Tandaan: Simula sa Hulyo, makakakita ka ng mga opsyonal na field ng target sa mga Search campaign para sa bagong strategy sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion o Pag-maximize ng halaga ng conversion. Dapat mong malaman na para sa mga Video action campaign, magkaibang strategy sa pag-bid ang 2 ito. Kapag may opsyonal na target, mag-o-optimize ang Smart Bidding sa mga layuning ito tulad ng pag-optimize nito para sa Target na CPA (cost per action) at Target na ROAS (return on ad spend). Kikilos ang Pag-maximize ng mga conversion na may nakatakdang target na CPA gaya ng pagkilos ng strategy na Target na CPA sa kasalukuyan, at gayundin, kikilos ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na may nakatakdang target na ROAS gaya ng pagkilos ng strategy na Target na ROAS sa kasalukuyan.
Ang Pag-maximize ng halaga ng conversion na may mandatoryong target na ROAS lang ang sinusuportahan ng mga Hotel at Travel campaign.
Matuto pa tungkol sa Mga pagbabago sa kung paano nakaayos ang mga strategy sa Smart Bidding.
Awtomatikong nagtatakda ng mga bid ang Pag-maximize ng mga conversion para makatulong na makuha ang pinakamaraming conversion para sa iyong campaign habang ginagastos ang badyet mo.
- Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng mga conversion nang walang nakatakdang Target na CPA, susubukan naming gastusin ang iyong badyet para ma-maximize ang mga conversion para sa mga campaign mo.
- Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng mga conversion nang may nakatakdang Target na CPA, tutulong kami para makakuha ka ng maraming conversion hangga't posible sa target na cost-per-action (CPA).
Gumagamit ito ng advanced na machine learning para awtomatikong mag-optimize ng mga bid, at nag-aalok ito ng mga kakayahan sa pag-bid sa oras ng auction na nag-aangkop ng mga bid para sa bawat auction. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang Pag-maximize ng mga conversion.
Mga pagsasaayos ng bid at Pag-maximize ng mga conversion
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga pagsasaayos ng bid na ipakita ang mga ad mo nang mas madalas o mas madalang batay sa kung saan, kailan, at paano naghahanap ang mga tao. Dahil nakakatulong ang Pag-maximize ng mga conversion sa pag-optimize ng iyong mga pag-bid batay sa real-time na data, hindi gagamitin ang mga kasalukuyan mong pagsasaayos ng bid. May isang pagbubukod: Puwede ka pa ring magtakda ng mga pagsasaayos ng bid sa device na -100%.
Tandaan: Kung lilipat ka sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion, hindi mo na kailangang mag-alis ng mga kasalukuyang pagsasaayos ng bid, dahil hindi gagamitin ang mga ito.
Paano ito gumagana
Gamit ang dating impormasyon tungkol sa iyong campaign at sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga signal ayon sa konteksto sa oras ng auction, ang pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion ay awtomatikong naghahanap ng mahusay na bid para sa ad mo sa tuwing kwalipikado itong lumabas. Gumagamit ito ng advanced na machine learning para awtomatikong mag-optimize ng mga bid, at nag-aalok ito ng mga kakayahan sa pag-bid sa oras ng auction na nag-aangkop ng mga bid para sa bawat auction para makatulong na makuha ang mga pinakamurang conversion na available para sa iyong badyet.
Bago lumipat sa I-maximize ang mga conversion:
- Tingnan ang halaga ng iyong average na pang-araw-araw na badyet. Sa Pag-maximize ng mga conversion, susubukang ubusin ang average na pang-araw-araw na badyet mo, kaya kung hindi hamak na mas mababa kaysa sa iyong badyet ang kasalukuyan mong ginagastos, posibleng malaki ang itataas ng gastos dahil sa Pag-maximize ng mga conversion.
