Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Bridge mode

Kailangan lang ang bridge mode kapag nakakaranas ng mga partikular na sitwasyon ng Double NAT. Para sa karamihan sa mga tao, hindi naaapektuhan ng Double NAT ang performance ng Wi-Fi. Gayunpaman, puwede itong maging isyu kung naglalaro ka ng mga online na laro o gumagamit ka ng mga pagtatalaga ng IP address, panuntunan sa pagfo-forward ng port, o Universal Plug and Play (UPnP).

Matuto pa tungkol sa Double NAT at kung kailan mo posibleng kailanganin ang bridge mode.

Sinusuportahan ba ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang bridge mode?

Oo, pero gagana lang ang bridge mode kung gumagamit ka ng iisang Wifi device. Kung gusto mong gumawa ng mesh network na may maraming device, hindi puwedeng nasa bridge mode ang iyong router o pangunahing Wifi point.

Paano ko ie-enable ang bridge mode?

Kung iisang device lang ang ginagamit mo at nagdudulot ng mga problema ang Double NAT, may 2 kang opsyon:

I-enable ang bridge mode sa iyong modem/router na ibinigay ng ISP (Inirerekomenda)

Ang pinakamainam na solusyon sa double NAT ay ang pag-enable ng bridge mode sa iyong modem/router combo.

Mag-log in sa iyong router o modem/router combo at hanapin ang mga setting nito para i-enable ang bridge mode. Para ma-access ang mga setting ng iyong router, posibleng kailanganin mong magbukas ng internet browser at ilagay ang IP address ng iyong router sa address bar. Tulad nito:

Iba-iba ang mga detalye depende sa device. Maraming Internet Service Provider (ISP) at manufacturer ang nagbibigay ng mga tagubilin kung paano ito gawin. Para alamin kung paano i-on ang bridge mode, tingnan ang website ng suporta ng iyong ISP.

 
I-enable ang bridge mode sa iyong Google Nest Wifi router o pangunahing Wifi point (Hindi inirerekomenda)

Tandaan: Gagana lang ang bridge mode kung gumagamit ka ng iisang Wifi device. Kung gusto mong gumawa ng mesh network na may maraming device, hindi puwedeng nasa bridge mode ang iyong router o pangunahing Wifi point.

Bagama't palaging nasa bridge mode ang lahat ng karagdagang device bilang default, hindi namin inirerekomendang gawin mong bridge ang iyong router o pangunahing Wifi point. Ito ay dahil kailangan ng router o pangunahing Wifi point na kontrolin ang mga setting at komunikasyon sa loob ng iyong Wi-Fi network. Kung nasa bridge mode ito, mawawalan ka ng ilang functionality:

  • Magiging hindi available ang priyoridad na device
  • Hindi mae-edit ang DNS
  • Hindi mae-edit ang mga setting ng WAN
  • Magiging hindi available ang Pambisitang Wi-Fi
  • Magiging hindi available ang mga resulta ng bilis ng Wi-Fi sa Pagsusuri sa network (Pero gagana pa rin ang mga resulta ng pag-download at pag-upload.)
  • Pagpapares at mga kontrol ng Philips Hue sa Google Home app

Dagdag pa rito, maraming proteksyong panseguridad ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang dini-disable ng bridge mode. Ito ay dahil ang iyong upstream router (ang modem/router combo sa sitwasyon sa itaas) ang siyang nagsasagawa ng DNS steering, pagsiyasat sa packet, executable na pag-patch, at iba pang function na panseguridad.

Mina-maximize ng mga awtomatikong update sa seguridad ng Google Nest Wifi at Google Wifi ang iyong privacy at seguridad. Pinakamabisa, at sa ilang pagkakataon ay mabisa lang, ang mga pamprotektang feature ng mga ito kapag dumaraan ang lahat ng trapiko sa iyong router o pangunahing Wifi point (sa halip na sa isa pang router).

Kung mayroon kang third party na router, puwede kang mag-wire ng Google Nest router o pangunahing Wifi point dito, pagkatapos ay “mag-mesh” ng mga karagdagang Wifi device downstream. Alamin kung paano ikonekta ang iyong Google Nest Wifi sa isang third party na router.

Gusto mo pa rin bang gawing bridge ang iyong Nest Wifi router o pangunahing Wifi point? Ganito ito gawin:
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.
  3. I-tap ang Network mode at pagkatapos ay iyong Wifi router o point at pagkatapos ay Bridge mode.
  4. I-tap ang I-save .

Tandaan: Hindi mo maililipat ang iyong router o pangunahing Wifi point sa bridge mode kung pampublikong IP address ang WAN IP mo. Para ma-enable ang bridge mode, kailangang may isa pang router sa pagitan ng iyong modem at router o pangunahing Wifi point mo. Kung may pampublikong IP ang WAN port ng iyong router o pangunahing Wifi point, ibig sabihin ay direkta itong nakakonekta sa modem mo. Sa ganitong sitwasyon, magiging hindi available sa app ang opsyong bridge mode sa app.

Paano ko idi-disable bridge mode?
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Advanced na Networking.
  3. I-tap ang Network mode at pagkatapos ay iyong Wifi router o point at pagkatapos ay NAT (standard) mode.
  4. I-tap ang I-save .
Kailan ko kailangan ang bridge mode?

Kung magkokonekta ka ng dalawang router, puwede nitong mapalawak ang saklaw ng Wi-Fi sa iyong bahay. Pero kapag may dalawa kang router, at may sariling pribadong Wi-Fi network ang bawat isa, puwedeng mahirapan ang iyong mga personal na device sa pakikipag-ugnayan sa isa't isa. Tinatawag na Double NAT ang sitwasyong ito.

Halimbawa, sabihin nating gusto mong wireless na mag-print ng larawan mula sa iyong computer. Kung may dalawa kang Wi-Fi network, posibleng ang iyong computer ay nasa isang network habang nasa kabila naman ang printer mo. Kung pribado ang parehong network, hindi maipaparating ng iyong computer sa printer mo na i-print ang larawan.

Double NAT

Puwede rin itong magdulot ng mga isyu sa performance kung naglalaro ka ng mga online na laro o gumagamit ka ng mga panuntunan sa pagfo-forward ng port at UPnP.

Para maayos ito, nagbibigay-daan ang Bridge mode para makagamit ng iisang Wi-Fi network ang maraming router. Narito ang puwedeng maging hitsura nito:

Bridge mode

Para sa karamihan sa mga tao, hindi naaapektuhan ng Double NAT ang performance ng Wi-Fi. Pero puwede itong maging isyu kung naglalaro ka ng mga online na laro o gumagamit ka ng mga pagtatalaga ng IP address, panuntunan sa pagfo-forward ng port, at UPnP. Matuto pa tungkol sa Double NAT.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8184503766139791701
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false