Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hindi makita ng Google Home app ang Nest Wifi o mga Google Wifi device

Kung hindi makikita ang iyong router o point sa listahan sa pag-set up sa app, posibleng hindi pa ito naihanda para sa pag-set up, o nagkaroon ka ng pansamantalang isyu sa koneksyon. Kung dati nang na-set up ang device, posibleng kailangan itong i-factory reset.

Tandaan: Kung handa na para sa pag-set up ang iyong router o point, dahan-dahang magpapatay-sindi ang LED light sa kulay na puti kung mayroon kang Nest Wifi, o asul kung mayroon kang Google Wifi.

Tinatalakay ng artikulong ito ang mga hakbang sa pag-troubleshoot para sa mga isyu sa pag-set up ng Google Nest Wifi at Google Wifi. Kung gusto mong mag-set up ng ibang device, makikita mo ang mga tagubilin sa Mag-set up ng mga smart device sa Google Home app.

  1. Isara ang Google Home app , pagkatapos ay subukan ulit ang pag-set up.
  2. Kung iPhone o iPad ang ginagamit mo, buksan ang app na Settings ng device.
    1. I-tap ang Bluetooth at pagkatapos ay i-on ang Bluetooth.
    2. I-tap ang Privacy at pagkatapos ay Local Network at pagkatapos ay i-on ang “Local Network” para sa Google Home app .
  3. Idiskonekta ang iyong router o point sa saksakan at pagkatapos ay ikonekta ulit ito sa saksakan at pagkatapos ay hintaying dahan-dahang magpatay-sindi sa kulay na puti o asul ang ilaw at pagkatapos ay simulan ang pag-set up.
    • Tiyaking nakasaksak ang power adapter sa isang gumaganang saksakan.
  4. Kung gumagamit ng Ethernet cable ang device, tingnan ang koneksyon. Tandaan:
    1. Walang Ethernet port ang mga Google Nest Wifi point.
    2. Tiyaking nakakonekta ang cable sa iyong modem at router o point.
    3. Tiyaking naka-on ang modem.
    4. Kung TP-Link OnHub ang ginagamit mo, kakailanganin mong pihitin ang panlabas na shell nang counterclockwise, pagkatapos ay iangat ito para makita ang mga port.
  5. Para sa mga Nest Wifi router at Google Wifi point, buksan ang mga setting ng Wi-Fi ng iyong telepono, pagkatapos ay hanapin ang Wi-Fi network na tumutugma sa sticker sa ilalim ng device mo. Kumonekta sa network na ito gamit ang code sa pag-set up sa ilalim ng iyong device bilang password, pagkatapos ay bumalik sa app para ipagpatuloy ang pag-set up.
  6. Kung hindi pa rin lumalabas sa app ang iyong router o point, i-factory reset ang device mo at pagkatapos ay hintaying dahan-dahang magpatay-sindi sa kulay na puti (Nest Wifi) o asul (Google Wifi) ang ilaw at pagkatapos ay simulan ulit ang pag-set up.
    • Tandaan: Puwedeng abutin nang hanggang 10 minuto ang pag-factory reset. Tiyaking hihintayin mong makumpleto ang proseso bago mo simulan ang pag-set up.

Kung hindi gagana ang mga hakbang na ito, makipag-ugnayan sa amin.

Halimbawa ng pag-set up ng Google Wifi at modem

Mga kaugnay na artikulo

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1402543764656677517
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false