Mga available na sukatan sa Editor ng Ulat para sa mga hotel ad

Available na sa Google Ads ang mga sukatan ng pag-uulat ng mga hotel ad. Matitingnan mo ang pangunahing data ng performance sa antas ng account, campaign, at ad group.

Tandaan: Hindi mo matitingnan ang mga sukatan ng grupo ng hotel sa Editor ng Ulat, pero matitingnan mo ang mga sukatan ng Hotel ID. Kung gusto mong tingnan ang mga sukatan ng grupo ng hotel, i-click ang "Mga grupo ng hotel" sa menu ng page.

Naglalaman din ang Editor ng Ulat ng mga pangunahing attribute ng hotel na matitingnan mo sa isang naka-customize na ulat.

Mga sukatan sa Editor ng Ulat

Sinusuportahan na ngayon ng Editor ng Ulat ng Google Ads ang mga attribute ng hotel. Makakagawa ka ng mga custom na ulat gamit ang marami sa mga itinatampok na sukatan. Nasa sumusunod na talahanayan ang isang listahan ng mga available na attribute ng hotel na makikita sa Editor ng Ulat, kasama ang kahulugan ng bawat sukatan.

Mga sukatan sa Editor ng Ulat Kahulugan ng sukatan
Advanced na pag-book Ito ang bilang ng mga araw bago ang mismong araw kung kailan gustong mag-book ng biyahero sa hotel. Halimbawa, kung magbu-book ang biyahero sa Agosto 15 para sa pananatiling magsisimula sa Agosto 25, 10 ang bilang ng advanced na pag-book. Batay ito sa mga attribute noong ginawa ang paghahanap at hindi sa mga attribute ng oras ng conversion.
Petsa ng pag-check in Ito ang partikular na petsa kung kailan pinaplanong simulan ng biyahero ang kanyang pananatili sa hotel. Batay ito sa mga attribute noong ginawa ang paghahanap at hindi sa mga attribute ng oras ng conversion.
Araw ng linggo ng pag-check in Ito ang araw ng linggo, gaya ng Miyerkules o Biyernes, kung kailan pinaplanong simulan ng biyahero ang kanyang pananatili sa hotel. Batay ito sa mga attribute noong ginawa ang paghahanap at hindi sa mga attribute ng oras ng conversion.
Mga Pag-click Ito ang dami ng beses na na-click ng mga tao ang isang ad
Mga Conversion Isang pagkilos na natukoy mong mahalaga sa iyong negosyo pagkatapos mag-interact ng biyahero sa ad mo (tulad ng online na pag-book)
Gastusin Ito ang halaga ng isang interaction sa iyong ad, tulad ng pag-click, conversion, o pagtingin. Tutukuyin mo ang uri ng interaction at ang gastos sa mga setting ng iyong campaign.
Bansa / Teritoryo Ang bansa o rehiyon kung nasaan ang biyahero
Mga petsang itinakda ng biyahero Tinutukoy nito kung nagtakda ng mga partikular na petsa ng pagbiyahe ang isang biyahero o ginamit niya ang mga default na petsang itinakda ng Google.
Device Ang uri ng device na ginagamit ng biyahero para maghanap ng mga hotel, tulad ng mobile, desktop, o tablet
Hotel Center account ID Isa itong natatanging numerong kumakatawan sa isang partner account sa Hotel Center. Dati itong tinatawag na partner ID. Makikita ang iyong account ID at pangalan ng partner sa page na "Mga setting ng account" ng Hotel Center.
Mga kwalipikadong impression ng hotel Ito ang kabuuang bilang ng mga pagkakataong naging kwalipikadong lumabas ang iyong hotel ad (pumasok sa auction) batay sa pamantayan sa pag-target sa partikular na yugto ng panahon.
  • Ipinapakita ang ilang kwalipikadong impression bilang mga non-integer (o bilang mga fraction tulad ng 1.1 o 51.8) bilang resulta ng pagkakahati ng mga kwalipikadong impression sa iba't ibang campaign.
