Tungkol sa Smart Mode at Expert Mode

Medyo mag-iiba ang iyong karanasan sa Google Ads depende kung nasa Smart Mode o Expert Mode ka. 

Ang Smart Mode ay ang pinasimpleng bersyon ng Google Ads. Dinisenyo ito para pasimplehin ang karanasan sa pag-advertise, para makapaghatid ang mga negosyo ng mga totoong resulta at makatipid ng oras sa pag-set up at pamamahala ng mga campaign. 

Ang bawat campaign sa Smart Mode ay isang Smart campaign. Nagbibigay-daan ang mga Smart campaign sa mga advertiser na piliin ang kanilang mga layunin sa negosyo at kung saan nila gustong mag-advertise, pagkatapos ay ginagamit ng Google ang machine learning para maghatid ng mga totoong resulta na iniangkop sa mga layuning ito, tulad ng mga tawag sa telepono, pagkilos sa kanilang website, at pagbisita sa store, na pinapadali ang pag-abot ng mas maraming customer.

Ang karamihan sa mga bagong user ng Google Ads ay sasali sa Google Ads sa Smart Mode.  

Nag-aalok ang Expert Mode ng kumpletong hanay ng mga feature at uri ng campaign sa Google Ads. Bagama't nagbibigay ito sa mga advertiser ng mas kumpletong kontrol sa kanilang mga diskarte sa pag-bid, nangangailangan din ito ng mas kumplikadong pamamahala. Ito ang dahilan kung bakit inirerekomenda namin ito para sa mga advanced na marketer at advertiser.

Ikumpara ang Smart Mode sa Expert Mode

Smart Mode Expert Mode
Itakda ang iyong badyet at mga layunin, at kami na ang bahala sa lahat ng iba pa

Kontrolin ang iyong mga setting at uri ng campaign

(App, video, at higit pa)

Magaang maintenance (~15 minuto bawat linggo) Kinakailangan ang tuluy-tuloy na pamamahala (1+ oras bawat linggo)
May gabay na pag-set up ng ad, mga naka-optimize na keyword, at higit pa Mahuhusay na kontrol para sa mga keyword, pag-bid, at higit pa
Mga simple at madaling basahing ulat sa performance Mga detalyado at custom na ulat sa performance

Paglipat Expert Mode mula sa Smart Mode

Anuman ang laki ng negosyo, puwede itong makinabang mula sa teknolohiya sa pag-automate ng mga Smart campaign at sa mga oras na natitipid nito. Gayunpaman, kung gusto mo ng mga mas advanced na feature o iba pang uri ng campaign sa Google Ads, narito kung paano ka lilipat sa Expert Mode.

  1. Kapag naka-sign in ka sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Google Ads | tools [Icon] sa kanang sulok sa itaas.
  2. Piliin ang Lumipat sa Expert Mode.

Kapag nakalipat ka na sa Expert Mode, maa-access mo na ang buong karanasan sa Google Ads at magagawa ang lahat ng uri ng Google Ads campaign, hal. Search, Display, Video, App, Shopping.

Tandaan: Kapag nailipat na sa "Expert Mode" ang iyong account, hindi mo na maibabalik ang account mo sa Smart Mode. Gayupaman, puwede mong i-edit ang iyong mga Smart campaign mula sa Expert Mode anumang oras, gaya ng pag-edit mo sa anupamang campaign.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu