Ikumpara ang mga Smart campaign sa iba pang uri ng campaign sa Google Ads

Gamit ang mga Smart campaign o iba pang uri ng campaign sa Google Ads, maipapakita mo ang iyong mga ad sa Google Search, Google Maps, YouTube, Gmail, at mga partner na website ng Google. Gamit ang lahat ng uri ng campaign, puwede kang gumawa ng partikular na mensahe sa iyong mga ad para mahikayat at mahimok ang mga potensyal na customer. Makakatulong sa iyo ang mga uri ng campaign sa Google Ads na maabot ang mga potensyal na customer sa tamang sandali.

Pangkalahatang-ideya

Inilalarawan namin sa ibaba ang mga uri ng campaign sa Google Ads para tulungan kang mahanap ang pinakamahusay na opsyon para sa iyong negosyo. I-click ang heading para mabasa ang pangkalahatang-ideya.

Mga Smart campaign

Pangkalahatang-ideya ng mga Smart campaign

Ang mga Smart campaign ang mahusay at madaling solusyon ng Google para sa maliliit na negosyo at nakakatulong ang mga ito para matuklasan ang iyong negosyo sa Google sa mga naaangkop na sandaling iyon. Nagbibigay sa iyo ng mga resulta ang mga Smart campaign, na pinapagana ng pinakamahuhusay sa teknolohiya ng Google para sa pag-advertise, batay sa layunin ng campaign mo, iyon man ay mga pagtawag ng customer, pagbisita sa iyong lokasyon, pagpapalawak ng kaalaman sa brand sa pamamagitan ng video o mga pagkilos sa website mo.

Puwedeng i-set up ang mga Smart campaign sa loob lang ng 15 minuto, at pagkatapos ay gagana na ang mga ito para tuloy-tuloy na pahusayin ang iyong ad batay sa layunin mo, sukatin ang performance nito, at magpakita sa iyo ng malinaw at nauunawaang mga resulta. Sa ganoong paraan, puwede kang magtiwalang magkakaroon ng mga tunay na resulta sa puhunan mo ang iyong pag-advertise habang inilalaan mo ang iyong oras sa paggawa ng bagay na pinakagusto mo—ang patakbuhin ang iyong negosyo.

Mga Benepisyo

  • Magbayad lang kapag may nag-click sa iyong ad o nanonood ng 30 segundo ng video ad mo (o ang buong tagal kung mas maikli ito sa 30 segundo), alinman ang mauna.
  • Kaunti lang ang tuloy-tuloy na pamamahalang kinakailangan
  • Mag-advertise sa Google Search, Google Maps, Gmail, YouTube, at mga partner na website ng Google
  • Abutin ang mga customer sa kahit saang heograpikong lokasyong pipiliin mo

Paano ito gumagana

Puwede kang gumamit ng mga Smart campaign para i-advertise ang iyong website sa Google Search, Google Maps, Gmail, YouTube, at mga partner na website ng Google. Susulat ka ng sarili mong ad, at kapag may naghanap ng mga pariralang nauugnay sa iyong negosyo, puwedeng lumabas ang ad mo sa itaas o ibaba ng mga resulta ng paghahanap.

Para magsimula sa mga Smart campaign, magse-set up ka ng badyet, pipiliin mo ang iyong mga kagustuhan sa demograpiko at lokasyon, bibigyan mo kami ng ilang tema ng keyword, at batay sa uri ng iyong negosyo, ipapakita ng Google Ads ang ad mo sa mga taong naghahanap ng mga iniaalok mong produkto at serbisyo. Papanatilihin at ia-update ang iyong mga termino para sa paghahanap sa paglipas ng panahon. Kaunting tuluy-tuloy na pamamahala lang ang kailangan, at magbabayad ka lang para sa mga pag-click na aktwal na natanggap ng iyong ad.

Iba pang uri ng campaign sa Google Ads

Pangkalahatang-ideya ng iba pang uri ng campaign

Sa iba pang uri ng Google Ads campaign, puwede kang magkaroon ng ganap na kontrol sa iyong mga ad campaign. Magkakaroon ka rin ng access sa iba pang espesyal na campaign, setting, at feature. Puwede kang gumawa ng mga Search campaign, Display campaign, Video campaign, App campaign, Shopping campaign, at Performance Max campaign.

Mga Benepisyo

  • Magbayad lang kapag may nag-click sa iyong ad.
  • Ikaw ang pipili ng sarili mong mga keyword, magtatakda ng mga presyo ng bid, at magbabalangkas ng iyong account.
  • Abutin ang mga customer sa kahit saang lokasyong pipiliin mo.
  • Mag-advertise gamit ang mga espesyal na format ng ad at detalyadong pag-uulat.

Paano ito gumagana

Kapag may naghanap ng iyong mga keyword sa Google.com, Google Maps, at mga site ng partner ng Google, puwedeng lumabas ang ad mo sa itaas o ibaba ng mga resulta ng paghahanap. Sa mga Search campaign sa Google Ads, ikaw ang responsable sa lahat ng aspeto ng iyong campaign ng pag-advertise. Pipiliin mo ang mga keyword na makakatulong sa pagpapasya kung kailan ipapakita ang iyong mga ad. Ikaw rin ang tutukoy ng pang-araw-araw na badyet, kung magkano ang gagastusin sa bawat pag-click, at kung saan puwedeng lumabas ang iyong mga ad. Magbabayad ka lang kapag may nag-click sa iyong ad.

Nag-aalok din ang Google Ads ng iba pang format ng ad, gaya ng mga Video ad at Shopping ad.

Magkumpara nang detalyado

Mga Smart campaign kumpara sa mga Search campaign

  Mga Smart Campaign Mga Search Campaign
Pag-bid Namamahala sa pag-bid para makuha mo ang pinakamalaking value (halimbawa: mga pag-click, pagtawag, atbp.) na pasok sa badyet ng iyong campaign Nangangailangang pumili ka ng diskarte sa pag-bid na gusto mo (halimbawa: max na mga pag-click, target na CPA, atbp.)
Mga Asset Gumagawa ang Google AI ng mga asset ng ad (mga sitelink, mga callout, lokasyon, tawag). Hindi kinakailangang mag-opt in Nangangailangan ng ilang manual na pag-set up ng mga asset ng ad
Paggawa ng keyword Bumubuo ang Google AI ng mga keyword batay sa iyong mga tema ng keyword Nangangailangan na manual na i-set up ang mga keyword, uri ng pagtutugma, at ang mga kaukulang ad group ng mga ito
Pag-edit ng keyword Nagpapahintulot sa mga tema ng keyword, na ginagamit para magtugma ng mga ad sa mga paghahanap sa Google Nagbibigay-daan para ma-edit at manual na mapamahalaan ang mga indibidwal na keyword at uri ng pagtutugma
Pag-uulat Gumagamit ng pinasimple at madaling gamiting disenyo ng dashboard para ma-highlight ang pinakamahahalagang istatistika sa campaign Naglalaman ng mga detalyadong ulat sa campaign, ad group, ad, keyword, at antas ng termino para sa paghahanap
Saan lumalabas ang mga ad Awtomatikong nagpapakita ng iyong mga ad sa Google Search, Google Maps, YouTube, Gmail, at mga partner na website ng Google Naglalaman ng mga setting na pagpipilian kung lalabas ang mga ad mo sa paghahanap sa Google, mga partner sa paghahanap, at mga display ad sa Google
Mga landing page Sumusuporta sa max na isang landing page sa bawat campaign Sumusuporta sa maraming landing page sa bawat campaign

MAG-SIGN UP PARA SA GOOGLE ADS

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10689275182284508732
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false