  • Kung limitado ang iyong badyet, magkakaroon ka ng mas kaunting kwalipikadong impression.
Hotel ID Ito ang natatanging identifier ng hotel. Ang Hotel ID ay itinatalaga ng partner kapag ginagawa ang listahan ng hotel. Batay ito sa mga attribute noong ginawa ang paghahanap at hindi sa mga attribute ng oras ng conversion.
Mga Impression Nagbibilang ng impression sa tuwing ipinapakita ang iyong ad sa isang page ng resulta ng paghahanap o sa iba pang site sa Google Network.
Tagal ng pananatili Ito ang bilang ng mga gabi kung kailan napiling manatili ng biyahero. Batay ito sa mga attribute noong ginawa ang paghahanap at hindi sa mga attribute ng oras ng conversion.
Bucket ng presyo Inilalarawan nito kung gaano nakasabay sa mga kakumpitensya ang rate ng kuwarto mo.
  • Nag-iisang presyong ipinakita: Ang presyo mo lang ang ipinakita para sa itinerary.
  • Natatanging pinakamababang presyo: Ikaw ang may pinakamababang presyo, at wala nang ibang presyong ipinakita na nasa loob ng partikular na porsyento mula sa presyong iyon.
  • Tabla sa pinakamababang presyo: Pasok ka loob ng partikular na porsyento mula sa pinakamababang presyo, pero ganoon din ang isa o higit pang advertiser.
  • Hindi pinakamababang presyo: Wala ka loob ng partikular na porsyento mula sa pinakamababang presyo, pero ganoon din ang isa o higit pang advertiser.
Tandaan: Hindi kasama ang trapiko ng ad ng pag-promote ng property sa anumang itinalagang bucket ng presyo at ibinabalik nito ang value na UNSPECIFIED sa Google Ads API. Bilang karagdagan, para sa mga auction kung saan masyadong mababa ang bid mo o sobra ang badyet mo, nagbabalik kami ng UNSPECIFIED sa Google Ads API.
Hotel rate rule ID Ito ang identifier ng anumang na-click na espesyal na presyo. Puwedeng maglapat ng mga conditional rate sa mga partikular na customer, device, at bansa ang mga travel advertiser. Halimbawa, puwede kang magtakda ng espesyal na presyo para sa mga loyalty member o ng diskwento para sa mga user ng mobile.
Uri ng rate ng hotel Ito ang uri ng rate: Pampubliko, Pribado, o Kundisyunal. Suriin ang terminolohiya sa Hotel Center.
Klase ng hotel Ito ay mula 0-star (hindi natukoy ang klase) hanggang 5-star. Ang klase ng hotel ay tinutukoy ng Google at kumakatawan ito sa level ng serbisyo ng hotel, at hindi sa rating nito sa review ng customer.
Bansa ng hotel Ang bansa o malawak na heograpikong rehiyon ng hotel
Estado ng hotel Ito ang estado o rehiyon sa bansa kung saan matatagpuan ang hotel. Available lang ito pagkatapos mag-subdivide ayon sa bansa o rehiyon.
Lungsod ng hotel Ito ang lungsod kung saan matatagpuan ang hotel. Puwede ka lang mag-subdivide ayon sa lungsod pagkatapos mag-subdivide ayon sa bansa at estado.
Avg. na halaga ng lead Ito ang average na gastos sa pananatili (kasama ang mga buwis at bayarin), batay sa mga impression na humantong sa mga pag-click. Ang mga impression lang na humantong sa pag-click (mula sa sinumang advertiser sa auction) ang kasama sa average.
% ng pagkakaiba ng presyo ng hotel Ito ang porsyento ng pagkakaiba ng iyong average na pang-araw-araw na presyo at ng average na pinakamurang pang-araw-araw na presyo ng mga kakumpitensya mo. Posibleng hindi matukoy ang pagkakaiba ng presyo ng hotel kung zero ang bilang ng mga impression sa isang kakumpitensya.

