Ayusin ang mga error sa pag-upload ng mga feed sa data ng negosyo

Kung hindi naka-format nang tama ang iyong set ng data o feed, puwede nitong pigilan ang paglabas ng mga ad mo. 

Bago ka magsimula

Pagtuunan nang husto ang mga kinakailangang attribute ng feed. Hindi tinatanggap ng system ang mga hindi tumpak o hindi kumpletong feed pagkalipas ng 30 araw. Siguraduhing sumusunod ang iyong data sa mga patakaran sa pag-advertise ng Google at sa anumang naaangkop na batas sa iyong mga target na lokasyon.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano alamin kung bakit may mga error ang iyong data set o feed at kung paano ayusin ang mga ito.

Mga Tagubilin

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang Data ng negosyo.
  3. I-click ang pangalan ng feed ng data na gusto mong suriin.
  4. Hanapin ang mga mensahe ng error para sa feed ng data ng negosyo mo:
    1. Tab ng data: Kapag nag-upload ka, puwede kang makakita ng status na Hindi Naaprubahan at isang mensaheng naglalarawan ng isang bagay na mali.
    2. Column na "Buod" sa iyong tab na "History ng pag-upload": Ipinapakita ng mga error dito kung paano mo dapat baguhin ang format ng iyong na-upload na spreadsheet.
    3. Sa seksyong "Mga Detalye" sa iyong column na "Buod": Ipinapakita ng mga error dito kung paano mo dapat baguhin ang format o content ng mga row sa loob ng iyong spreadsheet. Gusto mo bang mag-download ng spreadsheet na naglalaman ng lahat ng error sa antas ng row? I-click ang button na "I-download ang mga error" sa ilalim ng "MGA PAGKILOS."
  5. Gamitin talahanayan ng error sa pag-upload sa ibaba para ayusin ang isyu batay sa mensahe ng error.
  6. Posibleng kailangan mong idagdag o i-update ang iyong feed gamit ang naitamang data. Matuto pa tungkol sa kung paano Panatilihing napapanahon ang data ng iyong negosyo.

Mag-ayos ng mga error sa pag-upload

Kapag hindi na-format nang wasto ang set o feed ng iyong data, mapipigilan nito ang mga ad mo na magpakita. Nagpapakita ang Google Ads ng mga error na makakatulong sa iyong ayusin ang spreadsheet mo sa ilang lugar:

  • Sa panel ng pag-upload: Sa sandaling mag-upload ka, puwede kang makakita ng kulay pulang text na naglalarawan sa isang bagay na mali.
  • Sa ilalim ng "Buod" sa iyong talahanayan na "History ng pag-upload": Ipinapakita ng mga error dito kung paano mo dapat baguhin ang format ng iyong na-upload na spreadsheet.
  • Sa "Mga detalye" sa ilalim ng "Buod" sa iyong talahanayan na "History ng pag-upload": Ipinapakita ng mga error dito kung paano mo dapat baguhin ang format o content ng mga row na nasa iyong spreadsheet. Gustong mag-download ng spreadsheet na mayroon ng lahat ng error na ito sa antas ng row? I-click ang button na I-download ang mga error sa ilalim ng "MGA PAGKILOS."

Tandaan

  • Hindi dapat iiskedyul na matapos ang mga feed nang hatinggabi.
  • Gagana lang ang mga nakaiskedyul na pag-upload nang may 15 minutong mga pagitan (0, 15, 30, 45).
Mag-ayos ng mga error sa pag-upload
Mensahe ng error Isyu Paano ito ayusin
Hindi pinahihintulutan ang isang value ng ID kapag ginagamit ang pagkilos na "Add" Nagbigay ka ng "Item ID" para sa isang row na sinusubukan mong idagdag. Dapat walang mga Item ID ang mga bagong row, dahil idinaragdag ang mga ito ng Google Ads. I-edit ang iyong file, alisin ang value ng ID para sa row na sinusubukan mong idagdag, at i-upload ulit.
Hindi available ang larawan Hindi ma-access ng Google Ads ang larawan. Halimbawa, posibleng bina-block ng server na nagho-host sa larawan ang pag-access o masyadong matagal ang pagpapahintulot sa pag-access. I-host ang larawan sa isang naa-access na lokasyon.
Maling format para sa field Invalid ang value sa column ng pag-iiskedyul. Gagana lang ang mga nakaiskedyul na pag-upload nang may 15 minutong mga pagitan (0, 15, 30, 45).
Invalid na format ng larawan Hindi karaniwan ang uri o format ng file ng larawan. I-convert ang larawan sa .PNG, .JPG, .JPEG, .GIF, at i-save ito sa RGB na code ng kulay na may naka-attach na ICC profile.
Invalid na laki ng larawan Masyadong malaki ang larawan. Liitan ang larawan:

