Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Sleep Sensing sa Google Nest Hub (2nd gen)

Matutulungan ka ng Sleep Sensing sa Google Nest Hub (2nd gen) na makakuha ng mas mahimbing na tulog sa gabi at mapabuti ang pangkalahatang wellness mo. Sinusubaybayan nito ang iyong pagtulog, sinusukat nito ang paghinga mo, at dine-detect nito kung ano ang umaabala sa iyo sa gabi, tulad ng pag-ubo o paghilik. Habang inaalam ng Sleep Sensing ang mga pattern ng iyong pagtulog, makakatanggap ka ng mga naka-personalize na insight at tip para gawing mas mahimbing ang tulog mo.

Bawat umaga sa iyong display, makakatanggap ka ng buod ng pagtulog tungkol sa kung gaano kahimbing kang natulog sa nakalipas na gabi. Puwede mo ring subaybayan ang history ng iyong pagtulog sa paglipas ng panahon gamit ang Google Fit app.

Tandaan: Hindi available ang Sleep Sensing sa Nest Hub (1st gen).

 Sleep Sensing is not intended to diagnose, cure, mitigate, prevent, or treat any disease or condition. Consult your healthcare professional for questions about your health.

Ang Sleep Sensing ay available para sa pag-preview nang walang dagdag na singil hanggang 2023. Sa 2024, pinaplano ng Google na i-integrate ang Sleep Sensing sa Fitbit Premium (kasalukuyang $9.99 kada buwan o $79.99 kada taon, puwedeng magbago at posibleng iba-iba ayon sa bansa). Matuto pa sa g.co/sleepsensing/preview.

Sa kasalukuyan, hindi available ang Sleep Sensing sa lahat ng wika o bansa. 

Paano ito gumagana

Ginagamit ng Sleep Sensing ang Motion Sense para subaybayan ang pagtulog ng taong pinakamalapit sa display. Gumagamit ang Motion Sense ng low-energy radar para mag-detect ng paggalaw at paghinga. Nade-detect ng iba pang sensor sa Nest Hub (2nd gen) ang mga tunog gaya ng paghilik at pag-ubo, at mga salik kaugnay ng kapaligiran gaya ng ilaw at temperatura sa kuwarto.

Hindi lang ang oras kung kailan ka humiga at kung gaano katagal ang tulog mo ang matutukoy ng Sleep Sensing, matutukoy din nito kung gaano kahimbing ang iyong tulog. Kapag na-set up mo na ang Sleep Sensing, ang kailangan mo na lang gawin ay matulog tulad ng nakasanayan sa puwestong na-configure mo. Walang kailangang isuot o tandaang i-charge. Magsisimula kang makatanggap ng mga resulta ng pagtulog mo kinabukasan.

Walang camera ang Nest Hub (2nd gen) at walang binubuo o ginagamit na nakikilalang larawan ng iyong katawan o mukha sa Sleep Sensing. Sa iyong Nest Hub (2nd gen) lang pinoproseso ang audio na nakolekta sa panahon ng Sleep Sensing at hindi ito ipinapadala sa Google. Puwede mong i-customize ang iyong mga setting ng pagtulog para sa higit pang privacy. Halimbawa, puwede mong itakda o i-configure ang iyong Nest Hub (2nd gen) na huwag mag-record ng mga istorbo sa tulog gaya ng pag-ubo at paghilik.

Napapailalim sa iyong mga pahintulot at setting ang mga feature ng Sleep Sensing. Gumagamit ang mga ito ng paggalaw, tunog, at iba pang data ng device at sensor para gumana, at kinakailangang ipuwesto mo ang device malapit sa kama at i-calibrate mo ang device para sa iyong lugar ng pagtulog.

Kung io-on mo ang Sleep Sensing, ibabahagi sa Google Assistant ang iyong data na nauugnay sa pagtulog at magiging available ito sa Google Fit app. Hindi ginagamit ng Google ang data ng pagtulog mo para sa pag-personalize ng ad, at puwede mong suriin at i-delete ang iyong data anumang oras.

