Pagkakataon mo na ngayong suriin ang iyong mga setting ng campaign, text ad at impormasyon sa pagsingil bago tapusin ang pag-set up ng iyong account.
Mga Tagubilin
Kung tama ang lahat ng impormasyon:
- Lagyan ng check ang kahon upang sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon ng Google Ads.
- I-click ang Tapusin at gawin ang campaign.
Kung may makikita ka na gusto mong baguhin:
- I-click ang Bumalik at mag-navigate patungo sa hakbang na gusto mong i-edit.
- Kapag bumalik ka sa hakbang na ito, lagyan ng check ang kahon upang sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon ng Google Ads.
- I-click ang Tapusin at gawin ang campaign.
Binabati ka namin sa paggawa sa una mong hakbang upang makaabot ng mga bagong customer online! Kapag naaprubahan na ang iyong ad, na aabutin nang humigit-kumulang isang araw, magsisimula nang ipakita ang iyong ad sa mga potensyal na customer.
Tip
Nakakasabik na makita ang iyong ad online, ngunit huwag itong subukang hanapin sa Google. Ang Tool sa Pag-preview ng Ad at Diagnosis sa Google Ads ay nag-aalok ng madaling paraan upang i-preview ang iyong ad at matukoy ang mga keyword na nagti-trigger sa iyong ad upang lumabas ito -- nang hindi inii-skew ang iyong mga istatistika ng performance. Alamin kung paano hanapin ang iyong ad sa Google.
Kapag tapos ka nang magdiwang, panahon na upang gawin ang mga susunod na hakbang upang matiyak na nasusulit mo ang iyong badyet sa pag-a-advertise. Pinadali namin ito sa pamamagitan ng isang sunud-sunod na gabay na idinisenyo upang matulungan kang bumuo ng epektibong campaign na nakakaabot sa mga tamang customer, sa tamang sandali.
Maligayang pag-a-advertise!
Pumunta sa sunud-sunod na gabay
Mag-sign up para sa Google Ads
Mukhang wala ka pang account. Puwede kang mag-sign up nang mag-isa sa ibaba o humingi ng libre at naka-personalize na suporta mula sa Eksperto sa Google Ads.