Mag-deactivate ng mga ad blocker para sa Google Ads

Kung nagpapagana ng extension ng ad blocker (halimbawa, ang Ad Blocker ng Google Chrome o iba pang ad blocker ng 3rd party) ang iyong browser, puwedeng may lumabas na mensahe ng error na nasa pulang banner sa itaas ng Google Ads mo at baka hindi mo makita mga preview ng iyong ad habang gumagamit ka ng Google Ads. Posibleng hindi palaging lumabas ang error sa lahat ng browser o sa ilang network kung ina-access mo ang Google Ads sa mahigit sa isang browser. Inilalarawan ng artikulong ito kung paano tingnan kung may naka-activate na ad blocker sa iyong browser at kung paano i-disable ang ad blocker ng Google Chrome. Para mag-disable ng mga ad blocker ng 3rd party, kumonsulta sa gabay ng developer. 

Bago ka magsimula

Para masubukan kung ad blocker ang dahilan kung bakit hindi mo makita ang preview ng iyong ad, buksan ang Google Ads at hanapin ang error sa kahit 2 browser, pati na rin sa pribadong window ng browser (Incognito mode sa Chrome). Tandaan: Inilalarawan ng mga tagubilin sa susunod na seksyon kung paano i-deactivate ang ad blocker sa Google Chrome, pero kung sa ibang browser ka may ad blocker, hindi naaangkop ang mga tagubiling ito.

I-deactivate ang ad blocker (desktop)

Puwede mong baguhin ang iyong mga setting para payagan ang mga ad sa lahat ng site.

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Advanced at pagkatapos ay Mga Setting ng Site  at pagkatapos ay Mga Ad
  2. I-on ang Naka-block sa mga site na malamang na magpakita ng mga nakakasagabal na ad (inirerekomenda)

Payagan ang mga ad sa mga partikular na site

Kung pinagkakatiwalaan mo ang isang site, puwede kang magdagdag ng pagbubukod para payagan ang mga ad sa site na iyon.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.

  2. Pumunta sa isang page na pinagkakatiwalaan mo na may mga naka-block na ad.
  3. Sa kaliwa ng address sa web, i-click ang Lock Lock o Impormasyon Impormasyon.
  4. Sa kanan ng "Mga Ad," i-click ang Mga Arrow Mga Arrow.
  5. Piliin ang Palaging payagan sa site na ito.
  6. I-reload ang webpage.

I-deactivate ang ad blocker

Kung pinagkakatiwalaan mo ang isang site, puwede kang magdagdag ng pagbubukod para payagan ang mga ad sa site na iyon.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Impormasyon Impormasyon.
  3. I-tap ang Mga setting ng site.
  4. Sa tabi ng "Mga Ad," i-tap ang Pababang arrow Pababang arrow.
  5. I-tap ang Pinapayagan.
  6. I-reload ang webpage.

Ihinto ang pag-block ng Chrome sa mga ad sa iyong site

Inaalis ng Chrome ang mga ad sa mga website na lumalabag sa Better Ads Standards. Ayon sa mga pamantayan, hindi hinihikayat ang mga uri ng mga ad na partikular na kinaiinisan ng mga tao.

Kung inaalis ang mga ad sa isang site na pagmamay-ari mo, bisitahin ang Ulat sa Karanasan sa Ad. Sa ulat, malalaman mo ang tungkol sa anumang isyung nakita sa iyong site at kung paano solusyunan ang mga ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1553750454277427778
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false