- Inirerekomendang laki ng larawan: 300px by 300px
- Inirerekomendang resolution: 72dpi
- Maximum na laki ng file: 6MB
Invalid na format ng address Hindi tama ang pagkaka-format ng address. Gamitin ang isa sa mga paraang ito ng pag-format:

- Lungsod, code ng estado, bansa
- Kumpletong address na may zip code
- Latitude-longitude sa DDD na format

Gumamit ng mga kuwit para paghiwalayin ang iyong address. Tingnan ang mga detalye para sa mga lungsod, rehiyon, at bansa.
Invalid na [attribute name]: [error] Hindi tumutugma ang uri ng data na inilagay mo para sa isang custom na attribute sa uri ng attribute na iyong napili. Tiyaking nasa tamang format ang iyong data para sa uri ng attribute na tinukoy mo. Para sa mga petsa, tandaang ang 00:00:00 ay nangangahulugang hating-gabi (hindi 24:00:00).
Tingnan ang mga uri ng attribute
Invalid na URL Hindi valid na URL ang URL na ibinigay mo sa field na "Final URL" at kakailanganin itong matugunan.
  • Tiyaking walang special character sa URL. Kakailanganing ma-encode ang lahat ng special character.
  • Tiyaking humahantong sa gumaganang URL ang URL.
  • Hindi dapat lumampas sa 2,048 character ang final URL.
Mukhang nagdagdag ka ng mga bagong attribute. Kakailanganin mong idagdag ang mga attribute na ito sa kasalukuyang set o feed ng iyong data bago mo ma-edit nang maramihan ang mga ito. May mga column ang iyong file na hindi nakikilala ng Google Ads. Alisin ang mga column na may problema at subukan ulit, o idagdag ang mga bagong column bago i-edit nang maramihan ang mga iyon.
Hindi puwedeng magsama ang mga bagong set o feed ng data ng column na "Action" (ang column na "Action" ay para sa pag-edit nang maramihan ng mga dati nang set o feed ng data). Pakialis ang column na iyon at subukang muli. May kasamang column na "Action" ang file na iyong ina-upload. Alisin ang column na "Action" at subukang muli.
Walang item na tumutugma sa Item ID. May kasamang row ang iyong file na may "Item ID" na hindi nakikilala ng Google Ads. Tinutukoy ng Google Ads ang mga value na ito. Hanapin ang iyong mga item ID: i-click ang "Mga Column," at pagkatapos ay "Mga Attribute," at "Item ID" para idagdag ang column na iyon sa talahanayan. Gamitin ang mga ID na ito kapag ini-edit mo nang maramihan ang mga value ng iyong data set o feed.
Walang ganoon sa isa sa mga row na sinusubukan mong i-edit sa iyong kasalukuyang data set ng negosyo. Kung gusto mong magdagdag ng bagong row, tiyaking piliin ang opsyong "I-update" at ilagay ang "add" sa column na "Pagkilos." May row ang iyong file na may ID na hindi nakikilala ng Google Ads. Itama ang value ng ID, o, kung nagdaragdag ka ng bagong row, ang pagkilos na "Add."
May hindi nakikilalang uri ang isa o higit pang column na tinukoy mo. Nakikilala ng Google Ads ang ganitong mga uri: (text), (number), (price), (date). Walang valid na uri ng attribute ang isa o higit pa sa iyong mga custom na column. Tumukoy ng uri ng attribute na text, numero, presyo, o petsa para sa bawat isa sa iyong mga custom na column.
Tingnan ang mga detalye para sa mga uri ng attribute
Pakigamit ang alinman sa column na "Target na keyword" o ang column na "Text ng target na keyword" at "Uri ng pagtutugma ng target na keyword." Hindi puwedeng gamitin ang lahat ng tatlong ito sa isang row. Gumagamit ka ng napakaraming column sa pag-target ng keyword. Gumamit ng alinman sa:

- Column na "target na keyword"
- Column na "text ng target na keyword" na may column na "uri ng pagtutugma ng target na keyword."

