Pinakamahuhusay na kagawian para sa pamamahala ng mga pagbabago sa modelo ng attribution

Dapat mong asahang magkakaroon ng ilang pagbabago sa iyong pag-uulat na "Mga Campaign" kapag may anumang pagbabago sa modelo ng attribution sa isang pagkilos na conversion. Dapat mo ring subaybayan at i-update ang iyong mga bid at target.

Mga pagbabagong dapat asahan sa "Mga Campaign"

Pagkatapos baguhin ang modelo ng attribution mo, puwede kang makapansin ng mga pagbabago sa pag-uulat sa iyong tab na "Mga Campaign."

  • Fractional credit: Ang credit para sa isang partikular na conversion ay hinahati-hati sa mga nag-ambag na interaction sa ad, ayon sa napili mong modelo ng attribution. Bilang resulta, makakakita ka ng mga decimal sa iyong mga column na "Mga Conversion" at "Lahat ng conv." sa unang pagkakataon kapag lumipat ka sa modelong hindi huling pag-click.
  • Time lag: Nag-uulat ng mga conversion ang Google Ads ayon sa petsa ng interaction sa ad. Dahil hinahati-hati ng modelo ng attribution na hindi sa huling pag-click ang credit sa conversion sa maraming interaction, na bawat isa ay nangyari sa ibang pagkakataon, puwedeng humaba ang time lag na nauugnay sa iyong pag-uulat sa "Mga Campaign." Bilang resulta, puwede kang makapansin ng pansamantalang bahagyang pagbaba ng mga conversion para sa mga araw pagkatapos na pagkatapos mong baguhin ang iyong modelo ng attribution. Para maunawaan kung paano nakakaapekto ang time lag na ito sa iyong pag-uulat sa negosyo, tingnan ang "Avg. na mga araw hanggang sa conversion" sa ulat sa attribution na "Mga sukatan ng path." Inirerekomenda naming maghintay ka hanggang sa lumipas ang average na dami ng mga araw bago ang conversion bago ka magsuri ng performance.
  • Mga pagbabago sa credit: Sa anumang pagbabago sa iyong modelo ng attribution, puwede kang makapansin ng mga pagbabago sa credit sa conversion sa ilang campaign, network, ad group, at keyword na gumagamit ng pagkilos na conversion na iyon.

I-update ang iyong mga bid at target

Kung babaguhin mo ang iyong modelo ng attribution, dapat mong i-update ang iyong mga bid at target para sa bawat conversion na kasama sa column na "Mga Conversion." Kung hindi, puwedeng humantong sa pag-bid nang kulang/sobra ang pagbabago sa attribution ng conversion.

Kung manual na pag-bid lang ang ginagamit mo, hindi maaapektuhan ang performance (sa positibo o negatibong paraan) hanggang sa simulan mong mag-optimize batay sa bagong data. Gayunpaman, partikular na mahalaga ang pagbabago ng target kung gumagamit ka ng mga strategy sa pag-bid na Target na CPA o Target na ROAS, gaya ng ipinapakita sa sumusunod na halimbawa:

Halimbawa 2

Gumagamit ka ng Target na CPA na pag-bid. Lumipat ka sa modelong "Batay sa data" para sa iyong pagkilos na conversion. Mayroon kang 2 campaign na may sumusunod na performance ng huling pag-click sa column na "Mga Conversion" sa nakalipas na 2 linggo:

  • "Brand" (lower-funnel) campaign: $5 USD CPA, 200 conversion
  • "Generic" (upper-funnel) na campaign: $20 USD CPA, 50 conversion

Dahil gumagamit ka ng Target na CPA na pag-bid, ang mga target sa itaas din ang mga target na ginagamit sa pag-bid.

Ngayon, sabihin nating tiningnan mo ang column na "Mga Conversion (kasalukuyang modelo)," na nagpapakita ng dating performance ng attribution na batay sa dating data, at naobserbahan mo ang sumusunod:

  • "Brand" (lower-funnel) campaign: $6.67 USD CPA, 150 conversion
  • "Generic" (upper-funnel) na campaign: $10 USD CPA, 100 conversion

Kung lilipat ka sa modelong "Batay sa data" mula sa modelong "Huling pag-click" habang hinahayaan mo ang mga tCPA na target sa orihinal na $5 at $20, ang mga pagbabago sa mga conversion ay magpapahiwatig ng isang hanay ng mga pagbabago sa bid na magbi-bid nang kulang sa "Brand" campaign at magbi-bid nang sobra sa "Generic" na campaign.

