Pinakamahuhusay na kagawian sa pag-bid at mga tip para sa mga hotel campaign

Nag-aalok ang mga Hotel campaign sa Google Ads ng maraming tool sa pag-bid na nagbibigay ng flexible na opsyon sa pagsingil at nagbibigay-daan sa iyong awtomatikong makuha ang target na market nang hindi kinakailangang magsaayos ng mga pag-bid.

Binabalangkas ng artikulong ito ang pinakamahuhusay na kagawian at mga tip para matulungan kang mag-navigate sa mga strategy sa smart bidding para sa pamumuhunan sa hotel campaign sa mga panahong pabago-bago ang demand ng user.

Pinakamahuhusay na kagawian para mapamahalaan ang mga hotel campaign nang epektibo at sa kaunting pagsisikap

  • Tukuyin ang iyong mga layunin at target sa performance. Matuto pa tungkol sa pagtatakda ng mga layunin at target para sa mga partikular na hotel gamit ang mga campaign at ad group
  • Kapag natukoy na ang tamang strategy sa pag-bid, alamin kung paano itakda ang mga bid ng komisyon para maisaalang-alang ang mga nagbabagong kundisyon, gaya ng pagtaas o pagbaba ng volume o rate ng conversion. 
  • Alamin kung paano nagbabago ang gawi ng traveler at i-adjust ang iyong mga bid ayon dito. Halimbawa, posibleng may pagbabago sa mga partikular na uri ng device o pagtaas ng ilang partikular na market habang nagre-recover ang iba't ibang rehiyon mula sa COVID-19 sa magkakaibang timeline.

Narito ang ilang tip na makakatulong sa iyo na i-navigate ang mga kumplikadong bagay na nauugnay sa mga strategy sa pag-bid:

1. Tukuyin ang tamang strategy sa pag-bid para sa iyong hotel campaign

Kapag palaging nagbabago ang mga trend ng pag-click at conversion, makakatulong ang Smart Bidding na makuha mo ang iyong target na market gamit ang mga signal sa oras ng pag-bid gaya ng lokasyon ng user.

Kung wala ka ng kinakailangang resource para madalas na mag-update ng mga bid at tumugon kaagad sa mga pagbabago, pag-isipang gamitin ang isa sa mga diskarte sa Smart Bidding na ito:

Tandaan: Nire-require ng lahat ng strategy sa Smart Bidding ang pagsubaybay sa conversion sa hotel campaign.

Para sa Mga Komisyon (bawat Pananatili), suriin ang Wawakasan na ang mga strategy sa pag-bid na batay sa komisyon sa mga hotel ad para matuto pa tungkol sa mga susunod mong hakbang.

Tip: Kung gumagamit ka ng ECPC o Target na ROAS, puwede mo ring gamitin ang feature na Pag-import ng Conversion ng Google Ads para mag-upload ng mga offline na conversion. Makakatulong ito kung nagaganap ang iyong mga booking sa website ng isang partner, o kung kinakailangan ang mga proseso pagkatapos ng booking para makumpirma ang booking. Gayunpaman, karaniwang nagbibigay ang pagsubaybay sa online na conversion ng mas magandang performance para sa Smart Bidding dahil walang pagkaantala rito.

Tandaang dapat itakda sa "Pagbili" ang kategorya ng conversion para magamit para sa mga Smart Bidding campaign (ECPC, target na ROAS).

2. Itakda ang iyong mga bid na isinasaalang-alang ang mga kasalukuyang trend

Ang Target na ROAS o maximum CPC na bid na itatakda mo sa Mga Setting sa Pag-bid ng iyong campaign ang pinakamagandang paraan para makontrol ang performance at mga badyet mo. Narito ang ilang tip:

  • Asahan ang mga paparating na pagbabago. Io-optimize ng mga diskarte sa Smart Bidding ang mga conversion para sa iyo batay sa mga nakaraang rate ng conversion. Kung may inaasahan kang biglaang pagbabago sa system na hindi katulad ng mga trend sa nakalipas na buwan, isaayos ang iyong mga bid at target ayon dito.

Halimbawa

Nag-anunsyo ang Bansa A ng pagbawi sa mga ban sa domestic na biyahe, simula sa susunod na buwan. Alam mong magiging mas mataas ang demand sa pagbibiyahe sa loob ng mga susunod na linggo kumpara sa naging demand noong nakalipas na buwan. Para makuha ang oportunidad na ito, dapat mong pag-isipang taasan ang iyong rate ng komisyon (kung gumagamit ka ng Smart Bidding) o CPC para sa mga campaign na may trapiko sa Bansa A.

