Idinisenyo ang mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan para tulungan ang mga negosyo sa pagbibigay sa mga potensyal na customer nila ng impormasyong kailangan nila para magdesisyon kung kailan at paano bibisita sa mga tindahan nila. Sini-streamline ng mga Performance Max campaign para sa layunin sa tindahan ang proseso para sa iyo, at pinapadali nito ang pag-promote ng mga tindahan mo sa pinakamalalaking property ng Google, kasama na ang Google Search Network, Maps, YouTube, Gmail, at ang Google Display Network. Magdagdag lang ng ilang linya ng text, mga asset na creative, at badyet, at io-optimize ang iba pa para matulungan ang mga customer na mahanap ka.
Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.
Paano ito gumagana
Kapag gumawa ka ng Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan, kailangan mong tukuyin ang mga lokasyon ng tindahan na gusto mong i-promote. Puwede mo itong itakda sa pamamagitan ng pag-link ng iyong Profile ng Negosyo o pagpili ng mga affiliate na lokasyon.
Nakatuon ang mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan sa pagiging simple at sa pagpapalago sa iyong mga offline na layunin sa negosyo. Ikaw ang magbibigay sa amin ng mga lokasyon ng tindahan, badyet ng campaign, at asset ng ad. Gamit ang mga input na ito, io-optimize ng Google AI ang mga bid, placement ng ad, at kumbinasyon ng asset. Nilalayon ng campaign na i-maximize ang iyong in-store na halaga at mga conversion (gamit ang mga pagbisita sa tindahan, benta sa tindahan, pag-click para tumawag, o pag-click para sa direksyon) at i-promote ang mga lokasyon mo sa lahat ng property at network ng Google.
Ginagamit din ng mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa negosyo ang pag-target sa lugar na sakop ng radius para sa Profile ng Negosyo at mga lokasyon ng mga affiliate local asset (ALA). Posibleng maging iba ang radius depende sa mga tina-target na lokasyon at sa kagustuhan ng user sa layo ng biyahe mula sa lugar nila. Kasama sa iba pang salik na tumutukoy sa tina-target na radius ang: vertical, dami ng populasyon, at pagkakaroon ng kakumpetensya.
Saan puwedeng lumabas ang iyong mga ad
Magiging kwalipikadong lumabas ang iyong mga ad sa mga property ng Google. Kasama rito ang Google Search Network, Google Display Network, Google Maps, Gmail, at YouTube. Narito ang ilan sa mga lugar kung saan puwedeng lumabas ang iyong mga ad:
Google Maps
Puwede kang tulungan ng mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa negosyo na makipag-ugnayan sa mga customer habang nagpaplano sila ng mga pagbisita sa iba't ibang destinasyon. Sa halimbawa sa itaas, ipinapakita ng ikatlong larawan kung paano nagpapakita ang mga ad sa navigation ng impormasyong nauugnay sa iyong negosyo para sa mga bagay na kailangan, gusto, o kaiinteresan nila.
Kapag naghanap ang mga customer ng mga negosyo o kapag nag-explore sila ng lokal na lugar sa Google Maps, itutugma ng Google ang mga pagkilos na ito sa lokasyon ng negosyo mo. Puwedeng tingnan ang iyong ad ng sinumang gumagamit ng mobile device niya na nasa malapit o nagpapakita ng interes sa lokasyon mo.
Makakapagpakita ang Google ng mga ad sa mga resulta ng paghahanap sa Maps kapag naghanap ang mga user ng mga negosyo, tulad ng “pagpapa-change oil,” o “parmasya,” sa mga mobile device nila. Makakatulong sa iyo ang mga Auto Suggest ad na maipakita ang mga alok mo bago pa tuluyang makumpleto ang query sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga iminumungkahing lokasyon ng ad sa autocomplete na paghahanap. Halimbawa, kung may user na nag-type ng "pelikula" at inilagay niya ang unang 3 character ("p-e-l"), puwedeng itampok sa mga suhestyon ang isang ad para sa isang lokasyon ng sinehan na malapit sa user mula sa isang advertiser.
Google Search Network
|
Itinutugma ng Google ang iyong ad sa mga termino para sa paghahanap na nauugnay sa negosyo mo at sa lokasyon nito sa da;awamg format na nakasentro sa store sa Google.com.
YouTube
Puwedeng ipakita ng Google Ads ang iyong mga ad sa YouTube, kung saan mas malamang na magkaroon ito ng pakikipag-ugnayan sa mga in-store na customer.
Google Display Network
Kwalipikadong lumabas ang iyong mga ad kung saan pinakanauugnay ang mga ito sa Google Display Network. Io-optimize ng Google Ads kung saan lalabas ang iyong mga ad para makakuha ng pinakamaraming atensyon ang mga tindahan at produkto mo.
Profile ng Negosyo
Tutulungan ka ng mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa negosyo na gamitin ang page ng Profile ng Negosyo para mag-highlight ng mga espesyal na in-store na alok at produkto sa mga customer, at pati na rin mga attribute ng lokasyon para hikayating bumisita ang mga user.
Gmail
Puwedeng maabot ng iyong mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan ang mga user sa Gmail sa lahat ng mobile na surface.
Magsimula sa pamamagitan ng pag-alam kung paano Gumawa ng Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan.