Gumawa ng mga pagbabago gamit ang mga maramihang pag-upload

Panimula sa mga maramihang pag-upload

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Ang paggamit ng maramihang pag-upload ay isang mahusay na paraan para gumawa ng mga pagbabago sa iyong (mga) Google Ads account. Makakatipid ka ng oras sa feature na ito dahil nagbibigay-daan ito sa iyong mag-download ng mga naka-template na ulat sa spreadsheet, gumawa ng mga pagbabago sa item sa linya offline, at pagkatapos ay i-upload ang mga pagbabagong iyon pabalik sa account o manager account mo. Kung gumagamit ka ng manager account, puwede kang mag-upload ng isang spreadsheet na nakakaapekto sa anumang pangkat ng mga account na pipiliin mo sa ilalim ng hierarchy ng iyong manager account.

Nagbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng agarang maramihang pagkilos sa mga isyu at pagkakataong maoobserbahan mo sa iyong data. Ipapaliwanag namin kung paano mag-download, mag-edit, at mag-upload ng spreadsheet sa ibaba.

Halimbawa

Si Amy ay isang online na retailer na nagbebenta ng mga equipment na pang-sports. Mayroon siyang libu-libong keyword na nasa dose-dosenang ad group. Noon, gumamit siya ng mga spreadsheet at isang pagmamay-aring formula para gumawa ng mga pagbabago sa kanyang mga bid, na manual niyang inilagay sa kanyang Google Ads account. Gamit ang mga maramihang pag-upload, magagawa niyang mag-download ng spreadsheet ng kanyang mga keyword, baguhin ang kanyang mga bid sa pamamagitan ng paglalapat sa kanyang pagmamay-aring formula sa spreadsheet, pagkatapos ay i-upload nang direkta ang parehong spreadsheet na ito sa kanyang Google Ads account.

Kapag na-upload na ni Amy ang na-edit na spreadsheet, magagawa niyang mag-preview ng anumang pagbabago, kumuha ng mga detalye ng mga posibleng error at ilapat ang mga pagbabago kapag handa na siya – lahat sa iisang tab. Puwede rin niyang ibahagi ang kanyang preview sa mga katrabaho niya kung gusto niya ng pangalawang opinyon.

Hakbang 1: Mag-download ng mga spreadsheet na ie-edit

Mayroon kang dalawang opsyon para simulan ang paggawa ng naa-upload na spreadsheet. Ang unang opsyon ay ang pag-download ng ulat na naglalaman ng iyong kasalukuyang data sa Google Ads, na mainam kapag nilalayon mong gumawa ng mga pagbabago sa item sa linya sa kasalukuyang data. Ang ikalawang opsyon ay ang paggawa ng ia-upload na spreadsheet mula sa umpisa gamit ang mga sinusuportahang header ng column na available sa Google Ads, posibleng maging kapaki-pakinabang ito kung gumagawa ka ng bago (tulad ng paggawa ng maraming bagong campaign) sa halip na gumawa ng mga pag-edit sa item sa linya sa isang bagay na mayroon na (tulad ng paggawa ng mga eksaktong pagsasaayos ng bid sa isang pangkat ng mga kasalukuyang campaign).

Opsyon 1: Direktang mag-download ng spreadsheet mula sa Google Ads account

Lubos na inirerekomenda ang pag-download ng iyong spreadsheet mula sa Google Account mo, dahil hindi lang nito ibinibigay sa iyo ang mga nae-edit na column na kailangan mo, kundi, pino-populate din nito ang mga column na iyon gamit ang iyong kasalukuyang data. Magbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng mga simpleng pagbabago sa item sa linya sa data mo sa halip na manual na i-import ang kinakailangang data para makagawa ng mga pagbabago.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop-down na menu na Mga Campaign. Susunod, i-click ang Mga Campaign, Mga ad group, Mga Ad, o Mga pangkat ng produkto.
    • O kaya, puwede mong i-click ang drop-down na menu na Mga audience, mga keyword, at content. Susunod, i-click ang Mga keyword sa paghahanap (depende sa mga uri ng pag-edit na gusto mong gawin).
  3. I-click ang icon ng i-download Download, at piliin ang Higit pang opsyon sa ibaba ng dropdown.
  4. Pumili ng format para sa iyong spreadsheet.
  5. Sa ilalim ng “Isama,” lagyan ng check ang kahon para sa Mga nae-edit na column para sa Maramihang Pag-upload.
  6. I-click ang I-download.

Subukan ito ngayon


Tandaan: Kung magda-download ka ng ulat, posibleng hindi kasama rito ang lahat ng field na puwede mong i-edit. Pakisuri ang listahan ng mga sinusuportahang column para makita ang lahat ng nae-edit na column na puwede mong maapektuhan sa maramihang pag-upload.

Opsyon 2: Mag-download o Gumawa ng Template ng Spreadsheet

Bagama't ang Opsyon 1 ang kadalasang pinakamainam, kung minsan, ang pag-download ng iyong kasalukuyang data ay hindi kapaki-pakinabang sa sitwasyon ng paggamit mo. Baka mas madaling magsimula sa isang blangkong template at ilagay mismo ang mga kinakailangan pagbabago. (Halimbawa, kung gumagawa ka ng mga bagong campaign). Kung iyon ang layunin mo, posibleng mas mahusay na opsyon ang pag-download ng pre-built na template o ang paggawa ng sarili mong template.
Mag-download ng pre-made na template mula sa aming page na Mga Template na tumutugma sa iyong sitwasyon ng paggamit at i-save ang orihinal mong na-download na spreadsheet.
Tandaan: Inirerekomenda naming palagi kang mag-save ng kopya ng iyong orihinal na na-download na ulat kung sakaling kailanganin mong makita kung ano ang iyong mga setting bago ka gumawa ng mga pagbabago.

Magpatuloy sa hakbang 2: Mag-format ng mga spreadsheet para sa maramihang pag-upload

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8387563633178227475
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false