Tungkol sa pag-bid sa mga App campaign para sa pakikipag-ugnayan

Medyo iba ang pag-bid sa mga App campaign para sa pakikipag-ugnayan kumpara sa pag-bid sa mga App campaign para sa mga pag-install. Nakatuon ang mga App campaign para sa pakikipag-ugnayan sa mga in-app na pagkilos; magtatakda ka ng bid para sa mga event sa app. Tinatawag itong target na cost-per-action (target na CPA). Nagbibigay-daan ito sa iyong piliin kung magkano ang gusto mong ibayad, sa average, para sa isang kasalukuyang user ng app mo para kumumpleto ng in-app na pagkilos.

Kapag nagtakda ka ng iyong bid, ipinapaalam mo sa Google Ads ang average na halagang gusto mong gastusin sa tuwing may magsasagawa ng isang partikular na in-app na pagkilos; magiging mas mataas ang ilang conversion kaysa sa iyong bid, at magiging mas mababa naman ang iba. Tandaang gagamitin ang iyong badyet para ma-maximize ang bilang ng in-app na pagkilos na nahihimok ng ad mo. Kaya, kung itatakda mo ang iyong pang-araw-araw na badyet sa Php15,000, at ang iyong target na CPA ay Php500, sinusubukan mong makakuha ng humigit-kumulang 30 pagkilos bawat araw mula sa iyong mga ad.

Halimbawa

Sabihin nating humihimok ka ng in-app na conversion na nagkakahalagang Php500 sa iyong negosyo. Nasa Php0–Php500 dapat ang iyong bid, pero ang pinakamainam na bid ay malapit dapat sa halaga ng in-app na pagkilos hangga't posible. Kung magagawa ng Google Ads na maghatid ng mga conversion sa halagang mas mababa sa iyong bid, at magagastos pa rin nito ang iyong badyet, gagawin iyon ng Google Ads.

Inirerekomenda naming:

  • Itakda mo ang iyong pang-araw-araw na badyet sa katumbas ng 15 beses ng target na CPA mo.
  • Iayon mo ang iyong target na CPA sa halaga ng mga conversion kung para saan ka nag-o-optimize, at ibatay ang target na CPA mo sa aktwal na CPA na nakuha para sa in-app na event.
    • Tandaan: Kung hindi nakakatanggap ang iyong campaign ng sapat na conversion, subukang taasan ang target na CPA na bid mo. Kapag tinaasan mo ang iyong target na CPA na bid, makakasali ang ad mo sa mas maraming auction at makakakalap ito ng mas maraming data para malaman ng Google Ads kung ano ang pinakaepektibo para sa iyong app.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18331853104409121861
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false