Alisin ang mga keyword

Puwede kang mag-alis ng mga keyword nang paisa-isa, o puwede kang mag-alis ng maraming keyword nang sabay-sabay.

Tandaan: Naaapektuhan ng mga pag-edit mo sa keyword ang mga keyword ID. Pareho pa rin ang ID at mga dating istatistika ng aktibidad sa mga pagkilos na tulad ng pag-edit ng keyword (tulad ng pagdaragdag o pag-aalis ng Final URL) o pag-aalis at pag-upload ulit ng keyword hangga't nananatiling pareho ang uri ng pagtutugma at text o string ng keyword. Gayunpaman, susuriin ulit ang iyong mga keyword dahil sa mga pagkilos na ito.

Pumili ng mga indibidwal na keyword na aalisin

  1. Sa tree view, piliin ang account, campaign, o ad group na naglalaman ng mga keyword na aalisin.
  2. Pumili ng Mga Keyword.
  3. Pumili ng isa o higit pang keyword.
  4. I-click ang Alisin.
  5. Lalabas ang iyong mga inalis na keyword sa view ng data nang may strikethrough at may "-" sa tabi ng mga ito.

Mag-alis ng isang hanay ng mga keyword sa mga partikular na ad group

  1. I-click ang Gumawa ng maraming pagbabago.
  2. Sa tabi ng "Pagkilos para sa Maramihang Pagbabago," piliin ang Alisin.
  3. I-type o i-paste ang data na aalisin sa grid.
  4. I-click ang Iproseso.
  5. Para magpatuloy, i-click ang Tapusin at suriin ang mga pagbabago. Para kanselahin ang pagpapatakbo, i-click ang I-revert at kanselahin.
  6. Para idagdag ang mga nakabinbing pagbabago sa iyong account, i-click ang Panatilihin. Para i-undo ang mga pagbabago, i-click ang Tanggihan.

Mag-alis ng ilang keyword habang nagdaragdag o nag-a-update ng iba pang keyword

Magagamit mo ang tool na Gumawa ng maraming pagbabago para baguhin ang status para sa maraming keyword nang sabay-sabay. Isama lang ang bagong status (naka-enable, naka-pause, o inalis) sa bawat keyword, at magdaragdag, mag-a-update, at mag-aalis ng mga keyword ang Google Ads Editor sa isang hakbang. Matutunan kung paano i-edit ang iyong mga keyword.

Mag-alis ng isang hanay ng mga keyword sa isang account (kapag hindi alam ang mga pangalan ng campaign o ad group)

  1. I-click ang icon ng menu ng paghahanap Masusing paghahanap, pagkatapos ay i-click ang Search builder.
  2. Mula sa dropdown na menu, piliin ang Kahit Ano > Keyword > Keyword.
  3. Mula sa dropdown na menu, piliin ang naglalaman ng.
  4. I-type ang iyong keyword, pagkatapos ay i-click ang button para sa paghahanap.
  5. Piliin ang Mga Keyword para tingnan ang lahat ng keyword na tumutugma sa iyong paghahanap.
  6. Piliin ang mga keyword na gusto mong alisin at i-click ang Alisin. Puwede mong ulitin ang mga hakbang na ito para maghanap at mag-alis ng maraming keyword.

Puwede mong gamitin ang tool na Gumawa ng maraming pagbabago para palitan ng bagong hanay ng mga keyword ang iyong mga kasalukuyang keyword. Sa Hakbang 1 ng tool, piliin ang checkbox na may label na "Palitan ng mga keyword na ito ang lahat ng content ng mga destinasyong ad group." Aalisin ang iyong mga kasalukuyang keyword at papalitan ng bago mong hanay ng mga keyword.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13940813059055001211
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false