Kumuha ng data ng bahagi ng impression

Ipinapakita sa iyo ng bahagi ng impression kung gaano kahusay ang performance ng ad mo kumpara sa performance ng mga ad ng iba.

Kinakalkula ang sukatang ito sa pamamagitan ng pagkuha sa bilang ng mga impression na natanggap ng iyong ad na hinati sa kabuuang bilang ng mga impression na kwalipikadong matanggap ng iyong ad.

Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano tingnan ang data ng bahagi ng impression, kung aling mga sukatan ang susuriin, at higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang bahagi ng impression.

Bago ka magsimula

Kung sa artikulong ito mo unang beses na narinig ang tungkol sa bahagi ng impression, maglaan ng panahon para suriin ang Tungkol sa bahagi ng impression.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon at piliin ang Mga Campaign, Mga ad group. O, i-click ang drop down na Mga audience, keyword, at content sa menu ng seksyon at piliin ang Mga keyword sa paghahanap.
  3. I-click ang icon na mga column Isang larawan ng icon na mga column ng Google Ads.
  4. I-click ang drop down na menu na Mahuhusay na sukatan at piliin ang mga column na Bahagi ng impr. ng Search at Bahagi ng impr. ng Display sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa mga kahon sa tabi ng mga pangalan ng column.
  5. I-click ang Ilapat. Lalabas na ngayon sa iyong talahanayan ng mga istatistika ang data ng bahagi ng impression.

Iba pang mga paraan upang tumingin ng bahagi ng impression

  • Tumingin ng data ng bahagi ng impression para sa mga partikular na ad group at keyword sa pamamagitan ng pag-e-enable sa column na "Bahagi ng impression" sa mga page na Mga ad group at Mga Keyword.
  • Para sa mga Shopping campaign, matitingnan mo ang data ng bahagi ng impression sa mga page na Mga Campaign, Mga Ad Group, o Mga Pangkat ng Produkto.

Aling mga sukatan ang tiitngnan

Narito ang ilang sukatan na makakatulong sa iyong maunawaan ang iyong bahagi ng impression:

  • Bahagi ng impression sa paghahanap: Ang mga impression na natanggap mo sa Search Network na hinati sa tinantyang bilang ng mga impression na kwalipikado mong matanggap.
  • Bahagi ng impression sa display:Ang mga impression na natanggap mo sa Display Network na hinahati ng tinantyang bilang ng mga impression na kwalipikado mong matanggap.
  • Nawalang IS sa Search (badyet): Ang porsyento ng oras na hindi ipinakita ang iyong mga ad sa Search Network dahil sa hindi sapat na badyet. Sa antas ng campaign lang available ang data na ito.
    Tandaan: Sa Editor ng Ulat, available ang Nawalang IS ng Search (badyet) sa ulat sa Mga Campaign, pero hindi sa ulat sa Ad group. Simula noong Hunyo 2022, inalis ang sukatang nawalang IS sa Search (badyet) sa anumang dating na-save na ulat na ginamit din sa “Ad group,” “Keyword sa Paghahanap,” or “Label (Ad group).”
  • Nawalang IS sa Display (badyet): Ang porsyento ng oras na hindi ipinakita ang iyong mga ad sa Display Network dahil sa hindi sapat na badyet. Sa antas ng campaign lang available ang data na ito.
    Tandaan: Sa Editor ng Ulat, available ang Nawalang IS sa Display (badyet) sa ulat sa Mga Campaign, pero hindi sa ulat sa Ad group. Simula noong Hunyo 2022, inalis ang sukatang nawalang IS sa Display (badyet) sa anumang dating na-save na ulat na ginamit din sa “Ad group,” “Keyword sa Paghahanap,” or “Label (Ad group).”
  • Nawalang IS sa Search (rank): Ang porsyento ng oras na hindi ipinakita ang iyong mga ad sa Search Network dahil sa mababang Ad Rank sa auction.
    Tandaan: Hindi ipapakita sa iyong tab na Mga ad group ang Nawalang IS (rank) kung naubusan ka ng badyet sa anumang punto sa hanay ng petsang sinusuri.
  • Nawalang IS sa Display (rank): Ang porsyento ng oras na hindi ipinakita ang iyong mga ad sa Display Network dahil sa mababang Ad Rank.
    Tandaan: Hindi ipapakita sa iyong tab na Mga ad group ang Nawalang IS (rank) kung naubusan ka ng badyet sa anumang punto sa hanay ng petsang sinusuri.
  • IS ng eksaktong tugma sa Search: Ang mga impression na natanggap mo na hinati sa tinatayang bilang ng mga impression na kwalipikado kang matanggap sa Search Network para sa mga termino para sa paghahanap na eksaktong tumugma sa iyong mga keyword (o mga kalapit na variant ng iyong keyword). Hindi ito available para sa mga Shopping campaign.

Tandaan

  • Hiwalay na iniuulat ang mga sukatan ng bahagi ng impression para sa bawat uri ng campaign at hindi pinagsasama-sama ang mga ito sa buong account.
  • Ina-update ang lahat ng sukatan ng bahagi ng impression sa loob ng 1–2 araw.
  • Available ang mga column ng data para sa bahagi ng impression para sa mga Search Network at Display Network campaign mula Oktubre 2012 hanggang sa kasalukuyan. Available ang bahagi ng impression para sa mga Shopping campaign mula Setyembre 2013 hanggang sa kasalukuyan, maliban sa "Nawawalang IS sa Search (badyet)," na available mula Nobyembre 2014.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7500521236985328622
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false