Paano lumipat sa ibang account
- Buksan ang Google Ads app para sa Android.
- I-tap ang menu sa itaas.
- I-tap ang Mga Account.
- I-tap ang account na gusto mong lipatan.
- Tandaan: Baka kailanganin mong mag-sign in ulit sa Google Ads gamit ang email address at password sa pag-log in ng isa pang account.
Pagpili ng time zone ng iyong account
Naaapektuhan ng pinili mong time zone ang lahat ng iyong mga ulat, istatistika, at pagsingil. Halimbawa, ang mga setting gaya ng iyong average na pang-araw-araw na badyet ay tumatakbo batay sa isang 24 na oras na iskedyul. Inirerekomenda naming piliin mo ang iyong lokal na time zone para matapos ang ikot ng badyet mo kapag natapos na ang iyong araw. Hindi maaapektuhan ng iyong pagpili ang mga lokasyon kung saan maaaring lumabas ang ad mo.
Hindi mababago ang mga time zone ng account pagkatapos ng unang pag-set up.