Paano lumipat sa ibang account
- Hanapin ang iyong user name at larawan sa profile sa itaas ng page. I-click ang iyong larawan sa profile.
- Pumili ng lilipatang account.
- Kung hindi mo makita ang account na gusto mo, i-click ang Magdagdag ng account o mag-sign up at gumawa ng bago.
Pagpili ng time zone ng iyong account
Naaapektuhan ng pinili mong time zone ang lahat ng iyong mga ulat, istatistika, at pagsingil. Halimbawa, ang mga setting gaya ng iyong average na pang-araw-araw na badyet ay tumatakbo batay sa isang 24 na oras na iskedyul. Inirerekomenda naming piliin mo ang iyong lokal na time zone para matapos ang ikot ng badyet mo kapag natapos na ang iyong araw. Hindi maaapektuhan ng iyong pagpili ang mga lokasyon kung saan maaaring lumabas ang ad mo.
Hindi mababago ang mga time zone ng account pagkatapos ng unang pag-set up.