Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-troubleshoot ang mga isyu sa pag-set up sa Google Nest Wifi

May iba't ibang isyu na puwedeng makasagabal sa pag-set up ng iyong Google Nest Wifi o Google Wifi device. Kung hindi na-set up ang device, makakatulong sa iyo ang artikulong ito na lutasin ang mga isyung iyon.

Kapag nagse-set up ka ng iyong mga Google router at point, puwede mong maranasan ang mga isyung ito:

  • Sa isang punto, hindi ka makakonekta sa internet o nakatanggap ng mensahe sa Wi-Fi gaya ng:
    • “Hindi nasasagap ang Wifi point”
    • “Isyu sa koneksyon”
    • “Nagkaproblema”
    • “Nagkakaproblema sa pagkonekta”
  • Nagsasaad ng error sa network ang ilaw.
  • Ipinapakitang offline ang Google Nest Wifi router o point, o Google Wifi point sa bahagi ng pagsusuri sa mesh.

Pag-troubleshoot

Kung nagkakaroon ka ng mga isyu sa pag-set up, sundin ang mga hakbang na ito:

Hakbang 1. Suriin ang iyong mga cable at koneksyon

Kung minsan, puwedeng magdulot ng mga isyu sa koneksyon ang mga maluwag, nadiskonekta, o sirang cable. Tiyakin na:

  1. Nakakonekta nang maayos ang ibinigay na Ethernet cable (dapat mag-click ang tab) sa iyong Google Nest Wifi router o sa WAN port ng pangunahing Google Wifi point . Dapat ay nakakonekta nang maayos ang kabilang dulo sa iyong modem.
  2. Naka-on ang iyong modem at Wifi router at (mga) point, nakakonekta sa parehong Wi-Fi network, at maayos ang lahat ng cable.
  3. Nakakonekta ang iyong modem sa source ng internet, gaya ng cable, DSL, o linya ng Fiber provider mo na nasa iyong bahay.

Hakbang 2. Tiyaking natutugunan mo ang mga kinakailangan sa pag-set up

Tiyaking natutugunan ang lahat ng kinakailangan sa pag-set up. Para i-double check, puwede kang pumunta sa:

Hakbang 3. Sapilitang isara, pagkatapos ay buksan ulit ang Google Home app

Ang pagsasara at pagbubukas ulit ng Google Home app ay napatunayang nakakalutas ng karamihan sa mga alalahanin, kasama na ang pag-set up. Para sa mga detalyadong hakbang kung paano ito gawin, sumangguni sa mga sumusunod na artikulo:

Hakbang 4. I-uninstall, pagkatapos ay i-install ulit ang Google Home app

Kung magpapatuloy pa rin ang isyu pagkatapos mong isara at buksan ulit ang Google Home app, puwede mong subukang i-install ulit ito. Para sa mga detalyadong hakbang, sumangguni sa mga sumusunod na artikulo:

Hakbang 5. Kalimutan ang mga network sa malapit

Puwede mo ring subukang alisin ang iba pang naka-save na network sa iyong telepono o tablet. Para gawin ito, tingnan ang mga sumusunod na artikulo:

Hakbang 6. I-restart ang iyong Wifi device

Para sa mga detalyadong hakbang kung paano mag-reboot ng Wifi device, pumunta sa Mag-restart ng mga Google Nest o Google Wifi device.

Hakbang 7. Gumamit ng ibang mobile device para sa pag-set up

Kung nabigo ang mga nakaraang hakbang, inirerekomendang sumubok ka ng ibang telepono o tablet para sa pag-set up. Tiyaking mag-login sa parehong Google Account sa pangalawang device.

Hindi nalutas ang isyu?

Kung nagkakaproblema pa rin sa pag-set up, subukang i-factory reset ang iyong router o point, o puwede kang makipag-ugnayan sa suporta.

Mga kaugnay na artikulo

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2189597514069979344
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false