3. Manatiling updated sa mga nagbabagong trend

Makakatulong sa iyo ang mga karagdagang tool na ito na tukuyin kung paano nagbabago ang gawi ng biyahero:

  • Pag-uulat sa Google Ads: Nagbibigay ang Google Ads ng maraming dimensyong partikular sa itinerary na puwede mong gamitin para pagbukud-bukurin ang performance ng iyong mga hotel campaign, gaya ng Advance na Booking at Uri ng Rate. Puwedeng makatulong ang mga trend na ito sa pagsasaayos ng setup o pag-bid ng iyong campaign.
  • Think with Google: Regular na nagpa-publish ang Think With Google ng mga macro na insight at trend na puwedeng makatulong sa pag-unawa sa kung paano epektibong maaabot ang mga biyahero. Halimbawa, puwede mong tingnan ang Google Trendspara makita ang interes sa query sa “bukas na hotel” sa iba't ibang heograpiya.
  • Bid simulator: Kung gumagamit ka ng komisyon o CPC, puwede mong gamitin ang bid simulator para sa mga hotel campaign para masukat kung paano maaapektuhan ng mga pagbabago sa iyong bid ang mga sukatan sa performance na gaya ng mga impression, pag-click, at conversion.
Tandaan: Gumagamit ang bid simulator ng dating data mula sa nakalipas na 7 araw at hindi nito hinuhulaan ang magiging performance sa hinaharap.

Hindi compatible ang bid simulator sa Mga hotel campaign. 

4. Isaayos ang iyong mga target ayon sa mga nabi-bid na segment

Nag-aalok ang mga Hotel campaign ng maraming dimensyon sa adjustment ng bid para makapag-optimize ka para sa mga layuning mahalaga sa iyo, gumagamit ka man ng Smart Bidding o hindi. Sinusuportahan para sa mga sumusunod na strategy sa pag-bid ang mga adjustment ng bid para sa mga hotel campaign: komisyon (bawat conversion), Target na ROAS, ECPC, at CPC.

Halimbawa

Puwede mong ilapat ang mga sumusunod na pagsasaayos ng bid depende sa iyong sitwasyon ng paggamit:

  • Gumagamit ka ng komisyon (bawat conversion), na awtomatikong nag-o-optimize para sa return on ad spend bago ang pagkansela, at gusto mong ilipat ang trapiko papalayo sa mga booking na malamang na magkansela. Napansin mong mas malamang na hindi magkansela ang mga booking para sa "ngayong gabi." Puwede mong pag-isipang mag-set up ng isang positibong adjustment ng bid gamit ang palugit ng advanced na booking para makuha ang demand na ito, o maglapat ng negatibong adjustment ng bid sa mas mahahabang palugit ng booking.
  • Gumagamit ka ng pag-bid na CPC o Target na ROAS at napapansin mong malaki ang paglipat ng trapiko sa mobile habang nananatili sa bahay ang mga tao. Puwede mong pag-isipang mag-set up ng adjustment ng bid para sa uri ng device para maisaalang-alang ang pattern na ito.
    • Awtomatikong isasaalang-alang ang mga pagbabagong ito sa trapiko kapag gamit ang Smart Bidding.

Puwede mong suriin ang performance ng iyong mga adjustment ng bid sa pamamagitan ng pagbubukod sa mga sukatan ng performance ayon sa mga dimensyon sa adjustment ng bid na inilapat.

5. Ang pag-adjust sa mga bid at badyet ang pinakamagandang paraan para kontrolin ang performance

  • I-adjust ang Mga Target: Kapag gumagamit ka ng pag-bid na batay sa halaga na may target na ROAS, kung gusto mong maparami ang conversion, pag-isipang unti-unting babaan ang target na ROAS. Magbibigay-daan ito sa strategy sa pag-bid na pumasok sa mas maraming auction at makabuo ng mas maraming conversion. Kung gusto mo namang mapataas ang halaga ng conversion, puwede mong taasan ang target na ROAS. Kapag binago mo ang mga target, magkakaroon kaagad ng reaksyon ang bidder pero kakailanganin nito ng panahon bago maabot ang bagong target (bigyan ito ng 1-2 cycle ng conversion). Matuto pa tungkol sa kung Paano gumawa ng mga adjustment sa target sa Smart Bidding sa Search.
  • Magtakda ng target na ROAS na tama para sa iyo:
    • Bago lumipat sa pag-bid na batay sa halaga, maganda kung nagbi-bid ka na sa gustong layunin sa conversion gamit ang isang strategy sa tCPA na pag-bid. Siguraduhing iulat ang mga value sa lahat ng nauugnay na campaign sa loob ng 4 na linggo o 3 cycle ng conversion (anuman ang mas mahaba) bago tukuyin ang iyong target na ROAS at i-activate ang pag-bid na batay sa halaga. Matuto pa tungkol sa pagbabago ng mga layunin sa nabi-bid na conversion.
    • Ang target na ROAS mo ay katumbas o mas mababa dapat sa ROAS na inihahambing sa iyong dating performance.
    • Para mahanap ito, piliin ang Baguhin ang Mga Column mula sa drop-down na “Mga Column” at idagdag ang column na Halaga ng conv./gastusin mula sa listahan ng mga column na "Mga Conversion." Pagkatapos, i-multiply sa 100 ang iyong sukatang halaga ng conversion sa bawat gastusin para makuha ang porsyento ng target na ROAS mo.
    • Siguraduhing hindi kasama sa timeframe ng pagsusuri ng iyong ROAS ang timeframe ng pinakakamakailang pagkaantala ng conversion para makakuha ka ng tumpak na view ng performance ng campaign.
    • Makikita rin ang mga rekomendasyon sa target sa tab na Mga Rekomendasyon, habang ginagawa ang campaign o habang gumagawa ng strategy sa mga level ng campaign o portfolio.
       

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
11201167744529217252
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false