Tingnan ang lahat ng attribute ng pag-target
Mag-iskedyul ng pagtatapos pero hindi pagkatapos ng pagsisimula Nauuna ang oras ng pagtatapos sa oras ng pagsisimula. Hindi dapat iiskedyul na matapos ang mga feed nang hatinggabi.
Kinakailangan ng mga pagkilos na Itakda o Alisin ang column na "Item ID." Hindi alam ng Google Ads kung anong mga row ang gusto mong i-update. Magsama ng column na ID sa file na ginagamit mo para ma-update ang set o feed ng iyong data.
Para malaman ang mga ID na itinakda ng Google Ads, i-click ang "Mga Column," piliin ang "Mga Attribute," pagkatapos ay piliin ang "Item ID."
Hindi nahanap ang target na ad group. Hindi mahanap ng Google Ads "target ad group" na iyong tinukoy. Tiyaking itugma nang eksakto ang pangalan ng kasalukuyang ad group, kasama ang mga patlang at pag-capitalize.
Hindi nahanap ang target na campaign. Hindi mahanap ng Google Ads ang "target campaign" na iyong tinukoy. Tiyaking itugma nang eksakto ang pangalan ng kasalukuyang campaign, kasama ang mga patlang at pag-capitalize.
Kinakailangan ang "Target campaign" kapag nagtatakda ng "Target ad group." Walang column na "target campaign." Kailangan mo ang column na ito kapag ginagamit mo ang column na "target na ad group." Magdagdag ng column na "target na campaign."
Tingnan ang lahat ng attribute ng pag-target
Kinakailangan ang "Uri ng pagtutugma ng target na keyword" kapag ginagamit ang "Text ng target na keyword." Walang column na "Target keyword match type." Kailangan mo ang column na ito kapag ginagamit mo ang column na "Text ng target na keyword." Magdagdag ng column na "Uri ng pagtutugma ng target na keyword."
Tingnan ang lahat ng attribute ng pag-target
Kailangan mong pangalanan ang column na "Custom ID" ng "Custom ID," na walang tinukoy na uri ng attribute, tulad ng "(number)" o "(text)." Alisin ang uring ito, i-save muli ang iyong file, at muling i-upload. Tingnan ang mga gabay sa attribute Nagsama ka ng uri ng attribute sa iyong column na "Custom ID," na hindi dapat nagsasama ng uri ng attribute. Alisin ang uri ng attribute sa tabi ng column na pinangalanan mong "Custom ID."
Mayroon nang ganitong item. Ang file na iyong ginagamit para i-update ang iyong data set o feed ay nagsasabing "add" ang dati nang row. Gumamit ng bagong "Custom ID," o huwag tumukoy ng ID, para sa mga row na iyong idinaragdag.
Hindi tumugma ang value sa uri ng attribute sa column na "X." Hal., ang uri na "number" ay hindi tugma sa anumang mga value na may mga letra o simbulo. May data sa isang row sa iyong file na mali ang format para sa tinukoy mong attribute. I-format ang iyong data ayon sa uri ng attribute na napili mo. Tingnan ang mga format ng attribute
Mayroon ka nang data set o feed na may ganitong pangalan. Maglagay ng bagong pangalan. Mayroon ka nang data set o feed na may ganitong pangalan. Gumamit ng bagong pangalan para sa bawat isa sa iyong bagong mga data set o feed.
Hindi na-update ang iyong data set o feed dahil ang spreadsheet na iyong sinusubukang i-upload ay may column na "Action." Piliin ang "I-update" (hindi "Palitan") kung gusto mong magsama ng column na "Action," o alisin ang iyong column na "Action" at subukang muli. May column na "Action" ang iyong file. Para lang sa pag-update ng data ang column na "Action," at pinili mo ang "Palitan." Alisin ang column na "Action" at subukang muli.
Naabot mo na ang limitasyon ng mga data set ng negosyo na puwede kang magkaroon (100 set). Kakailanganin mong mag-alis ng isa bago ka makapagdagdag ng bago. Masyadong maraming data set ang iyong account. Mag-alis ng data set na hindi mo ginagamit para makapagdagdag ng bago. Ingatang hindi maalis ang mga extension ng feed (tulad ng "Pangunahing feed ng sitelink") kung gusto mong panatilihin ang mga extension na iyon.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
738111973866382369
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false