Matuto pa tungkol sa mga pag-iingat sa privacy na naka-built in sa Sleep Sensing, mga sensor sa Nest Hub (2nd gen), at dedikasyon ng Google sa pagpapanatili ng privacy sa bahay.

Set up Sleep Sensing

What you need

I-set up ang Sleep Sensing

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting .
  5. I-tap ang Sleep Sensing at pagkatapos ay I-set up ang Sleep Sensing.
  6. Para pahintulutan ang Sleep Sensing sa iyong display, sundin ang mga tagubilin sa app.
  7. I-tap ang Magtakda ng iskedyul ng oras ng pagtulog.
  8. Piliin kung anong oras mo planong regular na humiga sa kama at gumising.
  9. Opsyonal: Puwedeng i-on ang mga sumusunod na feature para mabigyan ka ng karagdagang impormasyon para mas mahusay na masubaybayan ang iyong pagtulog at mabigyan ka ng mga kapaki-pakinabang na tip sa pagtulog:
    • Mag-set up ng pagsubaybay ng mga event ng tunog
    • Naka-personalize na suhestyon sa pagtulog 
  10. Para tapusin ang pag-set up, i-calibrate ang iyong puwesto ng pagtulog.

I-calibrate ang iyong puwesto sa pagtulog

Para magamit ang Sleep Sensing, kailangan mong i-calibrate ang iyong display para makilala kung saan ka natutulog.

  1. Mula sa ibaba ng iyong display, mag-swipe pataas.
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay tiyaking naka-on ang Motion Sense.
  3. I-tap ang Sleep Sensing at pagkatapos ay tiyaking naka-on ang Sleep Sensing at pagkatapos ay I-calibrate ang device.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen sa iyong display.

Tandaan:

  • Dahil sinusubaybayan ng Sleep Sensing ang lugar kung saan ka karaniwang natutulog, nakakaapekto sa iyong data ang mga bata, alagang hayop, at iba pang miyembro ng pamilya na natutulog doon.
  • Posibleng magdulot ng mga hindi tumpak na reading ang pagkakapuwesto ng device, paggalaw, at iba pang device sa malapit.
  • Idinisenyo ang Sleep Sensing para ipakita lang ang mga pag-ubo at paghilik na nagmumula sa iyong na-calibrate na lugar ng pagtulog. Fini-filter ang anumang pag-ubo o paghilik na nagaganap sa labas ng iyong lugar at lalabas ang mga ito sa timeline ng “Iba pang tunog.” Ipinapakita rin ng timeline na ito ang iba pang malakas na ingay.
  • Pakitiyakna sasabihan mo ang mga tao sa malapit na posibleng iproseso ng Sleep Sensing sa iyong Nest Hub ang mga tunog nila, at hingin ang kanilang pahintulot bago mo ito i-on.

Tingnan ang impormasyon ng pagtulog

Sa umaga, puwede kang kumuha ng buod ng iyong pagtulog sa nakalipas na gabi at mga lingguhang trend sa pagtulog, at makakakuha ka ng mga naka-personalize na tip pagkalipas ng humigit-kumulang isang linggo. Puwede ka ring magtanong tungkol sa iyong mga pattern sa pagtulog sa pangkalahatan. Para i-access ang impormasyong ito, pumunta sa page na Wellness ng iyong display o sa Google Fit app, o sabihin ang “Ok Google” na sinusundan ng alinman sa mga halimbawang command gamit ang boses sa ibaba:

  • "How did I sleep last night? (Kumusta ang tulog ko kagabi?)"
  • "When did I go to bed yesterday? (Kailan ako humiga sa kama kahapon?)"
  • "How much REM sleep did I get last Friday? (Gaano karaming REM sleep ang nakuha ko noong nakaraang Biyernes?)"
  • "Tell me about my sleep stages from last night. (Sabihan ako tungkol sa mga yugto ng pagtulog ko kagabi.)"
  • "How can I sleep better? (Paano ako makakatulog nang mas mahimbing?)"

