Nakakatulong sa iyo ang mga local campaign na ikonekta ang online na pag-advertise sa storefront mo. Puwede mong i-promote ang iyong mga tindahan sa mga resulta ng paghahanap sa Google, sa Maps, YouTube, at iba pang website.
Google Ads Tutorials: Setting up Local campaigns
Mga Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado
Para ma-access ang mga Local campaign, kakailanganin mong magkaroon ng mga aktibong extension ng lokasyon o affiliate na extension ng lokasyon sa iyong account o magkaroon ng Profile ng Negosyo na nakakonekta sa Google Ads.
Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumawa ng local campaign.
Mga Tagubilin
1. Gumawa ng Local campaign
Gumawa ng bagong campaign
- Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
- I-click ang Mga Campaign mula sa menu ng page sa kaliwa.
- I-click ang icon na plus
at piliin angBagong campaign.
- Sa window na "Bagong campaign," piliin ang Mga lokal na pagbisita sa tindahan at promosyon.
- Sa susunod na panel puwede mong piliing gamitin ang Profile ng Negosyo para piliin ang mga lokasyon ng iyong tindahan o ang mga affiliate na lokasyon para pumili ng mga tindahan kung saan ibinebenta ang mga produkto mo. I-click ang radio button sa tabi ng opsyong gusto mong gamitin.
- Para sa Profile ng Negosyo, puwede mong piliin ang lahat ng lokasyon sa account para sa Local Campaign sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa “Gamitin ang lahat ng loksayon sa iyong naka-link na Profile ng Negosyo.” Puwede mo ring i-uncheck ang kahon para pumili ng partikular na subset ng iyong mga lokasyon. I-click ang Gamitin ang pangkat ng lokasyon para maglapat ng kasalukuyang pangkat, o Gumawa ng bagong pangkat ng lokasyon para manual na ayusin at pangalanan ang isang hanay ng mga lokasyon. Ilalapat ang hanay na iyon sa iyong campaign at ise-save ito bilang pangkat ng lokasyon na puwedeng gamitin ulit. Matuto pa Tungkol sa mga pangkat ng lokasyon
- Para sa “mga affiliate na lokasyon," pumili ng kasalukuyang pangkat ng lokasyon o gumawa ng bago. Para gumawa ng pangkat sa lahat ng lokasyong nasa isang chain, gamitin ang Pumili ayon sa chain (puwedeng tumagal nang ilang minuto bago mai-sync ang mga lokasyon pagkatapos ma-save). Para gumawa ng pangkat na may subset ng mga lokasyon mula sa chain, gamitin ang Pumili ayon sa mga partikular na lokasyon.
- Tutukuyin ang pag-target sa lugar na sakop ng heograpikong radius batay sa mga aktwal na lokasyon ng negosyo na tinukoy para sa iyong campaign. Kung kinakailangan, puwede mong ibukod ang ilang heograpikong lokasyon mula sa iyong campaign.
- I-click ang Magpatuloy.
2. Pumili ng mga setting ng iyong Local campaign
Pumili ng mga setting ng campaign
- Maglagay ng pangalan para sa iyong campaign sa field na "Pangalan ng campaign."
- Punan ang mga asset ng text para sa iyong ad, kabilang ang mga sumusunod:
Asset | Kinakailangan/opsyonal | Paglalarawan |
---|---|---|
Headline | Kinakailangan | Hanggang 5 linya ng text para makuha ang atensyon ng mga potensyal na mamimili. Gawing magkakaiba ang bawat headline para sa pinakamahusay na epekto. May limitasyon na 30 character. |
Paglalarawan | Kinakailangan | Hanggang 5 linya ng text na nagbubuod sa iyong alok. May limitasyon na 60 character. |
Call to action | Kinakailangan | Hanggang 5 linya ng text na nagpapaalam sa mga user kung paano makipag-ugnayan sa iyong negosyo. May limitasyon na 11 character. |
Final URL | Kinakailangan | Ang URL kung saan mo gustong dalhin ng iyong ad ang mga user. Valid na URL dapat ito. |
Display path | Opsyonal |
Hanggang 2 linya ng text para kumpetuhin ang isang URL na makikita ng mga user sa iyong ad. Kapareho dapat ng domain ang Final URL. Kung hahayaan mo itong blangko, gagamitin ng Google Ads ang iyong final URL bilang display URL. *Puwede kang magtukoy ng 2 path |
Final URL sa mobile | Opsyonal | Ang URL kung saan dadalhin ang iyong mga user. Isaalang-alang kung pang-mobile ba ang target na site. Valid na URL dapat ito. |
- I-click ang kahon ng Mga larawan at logo para maghanap at mag-upload ng mga larawan na gagamitin sa iyong mga ad. Dapat may kahit man lang 1 larawan ang iyong campaign na may 1.91:1 na ratio, at 1 logo na may 1:1 na ratio para maihatid ito. Tinatanggap ang mga sumusunod na laki ng mga larawan at logo (Hanggang 20 bawat campaign):
Ratio ng larawan | Minimum na laki | Maximum na laki ng file |
---|---|---|
1.91:1 | 600x314 | 5mb |
1:1 | 314x314 | 5mb |
1:1 (Larawan ng logo) | 116x116 | 5mb |
*Puwede mong i-crop ang iyong mga larawan para magkasya sa 1:1 o 1.91:1 na resolution. Mga tinatanggap na format: jpg, png.
- Magdagdag ng video. Kinakailangan ang hakbang na ito at dapat na 10 segundo ang haba ng video.
- Maglagay ng valid na URL sa YouTube.
