Mga limitasyon ng Ad Rank: Kahulugan

Tinutukoy ng mga limitasyon ng Ad Rank ang kakayahan mong makipagkumpitensya sa isang ad auction.

Dynamic na tinutukoy ang mga limitasyon sa panahon ng bawat auction batay sa iba't ibang salik, kasama ang:

  • Kalidad ng iyong ad: Para tumulong na magpanatili ng mataas na kalidad na experience sa ad para sa mga consumer, mas mataas ang limitasyon ng mga ad na may mababang kalidad.
  • Posisyon ng ad: Mas mataas ang mga limitasyon ng mga ad na lumalabas sa mas mataas na posisyon sa page ng mga resulta ng paghahanap kumpara sa mga ad na lumalabas sa mas ibabang posisyon sa page. Sa ganoong paraan, mas makikita ng mga tao ang mga ad na may mas mataas na kalidad sa mas mataas na posisyon sa page.
  • Mga signal at attribute ng user tulad ng lokasyon at uri ng device: Puwedeng mag-iba-iba ang mga limitasyon batay sa mga attribute ng user, kasama ang lokasyon ng user (halimbawa, puwedeng mag-iba-iba ang mga limitasyon ayon sa bawat bansa) at sa device na ginagamit ng user (halimbawa, mobile kumpara sa desktop).
  • Ang paksa at uri ng paghahanap: Puwedeng mag-iba-iba ang mga limitasyon batay sa uri ng mga termino para sa paghahanap ng user. Halimbawa, puwedeng iba't iba ang mga limitasyon para sa mga paghahanap na nauugnay sa kasal kumpara sa mga paghahanap para sa mga klase sa paghahabi ng basket.

Tumutulong ang mga salik na ito na matiyak na pagdating sa mga ad na nakikita ng mga user at sa binabayarang presyo ng mga advertiser, ibinibigay ang tamang pagsasaalang-alang sa kalidad ng experience ng user, mga bid ng advertiser, at sa value na inilalagay ng mga advertiser sa engagement ng mga user sa kanilang mga ad.

Paano nakakaapekto ang mga limitasyon ng Ad Rank sa iyong CPC

Ang iyong aktwal na CPC ay kinakalkula batay sa iyong Ad Rank, kasama ang mga limitasyon at kumpetisyon mula sa ibang advertiser.

Kung ad mo lang ang ad na kwalipikadong lumabas, (halimbawa, dahil wala sa iyong mga kakumpitensya ang nakakatugon sa kanilang mga limitasyon ng Ad Rank), babayaran mo ang reserbang presyo (ang limitasyong na-round up sa minimum na masisingil na unit sa iyong bansa, halimbawa sa U.S., sa susunod na sentimo). Ibig sabihin, posibleng relatibong maging mahal ang iyong ad depende sa kalidad ng ad mo at sa mga limitasyon ng Ad Rank, kahit na walang lumalabas na ad sa mismong ibaba nito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4925291653506444407
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false