Tungkol sa mga hindi available na paraan ng pagbabayad

Sa pangkalahatan, tinutukoy ng iyong bansa at currency kung anong mga paraan ng pagbabayad at setting ng pagbabayad ang available para sa account mo. Ang paraan ng pagbabayad ay ang ginagamit mo para magbayad, gaya ng mga credit card o direct debit. Ang setting ng pagbabayad ay kung kailan at paano ka nagbabayad (halimbawa, sa pamamagitan ng mga awtomatikong pagbabayad, mga manual na pagbabayad, o buwanang pag-invoice). Gayunpaman, posibleng may mga sitwasyon kung saan nagiging pansamantalang hindi available para sa iyong account ang isang paraan o setting ng pagbabayad na karaniwang available para sa bansa o currency mo.

Sa mga ganitong sitwasyon, ige-gray out at hindi mapipili ang mga hindi available na paraan ng pagbabayad o setting ng pagbabayad sa unang beses na ise-set up mo ang iyong impormasyon sa pagbabayad sa Google Ads, kapag nagbabayad ka, at sa page mong "Mga paraan ng pagbabayad." Hindi lalabas ang mga hindi available na setting ng pagbabayad sa dropdown menu sa iyong page na "Mga Setting ng Pagsingil."

Ang mga hindi available na paraan ng pagbabayad o setting ng pagbabayad ay puwedeng dahil sa mga tuloy-tuloy na pagsusuri sa mga setting at aktibidad ng iyong account, at hindi ito palaging nangangahulugang may nagawa kang mali. Ito ay para makapaglaan ng panahon para sa masusing pagsusuri—isang pagsusuring tumutulong na tiyaking secure at nakakasunod sa mga patakaran ng Google Ads ang iyong mga account.

Kailan ka makakapansin ng update

Sa pangkalahatan, magiging available ang paraan ng pagbabayad o setting ng pagbabayad kapag nasuri na ng Google ang iyong account at nakumpirma nitong natutugunan ng account mo ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • $200 USD na halaga ng mga bayad gamit ang available na paraan ng pagbabayad

  • 4 na linggo ng aktibidad sa account na nakakasunod sa mga patakaran ng Google Ads
Tandaan: Posibleng may mga sitwasyon kung saan mas matagal ang proseso. Makakatanggap ka ng update sa email kapag naging available na ang paraan ng pagbabayad o setting ng pagbabayad.

Mag-apply para sa mas mabilis na access sa isang paraan ng pagbabayad

Bukod pa rito, anumang oras ay puwede mong subukang mag-apply para sa mas mabilis na access sa mga paraan ng pagbabayad o sa mga setting ng pagbabayad, kung kinakailangan. Kapag tinapos mo ang aplikasyong ito, posibleng mapabilis ang proseso ng pagsusuri, at kung naaangkop, puwedeng mas maagang maging available ang paraan o setting ng pagbabayad para sa iyong account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15841183391848513930
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false