Matuto pa tungkol sa iyong buod ng pagtulog

Tandaan: Para ipakita ang buod ng pagtulog mo sa iyong Nest Hub (2nd gen), kailangan mong pahintulutan ang mga personal na resulta at mga Proactive na resulta tungkol sa kalusugan at fitness sa display mo. Kailangan ding i-on ang Aktibidad sa Web at App sa iyong Google Account. Para makakuha ng mga sagot na nauugnay sa impormasyon ng iyong pagtulog mula sa Google Assistant, kailangang naka-on ang mga personal na resulta at Voice Match.

Kapag naka-on ang mga personal na resulta at mga Proactive na resulta tungkol sa kalusugan at fitness, masusuri at made-delete ng sinumang may access sa iyong Nest Hub (2nd gen) ang pinakabago mong buod ng Sleep Sensing at mga detalye tungkol sa wellness.

I-on o i-off ang Sleep Sensing

Pagkatapos ng matagumpay na pag-set up, dapat ay awtomatikong ma-detect ng Sleep Sensing ang pagtulog kapag nasa na-calibrate na lugar ng pagtulog ka.

Kapag lumabas ang indicator ng Sleep Sensing sa kanang sulok sa itaas ng iyong display, ibig sabihin, naka-on ang Sleep Sensing, na-detect nito na nasa na-calibrate na lugar ng pagtulog ka, at handa na itong mag-detect ng pagtulog.

  • Para i-pause ang Sleep Sensing, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng iyong display, pagkatapos ay i-tap ang Sleep Sensing .
  • Para mag-unpause, i-tap ulit ang Sleep Sensing  at magiging aktibo ito sa susunod na pupuwesto ka sa iyong na-calibrate na lugar ng pagtulog. 

Tandaan: Dapat ding ipakitang aktibo ang indicator ng Sleep Sensing kapag malapit ka sa iyong display. Tinutukoy nitong naka-on ang Sleep Sensing, nasa loob ka ng na-calibrate na lugar, at handa nang mag-detect ng pagtulog ang Nest Hub (2nd gen) mo kung mangyayari ito.

I-deactivate ang Sleep Sensing at mag-delete ng data ng pagtulog

May kontrol ka sa kung paano ginagamit ang iyong data. Naka-off bilang default ang Sleep Sensing sa Nest Hub (2nd gen). Kapag na-set up mo na ang Sleep Sensing, anumang oras, magagawa mong:

I-deactivate ang Sleep Sensing sa iyong display

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting .
  5. I-tap ang Sleep Sensing.
  6. I-tap ang I-deactivate ang Sleep Sensing at pagkatapos ay I-deactivate.

Tandaan: Kapag i-off mo ang Sleep Sensing, agad na hihinto ang Nest Hub (2nd gen) sa pangongolekta ng data ng pagtulog. Gayunpaman, posibleng may mga naipadala na sa iyong display na naka-personalize na insight at buod ng pagtulog batay sa dating data. Posibleng abutin nang hanggang 4 na araw bago mag-expire ang mga mensaheng ito.

Paano ginagamit sa Google Assistant ang data ng pagtulog

Pansamantala lang na sino-store ng Assistant ang data ng iyong pagtulog at ginagamit ito para mabigyan ka ng impormasyon tungkol sa pagtulog, kalusugan, at fitness mo. Nakakatulong din ang data na ito na i-troubleshoot at pagandahin ang iyong karanasan sa kalusugan at fitness sa Assistant.

Kapag natugunan na ng iyong Assistant ang kahilingan mong mag-update, magpakita, o sumagot ng mga tanong tungkol sa iyong data na nauugnay sa pagtulog, ide-delete ng Google ang audio query mo. Ginagamit ang text mula sa iyong query at iba pang pinapanatiling impormasyon sa paggamit ng Assistant para i-troubleshoot, i-develop, at pahusayin ang mga serbisyo ng Assistant.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9005052112043426016
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false