaya ng mga server ng YouTube ay nagbibigay ng mas totoong sukat ng normal at pang-araw-araw na paggamit ng internet.

Mga kaugnay na artikulo

Suriin ang koneksyon ng mesh sa pagitan ng mga Wifi point
Suriin ang bilis ng Wi-Fi sa mga nakakonektang device
I-troubleshoot ang mabagal na internet sa Google Nest Wifi o Google Wifi

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10917473606442722104
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false