Kasama sa mga text ad sa mga Smart campaign ang:
- Sa pagitan ng 3 at 15 headline na may 30 character bawat isa
- Sa pagitan ng 2 at 4 na headline na may 90 character bawat isa
Narito ang isang halimbawa ng kung ano posibleng maging hitsura ng isang text ad:
Ad • www.example.com/insurance
Komprehensibong Insurance | Abot-kayang Insurance Mo | Kumuha ng Libreng Quote Ngayon
Magkaroon ng mura at maaasahang insurance. 10% diskwento sa lahat ng online quote. Madaling maghambing ng mga insurance plan sa loob lang ng ilang segundo.
Mga madalas itanong
Paano gumagana ang mga text ad sa mga mobile device?
Ano ang mga limitasyon sa bilang ng character para sa mga field ng text ad?
Bakit iba ang hitsura ng text ad ko kung minsan kapag lumalabas ito sa Google?
Para tulungan ang iyong ad na humimok ng mas maraming customer at makatanggap ng mas maraming pag-click, gagamitin ang impormasyong ibinigay mo tungkol sa iyong negosyo at content ng website mo para gumawa at sumubok ng mga kahaliling ad. Sa ilang sitwasyon, puwedeng gamitin ang impormasyong ito para sumubok ng iba't ibang headline, paglalarawan, o landing page. Puwede rin itong gamitin para magdagdag ng mga sitelink o palitan ang mga headline mo gamit ng pangalang ng iyong negosyo, numero ng telepono, o address.
Parehong papaganahin ang orihinal na ad at ang mga bagong ad para malaman kung alin ang mas epektibo. Mas madalas na gagana ang mga ad na may tuloy-tuloy na mas mahusay na performance.
Palagi bang lalabas ang lahat ng ad text sa aking mga text ad kapag lumabas ang ad ko?
- Kung nagbigay ka ng numero ng telepono ng negosyo, puwedeng palitan ng button na "Tumawag" ang ilan sa iyong ad text sa ilang sitwasyon.
- Kung madalas na gumagamit ang iyong ad text ng mas malalapad na character (gaya ng “m”) sa halip na mas makikitid na character (gaya ng “i”), puwedeng mas malapad ang text ng iyong headline kaysa sa puwang na available para dito sa ilang laki ng browser. Sa karamihan ng mga wikang Latin, maiiwasan mo ito sa pamamagitan ng paglilimita sa kabuuang bilang ng character ng iyong pinagsamang headline sa 33.
- Habang naghahatid sa Google Display Network, nililimitahan sa 2 headline ang ilang format ng ad.
Paano ako mag-aayos ng error kapag gumawa o nag-edit ako ng mga text ad?
- Maling limitasyon sa bilang ng character: Gamitin ang tamang limitasyon sa bilang ng character para sa bawat field.
- Placeholder na text: Iwasang gumamit ng mga generic na parirala o termino na hindi partikular sa iyong negosyo o offering.
- Maling pagbabantas o capitalization: Siguraduhing ginagamit nang tama ang iyong pagbabantas at capitalization at huwag magdulot ng pagkalito. Iwasang gumamit ng malalaking titik lahat o sobra-sobrang tandang padamdam.
- Mga hindi kumpletong pangungusap: Gumamit ng mga kumpletong pangungusap para malinaw na maibahagi ang mensahe mo.
- Mga maling spelling o maling grammar: I-double check ang spelling at grammar mo para makapagpanatili ng propesyonal na imahe at makaiwas sa pagkalito.