- Tingnan ang iyong mga layunin sa return-on-investment (ROI). Kung mayroon kang layunin sa ROI para sa campaign mo, gaya ng target na cost per install (CPI), target na cost-per-action (CPA), o return on ad spend (ROAS), puwede kang lumipat sa diskarte sa pag-bid na Target na CPI, Target na CPA, o Target na ROAS. Gaya ng Pag-maximize ng mga conversion, awtomatikong itinatakda ng mga diskarteng ito ang mga bid para sa bawat auction, pero ang layunin ay maabot ang average na target na CPI, CPA, o ROAS na itatakda mo, sa halip na ubusin ang iyong badyet para ma-maximize ang mga conversion. Para sa mga Search at Shopping campaign, puwede mong piliing magtakda ng diskarte sa pag-bid na Target na CPA o Target na ROAS.
Tandaan: Kapag ginagamit ang pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion o pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng mga conversion, inirerekomenda naming gumamit ka ng mga tool tulad ng simulator ng badyet at mga sukatan ng bahagi ng impression para maunawaan ang pagkakataon sa badyet na available sa iyong campaign. Nalalapat lang ito kapag hindi nakatakda ang Target na CPA o Target na ROAS sa mga diskarte para sa Pag-maximize ng conversion.
Hindi namin inirerekomenda ang paggamit sa column ng bahagi ng impression na “Nawalang IS (badyet)” sa Google Ads kasabay ng Pag-maximize ng mga conversion dahil hindi compatible ang column sa diskarte sa pag-bid. Ang mga diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion o Pag-maximize ng halaga ng conversion ay idinisenyo para ubusin ang pang-araw-araw na badyet, at nakadisenyong ”nalilimitahan ng badyet” dahil ang mga campaign ay itinuturing na nalilimitahan ng badyet na itinakda mo. Habang isinasaalang-alang ito ng simulator ng badyet, hindi ito isinasaalang-alang sa column na “Nawalang IS (badyet)” sa kasalukuyan, at gumagamit ito ng ibang kahulugan para isaalang-alang ang mga nawalang impression.
Pag-maximize ng mga conversion kumpara sa Pag-maximize ng halaga ng conversion
- Makakatulong sa iyo ang pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion (mga pagkilos ng customer na nako-convert sa benta o serbisyo) na mag-optimize para sa mga conversion.
- Mayroon kang opsyong magtakda ng Target na CPA sa iyong diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion na nangangahulugang susubukan ng Smart Bidding na makakuha ng maraming conversion hangga't posible sa target na CPA na itatakda mo. Kung hindi nakatakda ang opsyong Target na CPA, susubukan ng Pag-maximize ng mga conversion na gastusin ang iyong badyet para makakuha ng maraming conversion hangga't posible.
- Mangyayari pa rin ang pag-bid na Pag-maximize ng halaga ng conversion para sa bawat conversion, pero nag-iiba-iba ang halaga ayon sa uri ng conversion (maliit na epekto versus malaking epekto), at hindi lalampas ang gastos sa tinukoy mong badyet. Kapag gumawa ka ng diskarte sa pag-bid na pag-maximize ng halaga ng conversion, puwede kang magtakda ng Target na ROAS.
- Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng halaga ng conversion nang walang nakatakdang Target na ROAS, susubukan naming gastusin ang iyong badyet para i-maximize ang halaga ng conversion para sa mga campaign mo.
- Kapag gumagamit ka ng Pag-maximize ng halaga ng conversion nang may nakatakdang Target na ROAS, tutulong kami para makuha mo ang pinakamalaking halaga ng conversion hangga't possible sa target na ROAS. Kakailanganin mong magbigay ng mga halaga ng conversion na partikular sa transaksyon.
Bago ka magsimula
Kung hindi mo pa alam kung anong uri ng naka-automate na strategy sa pag-bid ang tama para sa iyo, basahin muna ang Tungkol sa naka-automate na pag-bid.
Gumawa ng diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion
Puwede kang gumawa ng diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion sa mga sumusunod na paraan:
- Gumawa gamit ang isang bagong campaign.
- Gumawa o magbago mula sa mga setting ng campaign.
- Gumawa mula sa page na “Mga diskarte sa pag-bid” ng Nakabahaging library.
Para gumawa ng strategy sa pag-bid, sumangguni sa Mag-set up ng Smart Bidding.