Tungkol sa Google Ads Editor

Paparating na ang mga pagbabago sa proseso ng pag-sign in sa Google Ads Editor. Mag-click dito para malaman ang kailangan mong gawin para mapaghandaan ang mga pagbabagong ito
  • Ang Google Ads Editor ay isang libre at nada-download na application para sa pamamahala ng iyong mga campaign sa Google Ads.
  • Simple lang ang pangunahing proseso: mag-download ng isa o higit pang account, magsagawa ng mga pagbabago offline, pagkatapos ay i-upload ang mga pagbabago sa Google Ads.
  • Matutulungan ka ng Google Ads Editor na makatipid ng oras at mapadali ang pagsasagawa ng mga pagbabago nang maramihan.

Ang puwede mong gawin sa Google Ads Editor

Puwedeng gumamit ng Google Ads Editor ang sinumang advertiser gaano man kalaki ang kanilang account, ngunit partikular na kapaki-pakinabang ito para sa mga account na may maraming campaign at mahahabang listahan ng mga keyword o ad. Halimbawa, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

  • Gumamit ng mga tool sa maramihang pag-e-edit upang mabilis na makagawa ng maraming pagbabago.
  • Mag-export at mag-import ng mga file para magbahagi ng mga proposal o gumawa ng mga pagbabago sa isang account.
  • Tumingin ng mga istatistika para sa lahat ng campaign o isang subset ng mga campaign.
  • Mamahala, mag-edit at tumingin ng maraming account nang sabay-sabay.
  • Maghanap at magbago ng text sa lahat ng ad group o campaign.
  • Kumopya o maglipat ng mga item sa pagitan ng mga ad group at campaign.
  • Mag-undo at mag-redo ng maraming pagbabago habang ine-edit ang iyong mga campaign.
  • Gumawa ng mga pagbabago sa draft bago i-upload ang mga ito sa iyong account.
  • Magpatuloy sa pagtatrabaho kahit offline ka.

Paggamit ng Google Ads Editor sa Google Ads

Kapag sinimulan mong gamitin ang Google Ads Editor, puwede ka pa ring mag-sign in at gumawa ng mga pagbabago sa iyong Google Ads account sa https://ads.google.com. I-download lang ang iyong mga kamakailang pagbabago para matiyak na nasa Google Ads Editor ang pinaka-updated na bersyon ng account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6961672123703649631
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
false