Puwede kang mag-alis ng isang keyword o ng maraming keyword mula sa isang ad group.
Paano mag-alis ng mga keyword
- Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
- I-click ang Mga Keyword sa menu ng page sa kaliwa, pagkatapos ay i-click ang mga keyword sa Paghahanap o mga keyword sa Display/Video sa itaas.
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng mga keyword na gusto mong alisin.
- I-click ang I-edit at piliin ang Alisin. Sa bubukas na dialogue box, i-click muli ang Alisin.