- Maglagay ng impormasyon para sa mga sumusunod na setting:
- Mga Wika: Ang mga kwalipikadong wikang nilalayon mong i-target gamit ang iyong ad
- Pag-bid: Ang default na diskarte sa pag-bid ay Pag-maximize ng halaga ng conversion, na awtomatikong magma-maximize sa halaga ng iyong mga conversion na pasok sa average na pang-araw-araw na badet mo. Kung isang pagkilos na conversion lang ang pipiliin mo, tulad ng mga pagbisita sa store, ima-maximize ng pag-bid ang kabuuang mga conversion ayon sa halaga ng iyong conversion. Sa sitwasyong ito, gumagana ang pag-bid na katulad ng Pag-maximize ng mga conversion.
- Average na pang-araw-araw na badyet: Magkano ang handa mong gastusin bawat araw sa iyong ad campaign. Makipag-ugnayan sa iyong account manager para sa gabay sa badyet.
- Mga karagadagang setting: Isang nae-expand na seksyon kung saan mo puwedeng ilagay ang URL para sa pagsubaybay o isang partikular na mobile URL.
- I-click ang I-save at magpatuloy sa ibaba.
- Magiging handa na ngayon ang iyong campaign. Sa susunod na page, maaari mong suriin ang mga setting ng iyong campaign. I-click ang Mga asset ng ad para suriin ang text at ang mga larawang itinakda mo para sa iyong ad.
Kumonekta sa lokal na feed ng produkto
Puwede mo ring i-promote ang mga produkto at serbisyong available sa bawat lokasyon. Ipinapakita sa iyo ng mga hakbang na ito kung paano ikonekta ang campaign mo sa isang lokal na feed ng produkto. Bago ka magsimula, kakailanganin mo munang gumawa ng lokal na feed ng produkto sa seksyong “data ng negosyo.”
- Sundin ang mga tagubilin sa itaas para gumawa ng Local campaign.
- Mag-scroll sa ibaba ng iyong mga setting, at i-expand ang Mga karagdagang setting.
- I-expand ang “Feed ng produkto.” Lagyan ng check ang kahon para sa Gumamit ng feed ng produkto para sa campaign na ito.
- Piliin ang source ng iyong feed.
- Google Ads (lokal na feed ng produkto): Sa opsyong ito, puwede kang pumili ng lokal na feed ng produkto na ginawa mo sa “data ng negosyo.”
- Merchant Center (lokal na feed ng produkto): Sa opsyong ito, ikokonekta mo sa campaign na ito ang Mga Lokal na Produkto sa isang Merchant Center account. (Pakitandaang available lang ang opsyong ito sa ilang user ng Google Ads sa kasalukuyan at malapit nang maging available sa lahat ng user)
- Pumili ng Merchant Center account.
- Maglagay o mag-paste ng listahan ng mga product ID mula sa account na ito, at i-click ang Magdagdag ng mga produkto.
- I-drag ang iyong mga ID sa gusto mong pagkakasunud-sunod ng paglabas ng mga ito bilang mga ad.
3. Gumawa ng mga karagdagang ad group
Kung mayroon kang mahigit sa isang hanay ng mga creative na asset, puwede kang gumawa ng maraming ad group. Mahusay ang diskarteng ito para sa mga asset na kumakatawan sa iba't ibang creative na tema o tumatakbo sa isang partikular na iskedyul. Kapag nagawa mo na ang iyong Local campaign, puwede mo nang idagdag ito sa higit pang ad group.
Gumawa ng mga ad group
- I-click ang Mga Campaign sa menu ng page para makakita ng kumpletong listahan ng iyong mga Google Ads campaign.
- Sa listahang ito, i-click ang pangalan ng Local campaign kung saan mo gustong magdagdag ng higit pang ad group.
- I-click ang Mga ad group.
- I-click ang icon na plus
para gumawa ng bagong ad group.
- Punan ang lahat ng asset (tingnan ang mga detalye sa itaas).
- I-click ang I-save at magpatuloy sa ibaba.
4. I-optimize ang pag-bid
Gumagamit ang mga local campaign ng pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion. Awtomatikong mina-maximize ng diskarte sa pag-bid na ito ang halaga ng conversion ng mga pagbisita sa store, pag-click para tumawag, o direksyon sa pagmamaneho para sa iyong campaign batay sa average na pang-araw-araw na badyet mo.
Mga alituntunin sa pag-bid para sa conversion
Nakadepende sa account ang mga available na pagkilos na conversion.
- Kung kasalukuyan kang nagsusukat ng mga pagbisita sa tindahan sa iyong account, awtomatikong mae-enable ang pag-bid na mga pagbisita sa tindahan para sa mga Local campaign. Matuto pa Tungkol sa mga conversion na pagbisita sa store
- Kung hindi ka nagsusukat ng mga pagbisita sa store, puwede ka pa ring gumamit ng mga Local campaign na may pag-bid na mga lokal na pagkilos (pag-bid na mga pag-click para tumawag at/o mga direksyon sa pagmamaneho)
Para matiyak na gumagana nang maayos ang pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion, magtakda ng halaga ng conversion para sa iyong mga pagkilos na conversion.
- Bilang default, nakatada sa Php50 ang halaga ng conversion para sa alinman sa mga pagkilos na conversion na ito.
- Kung isang pagkilos na conversion lang ang pipiliin mo, tulad ng mga pagbisita sa store, ima-maximize ng pag-bid ang kabuuang mga conversion ayon sa halaga ng iyong conversion.
I-optimize ang performance
- Humimok ng offline na performance gamit ang mga Local campaign
- Gumawa at mamahala ng mga pangkat ng lokasyon