I-set up ang pag-target sa mobile device

Mahalaga: Nagbago ang mga setting ng pag-target para sa mga device na inilarawan sa ibaba

Kasama sa artikulong ito ang mga tagubilin kung paano gamitin ang pag-target sa mobile device sa tab na Mga Setting. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga setting na ito na ituon ang mga ad mo sa mga partikular na uri ng mga device.

Bago ka magsimula

Magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa pa tungkol sa iba't ibang setting na ito sa Tungkol sa mga setting ng pag-target sa mobile device.

Mga Tagubilin

Pagta-target sa mga operating system, modelo ng device, carrier at wireless network sa mga smartphone at tablet na may mga kumpletong browser.

Mga campaign sa Display

Para sa mga Display campaign na nagpapakita ng mga text, image, o video ad:

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Piliin ang isa sa iyong mga campaign na "Display Network lang - Lahat ng feature."
  5. I-click ang tab na Mga Setting.
  6. Sa ilalim ng Mga advanced na setting, palawakin ang plus mark na "Device: mag-target ng mga napiling mobile device at tablet."
  7. Upang palawakin ang seksyon, sa tabi ng "Mga Device," i-click ang I-edit.
  8. Upang mag-opt out sa pagpapakita ng mga ad sa isang partikular na uri ng device, i-uncheck ang kahon sa tabi nito.
  9. Upang piliin ang mga partikular na uri ng imbentaryo ng ad (mga uri ng mga espasyo para sa iyong mga ad), lagyan ng check ang kahon para sa uri ng device na iyon, at i-click ang drop-down na menu upang pumili ng mga uri ng imbentaryo.

    • Mga computer: Ang default para sa mga computer ay lahat ng imbentaryo.
    • Mobile: Kabilang sa mga opsyon ang "Mobile app," "Mobile app interstitial" at "Mobile web." Kung pipiliin mo ang lahat, ang iyong mga ad ay magkakaroon ng imbentaryo na "Palaging ipakita sa mobile."
    • Tablet: Kabilang sa mga opsyon ang "Tablet app," "Tablet app interstitial," at "Tablet web." Kung pipiliin mo ang lahat, ang iyong mga ad ay magkakaroon ng imbentaryo na "Palaging ipakita sa tablet."
  10. Para mag-target ng mga partikular na operating system ng device, modelo o carrier, i-click ang "Mga advanced na opsyon sa mobile at tablet."

    • Mga operating system: Piliin para ipakita ang iyong mga ad sa mga tao sa lahat ng operating system o mag-target ng mga partikular na operating system. Halimbawa: Android o iOS.
    • Mga modelo ng device: Piliin upang ipakita ang iyong mga ad sa mga tao sa lahat ng brand at bersyon ng device o mag-target ng mga partikular na brand at bersyon.
    • Mga carrier: Piliin para ipakita ang iyong mga ad sa mga tao sa lahat ng mobile carrier o mag-target ng mga partikular na carrier sa lugar na tina-target mo. Puwede kang mag-target ng mga user na gumagamit ng partikular na carrier, anupaman ang uri ng koneksyon (tulad ng Wi-Fi o koneksyong partikular sa carrier). Tandaang iniaalok ang opsyong pumili ng mga partikular na carrier na ita-target sa maraming bansa, pero hindi sa lahat.
    • Wi-Fi: Para ipakita ang iyong mga ad sa mga taong may mga wireless na network, piliin ang “Trapiko ng Wi-Fi.” Kung pipiliin mong isama ang trapiko ng Wi-Fi, ita-target mo ang lahat ng user ng Wi-Fi, anupaman ang carrier na ginagamit nila.

Mga campaign na pang-mobile lang

Para sa mga campaign na nagpapakita ng mga ad sa pag-promote ng app o iba pang ad na pang-mobile lang sa mga smartphone at tablet na may kumpletong browser sa Internet:

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Pumili ng isa sa iyong mga campaign na “Display Network lang.”
  5. I-click ang tab na Mga Setting.
  6. Sa tabi ng "Mga Device," i-click ang I-edit.
  7. Mapapalawak dapat ang seksyong ito at makakapili ka ng mga operating system, modelo ng device, at pati na rin ng mga carrier at Wi-Fi.
    • Mga operating system: Piliin upang ipakita ang iyong mga ad sa mga tao sa lahat ng operating system o mag-target ng mga partikular na operating system Halimbawa: Android o iOS.
    • Mga modelo ng device: Piliin upang ipakita ang iyong mga ad sa mga tao sa lahat ng brand at bersyon ng device o mag-target ng mga partikular na brand at bersyon.
    • Mga carrier: Piliin para ipakita ang iyong mga ad sa mga tao sa lahat ng mobile carrier o mag-target ng mga partikular na carrier sa lugar na tina-target mo. Ngayon, makakapag-target ka na rin ng mga user na gumagamit ng partikular na carrier, anupaman ang uri ng koneksyon (tulad ng Wi-Fi, koneksyong partikular sa carrier). Tandaang iniaalok ang opsyong pumili ng mga partikular na carrier na ita-target sa maraming bansa, pero hindi sa lahat.
    • Wi-Fi: Para ipakita ang iyong mga ad sa mga taong may mga wireless na network, piliin ang “Trapiko ng Wi-Fi.” Kung pipiliin mong isama ang trapiko ng Wi-Fi, ita-target mo ang lahat ng user ng Wi-Fi, anupaman ang carrier na ginagamit nila.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16037042767660146155
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false