Tumingin ng mga ulat sa lokasyon at layo

Makakatulong sa iyo ang mga ulat sa mga lokasyon at ulat sa layo na maunawaan ang performance ng mga ad mo sa iba't ibang loksayon.

Narito ang iba't ibang ulat sa lokasyon na available sa iyo:

  • Mga Lokasyon: Pinag-isang ulat ng performance ng iyong campaign para sa mga lokasyong tina-target mo at sa mga lokasyon kung saan lumabas ang iyong mga ad.
    • View ng mga target na lokasyon: Ipinapakita ang iyong performance batay sa mga tina-target mong lokasyon.
    • View ng mga tumugmang lokasyon: Ipinapakita ang iyong performance batay sa mga lokasyong tumugma sa ad mo. Ang mga lokasyong ito ay puwedeng mga pisikal na lokasyon ng mga user o mga lokasyong interesado sila.
  • Ibinukod: Inililista ang lahat ng iyong mga negatibong target.
  • Layo: Iniuulat ang layo sa pagitan ng lokasyong nag-trigger sa iyong ad at ng pinakamalapit na lokasyon ng negosyo mo.

Kung gagamit ka ng mga extension ng lokasyon, puwede mong gamitin ang ulat sa layo para makita ang performance ng iyong mga ad sa magkakaibang layo mula sa negosyo mo. Available ang mga ulat sa layo para sa mga Search Network at Shopping campaign.

Inilalarawan sa artikulong ito kung paano mo matitingnan ang mga ulat sa lokasyon at layo para sa iyong campaign. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga ulat na ito, maaari kang matuto pa tungkol sa pagsukat sa heograpikong performance sa Google Ads.

Mga Tagubilin

Paano tingnan ang iyong mga ulat sa lokasyon

  1. Sa kaliwang menu ng page, i-click ang Mga Campaign.
  2. Hanapin ang campaign na gusto mong tingnan ang ulat sa lokasyon, at i-click ang pangalan nito. Kung hindi ka pipili ng campaign, para sa iyong buong account ang lalabas na ulat sa lokasyon.
  3. I-click ang Mga Lokasyon sa kaliwang menu ng page.
  4. I-click ang Higit pa sa may itaas ng page, at pumili ng uri ng ulat sa lokasyon: Heograpiko o Mga lokasyon ng user. Ipapakita ang iyong data ayon sa lokasyon.
  5. Upang mag-drill down sa ibang heograpikong antas, lagyan ng check ang kahon sa tabi ng isa o higit pa sa mga lokasyon sa talahanayan, pagkatapos ay i-click ang drop-down na Pumili ng view sa asul na banner na lalabas sa may itaas ng talahanayan. Magagawa mo nang tumingin ng data para sa mga uri ng pag-target sa lokasyon na available para sa lahat ng napiling lokasyon. Maaari mong patuloy na pinuhin ang iyong ulat sa pamamagitan ng pagpili ng mga lokasyon at pag-click sa drop-down na Pumili ng view.

Paano tingnan ang iyong mga ulat sa layo

  1. Sa kaliwang menu ng page, i-click ang Mga Campaign.
  2. Hanapin ang campaign na gusto mong tingnan ang ulat sa layo, at i-click ang pangalan nito.
  3. Opsyonal: Kung gusto mong makakita ng ulat sa layo para sa isang ad group, i-click ang pangalan ng iyong ad group.
  4. I-customize ang hanay ng petsa sa kanang sulok sa itaas ng chart.
  5. Sa kanang sulok sa itaas ng iyong account, i-click ang icon ng pag-uulat .
  6. Piliin ang Mga predefined na ulat (dating Mga Dimensyon) > Heograpiko > Layo. Aayusin ang iyong data ayon sa layo.
  7. Para i-download ang data sa ulat, i-click ang icon na i-download download icon sa kanang sulok sa itaas ng talahanayan.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false