Kalkulahin ang mga pagsasaayos sa iyong mga bid at target pagkatapos lumipat ng modelo

Para sa Target na CPA

  1. Sa tab na "Mga Campaign," tingnan ang performance para sa mga pagkilos na conversion ayon sa mga kakapili mo lang na modelo ng attribution sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga column na "Mga Conversion (kasalukuyang modelo)" at "Gastos / conv. (kasalukuyang modelo)" sa iyong mga ulat. Alamin kung paano magdagdag at mag-alis ng mga column sa iyong talahanayan ng mga istatistika.
  2. Ihambing ang mga column na ito sa mga column na "Mga Conversion" at "Gastos / conv." para makita ang pagbabago sa kasalukuyang modelo mula sa dating modelo.
  3. Kalkulahin ang porsyento ng pagbabago sa column na "Gastos / conv."
  4. Itakda ang iyong bagong mga target ng CPA sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga dating target ng CPA mo ayon sa parehong porsyento ng pagbabago, sa antas ng campaign, gaya ng inilalarawan sa halimbawa sa ibaba.

Tandaan: Kapag pinipili ang hanay ng petsa para sa iyong pagsusuri, isang magandang panuntunan ang hindi pagsasama ng pinakakamakailang ilang linggo para maiwasan ang epekto ng time lag sa pagitan ng pag-click at conversion.

Halimbawa 3

Binago mo ang modelo ng attribution para sa iyong pagkilos na conversion noong Setyembre 1. Dahil hindi mo dapat isama ang huling 14 na araw ng data (Agosto 18-31) sa iyong pagsusuri, gagamitin mo ang data mula Agosto 4-17 para makatulong sa iyong kalkulahin ang mga pagsasaayos sa Target na CPA mo.

Campaign Gastos Mga Conversion Gastos/conv. Mga Conversion (kasalukuyang modelo) Gastos/conv. (kasalukuyang modelo) Pagsasaayos ng tCPA
Generic 1 $250 USD 200 $1.25 USD 280 $0.89 USD -29%
Generic 2 $500 USD 600 $0.83 USD 520 $0.96 USD +16%

Para sa campaign na "Pangkalahatan 1," bumaba nang $0.36 ang cost per conversion. Para maisaalang-alang ang pagbabang ito, dapat mong babaan ang iyong tCPA nang 29% (0.36/1.25=0.29).

Para sa campaign na "Pangkalahatan 2," tumaas nang $0.13 ang cost per conversion. Para maisaalang-alang ang pagtaas na ito, dapat mong taasan ang iyong tCPA nang 16% (0.13/0.83=0.16).

Para sa Target na ROAS

Kapareho ng nasa itaas ang mga hakbang para kalkulahin ang iyong mga bagong target ng ROAS pero iba ang mga column nito:

  1. Sa tab na "Mga Campaign," tingnan ang performance para sa mga pagkilos na conversion sa kakapili mo lang na modelo ng attribution sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga column na "Halaga ng conv. (kasalukuyang modelo)" at "Halaga ng conv. / gastos (kasalukuyang modelo)" sa iyong mga ulat. Alamin kung paano magdagdag at mag-alis ng mga column sa iyong talahanayan ng mga istatistika.
  2. Ihambing ang mga column na ito sa mga column na "Halaga ng conv." at "Halaga ng conv. / gastos" para makita ang pagbabago sa kasalukuyang modelo mula sa dating modelo.
  3. Kalkulahin ang porsyento ng pagbabago sa column na "Halaga ng conv. / gastos."
  4. Itakda ang iyong bagong mga target ng ROAS sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga dating target ng ROAS mo ayon sa parehong porsyento ng pagbabago, sa antas ng campaign.

Tandaan: Kapag pinipili ang hanay ng petsa para sa iyong pagsusuri, isang magandang panuntunan ang hindi pagsasama ng pinakakamakailang ilang linggo para maiwasan ang epekto ng time lag sa pagitan ng pag-click at conversion.

Kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2562900231076503527
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false