Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gawing priyoridad ang isang device sa iyong Wi-Fi network

Ibinibigay ng setting ng priyoridad na device para sa Nest Wifi Pro, Nest Wifi, at Google Wifi sa Google Home app sa device na pipiliin mo ang pinakamabilis na koneksyon sa iyong Wi-Fi network. Kapag binigyan mo ng priyoridad ang isang device (gaya ng iyong laptop o Chromecast), maglalaan ng mas malaking bandwidth ang Wi-Fi network mo para gamitin ng device na iyon. Ibig sabihin nito, mababawasan ang pag-buffer at bibilis ang pag-download para sa device na iyon.

Mainam na gawin mo ito kapag nagsi-stream ka ng pelikula sa iyong TV o kapag naglalaro ka online. Para magtakda ng mga preference sa bandwidth batay sa mga uri ng aktibidad, matuto pa tungkol sa kung paano i-optimize ang iyong network para sa mga aktibidad na sensitibo sa latency.

Tandaan: Puwedeng mabigyan ng priyoridad ang anumang device sa iyong Wi-Fi network gamit ang setting na ito, nakakonekta man ito nang direkta gamit ang kable o nang wireless. Isang device lang ang puwedeng bigyang-priyoridad sa isang pagkakataon. Kapag nagtakda ka ng priyoridad na device, ilalaan sa iisang device na iyon ang 70% ng iyong available na bandwidth at ang anumang natitirang bandwidth ay ibabahagi sa lahat ng iba pang device. Kung kulang ang bandwidth sa router mo mula sa iyong ISP, posibleng malimitahan nito ang bilis ng Wi-Fi sa iba mo pang device.

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi .
  3. I-tap ang Mga Device at pagkatapos ay piliin ang device na gusto mong bigyang-priyoridad at pagkatapos ay i-tap ang Bigyang-priyoridad ang device.
  4. Sa ibaba, piliin kung gaano katagal mo gustong bigyang-priyoridad ang device na iyon.
  5. I-tap ang I-save.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12626404074094086187
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false