Mga pangunahing sukatan sa performance

Makikita ang mga sumusunod na sukatan sa data ng iyong performance sa Google Ads sa antas ng account, campaign, o ad group. Para makita ang data na ito sa iyong pag-uulat sa Google Ads, puwede mong baguhin ang mga column para piliin ang mga sukatang ito.

Pangalan ng column Kahulugan ng sukatan
Lahat ng halaga ng conv. Ang pinagsamang halaga para sa bawat pagkilos na conversion
IS (Bahagi ng Impression o Impression Share) sa pinakataas sa Search Ito ang bilang ng mga impression kung saan nasa pinakataas na lokasyon ang iyong ad (ang pinakaunang ad sa module sa pag-book ng mga hotel ad) na hinati sa tinantyang bilang ng mga impression kung saan ka kwalipikadong makipagkumpitensya sa nangungunang lokasyon.
Bahagi ng impr. sa Search Ang porsyento ng mga impression na natanggap ng iyong mga ad kumpara sa kabuuang bilang ng mga impression kung saan naging kwalipikado ang mga ad mo
Nangungunang IS (Impression Share o Bahagi ng Impression) sa Search Ito ang mga impression na natanggap mo sa nangungunang posisyon kumpara sa tinantyang bilang ng mga impression kung saan ka naging kwalipikadong makipagkumpitensya sa nangungunang posisyon.
Nawalang bahagi ng impression sa Search (rank) Tinatanya nito kung gaano kadalas hindi lumabas ang iyong ad saanman sa module sa pag-book ng mga hotel ad, kabilang ang hindi na-expand na slot ng menu, dahil sa mababang ad rank.
Nawalang bahagi ng impression sa Search (badyet) Tinatantya kung gaano kadalas hindi lumabas ang iyong ad sa module sa pag-book ng mga hotel ad dahil naubusan ka ng badyet
Bucket ng presyo Inilalarawan nito kung gaano nakasabay sa mga kakumpitensya ang rate ng kuwarto mo.
  • Nag-iisang presyong ipinakita: Ang presyo mo lang ang ipinakita para sa itinerary.
  • Natatanging pinakamababang presyo: Ikaw ang may pinakamababang presyo, at wala nang ibang presyong ipinakita na nasa loob ng partikular na porsyento mula sa presyong iyon.
  • Tabla sa pinakamababang presyo: Pasok ka loob ng partikular na porsyento mula sa pinakamababang presyo, pero ganoon din ang isa o higit pang advertiser.
  • Hindi pinakamababang presyo: Wala ka loob ng partikular na porsyento mula sa pinakamababang presyo, pero ganoon din ang isa o higit pang advertiser.
Tandaan: Hindi kasama ang trapiko ng ad ng pag-promote ng property sa anumang itinalagang bucket ng presyo at ibinabalik nito ang value na UNSPECIFIED sa Google Ads API. Bilang karagdagan, para sa mga auction kung saan masyadong mababa ang bid mo o sobra ang badyet mo, nagbabalik kami ng UNSPECIFIED sa Google Ads API.
Porsyento ng pagkakaiba ng presyo ng hotel Ito ang porsyento ng pagkakaiba ng iyong average na pang-araw-araw na presyo at ng average na pinakamurang pang-araw-araw na presyo ng mga kakumpitensya mo. Posibleng hindi matukoy ang pagkakaiba ng presyo ng hotel kung zero ang bilang ng mga impression sa isang kakumpitensya.
Bahagi ng pag-click Ang mga pag-click na natanggap mo sa Search Network na hinati sa tinantyang maximum na bilang ng mga pag-click na natanggap mo sana

Mga kaugnay na link

Kung kailangan mo ng tulong sa iyong mga link sa pag-book, makipag-ugnayan sa amin o hilinging makipag-chat sa isang espesyalista sa suporta.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16531700041193883369
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false