Tungkol sa mga variation ng ad

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga variation ng ad na madaling gumawa at sumubok ng mga variation ng mga ad mo sa maraming campaign o sa iyong buong account. Halimbawa, maaari mong subukan kung gaano kahusay ang performance ng iyong mga ad kung papalitan mo ng "Bumili ngayon" ang iyong call to action na "Bumili na." O puwede mong subukang gawing "Tumawag Ngayon para sa Libreng Quote" ang iyong headline sa iba't ibang ad sa maraming campaign.

Paano ito gumagana

Gamit ang mga variation ng ad, maaari mong suriin ang performance ng iyong mga variation at ilapat ang mga binagong ad sa account mo.

Gumawa ng variation ng iyong ad

Para gumawa ng variation ng ad, sundin ang mga tagubiling ito:

  1. Piliin ang saklaw ng variation: Puwede kang gumawa ng mga variation para sa iyong buong account, isang partikular na campaign, o puwede kang gumawa ng custom na saklaw.
  2. Piliin ang uri ng ad mo: Piliin ang responsive na search ad bilang uri ng iyong ad.
  3. Gawin ang iyong variation: Halimbawa, puwede mong hanapin ang “Mga Lokal na Hotel” at palitan ang parirala ng “Mga Hotel na Nasa Malapit.”
  4. Itakda ang mga detalye ng variation mo: Pumili ng mahahalagang detalye tulad ng petsa ng pagtatapos at porsyento ng trapiko para ipakita ang mga binagong ad.

Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-set up ng variation ng ad.

Tingnan ang performance ng variation ng iyong ad

Puwede mong makita ang mga pangkalahatang resulta ng variation ng ad at puwede kang mag-drill in para tukuyin ang performance ng mga nabagong ad kumpara sa mga orihinal na ad.

Ilapat ang variation ng iyong ad

Kapag masaya ka na sa mga resulta ng eksperimento sa mga variation ng ad, puwede mo nang ilapat ang mga nabagong ad sa iyong campaign. Maaari mo ring piliing palitan ang iyong mga kasalukuyang ad o gumawa ng mga bagong ad gamit ang mga variation.

Kailan gagamitin

Pinakamagandang gamitin ang mga variation ng ad kung gusto mong subukan ang isang pagbabago sa maraming campaign o sa iyong buong account, habang pinakamaganda namang gamitin ang mga custom na eksperimento para sumubok ng maraming magkakasabay na pagbabago sa mas maliit na saklaw.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12650634496895745707
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false