Gabay sa pag-sign up sa Google Ads

I-set up ang una mong campaign

Sa hakbang na ito, bubuuin mo ang una mong ad campaign. Dito mo isusulat ang una mong ad, pagpapasyahan kung magkano ang gusto mong gastusin, at pipiliin ang audience na gusto mong maabot gamit ang iyong ad.

Gagabayan ka namin sa bawat isa sa mga hakbang na ito at mag-aalok kami ng mga tip upang matulungan kang magsimula nang walang problema, kaya huwag kang mag-alala kung hindi ka sigurado kung ano ang dapat gawin.

Bago ka magsimula

Google Ads logo  Mag-sign up para sa Google Ads

Mukhang wala ka pang account. Puwede kang mag-sign up nang mag-isa sa ibaba o humingi ng libre at naka-personalize na suporta mula sa Eksperto sa Google Ads.

Magsimula Ngayon

Hindi ka sisingilin hanggang sa matapos mong gawin ang iyong account at maaprubahan at magsimulang makakuha ng mga pag-click ang iyong ad. Aabutin nang humigit-kumulang isang araw bago maaprubahan ang iyong ad at sisingilin ka lang kapag may nag-click sa iyong ad. Magagawa mo anumang oras na i-pause ang iyong campaign at gumawa ng mga pagbabago kapag naka-sign in ka na sa bago mong Google Ads account.

1. Magpasya kung magkano ang gagastusin

Dito mo pagpapasyahan kung magkano, sa average, ang handa mong gastusin bawat araw sa campaign na ito.

Mga Tip

Magsimula sa badyet na kumportable para sa iyo. Kapag ilang linggo nang tumatakbo ang iyong campaign, i-assess ang performance nito at pagpasyahan kung gusto mong gumawa ng anumang mga pagsasaayos.

Kung gumagamit ka ng buwanang badyet sa pag-a-advertise, maaari mong kalkulahin ang average na halaga na maaari mong ibadyet bawat araw sa pamamagitan ng paghahati sa buwanang badyet mo sa 30.4 (ang average na bilang ng mga araw bawat buwan).

Mga Tagubilin
  1. Buksan ang seksyong “Iyong badyet” sa pamamagitan ng pagki-click sa lapis I-edit.
  2. Piliin ang uri ng iyong currency sa drop-down na menu. Hindi maaaring baguhin ang pipiliin mong currency, kaya mag-ingat sa pagpili.
  3. Ilagay ang average na halaga na handa mong gastusin bawat araw.
  4. I-click ang I-save.

2. Pumili ng audience

Sa seksyong ito, gagawa ka ng mga pagpapasya na tutukoy kung saan maaaring lumabas ang iyong ad at kung aling mga termino para sa paghahanap, na tinatawag na mga keyword, ang gusto mong mag-trigger sa iyong ad upang lumabas ito.

Mga Lokasyon: Piliin ang mga heograpikong lokasyon kung saan mo gustong lumabas ang iyong ad

Nasaan ang iyong mga customer? Doon mo gugustuhing ipakita ang iyong ad. Sa Google Ads, maaari mong piliing i-target ang iyong ad sa mga customer na nasa:

  • isang partikular na bansa, maraming bansa o buong mundo 
  • ilang partikular na lugar sa isang bansa, tulad ng mga estado o probinsya, mga partikular na lungsod o rehiyon, o mga partikular na postal code
  • isang partikular na komunidad, gaya ng nasa distansyang madaling mapuntahan kapag nagmaneho mula sa iyong negosyo

Upang maiwasang magastos ang iyong badyet sa mga walang kaugnayang pag-click sa ad mula sa mga taong wala sa lugar ng serbisyo ng iyong negosyo, maaari mong ibukod ang mga lugar na iyon sa iyong campaign.

Mga Tagubilin

Buksan ang seksyong “Mga Lokasyon” sa pamamagitan ng pagki-click sa lapis I-edit.

Upang mag-target ng bansa, maraming bansa o kaya ay i-target ang buong mundo:

  1. Piliin ang naaangkop na paunang nakatakdang opsyon.
  2. I-click ang I-save.

Upang mag-target ng ilang partikular na lugar sa isang bansa, tulad ng mga estado o probinsya, mga partikular na lungsod o rehiyon, mga partikular na postal code o isang bansa na hindi ipinapakita sa mga paunang nakatakdang opsyon:

  1. Piliin ang Hayaan akong pumili.
  2. I-type ang pangalan ng lugar o postal code sa text box.
  3. I-click ang Idagdag upang idagdag ang lokasyon.
  4. Upang magdagdag pa ng mga lokasyon, sundin ang hakbang 2 at 3.
  5. I-click ang I-save.

Upang mag-target ng partikular na komunidad, gaya ng nasa partikular na distansyang madaling mapuntahan kapag nagmaneho mula sa iyong negosyo, mainam na gumamit ng pagta-target sa lugar na sakop ng radius:

  1. I-click ang Advanced na paghahanap.
  2. I-click ang Pagta-target sa lugar na sakop ng radius.
  3. Sa box para sa paghahanap, ilagay ang address ng lokasyon na gusto mong gamitin bilang sentro ng radius. Ilagay ang distansya mula sa puntong ito na gusto mong i-target at pumili ng unit ng pagsukat sa drop-down na menu, gaya ng 5 milya.
  4. I-click ang Hanapin upang hanapin ang radius sa mapa.
  5. Tingnan ang mapa upang matiyak na tina-target mo ang tamang lugar. Kapag handa ka na, i-click ang Idagdag upang idagdag ang target na radius. 
  6. I-click ang Tapos na sa ibaba ng window.
  7. I-click ang I-save.

Upang mapigilang lumabas ang iyong ad sa mga lokasyong hindi sakop ng lugar ng serbisyo ng iyong negosyo:

  1. Piliin ang Hayaan akong pumili.
  2. I-type ang pangalan ng lugar o postal code sa text box.
  3. I-click ang Ibukod.
  4. Upang magbukod pa ng mga lokasyon, sundin ang hakbang 2 at 3.
  5. Kapag tapos ka na, i-click ang I-save
Mga Network: Mga site na nagpapakita ng iyong ad kasama ng mga resulta ng paghahanap o kaugnay na content

Dito mo pagpapasyahan kung saan mo gustong lumabas ang iyong ad sa Google Network, na nahahati sa 2 malaking bahagi, ang Google Search Network at ang Google Display Network. Pipiliin mo kung gusto mong mag-advertise sa isa sa mga network na ito o sa parehong network.

Narito ang higit pang impormasyon tungkol sa bawat network:

  • Sa Google Search Network ipapakita ang iyong mga ad sa tabi ng mga resulta ng paghahanap sa mga site sa paghahanap ng Google at mga site ng kasosyo sa paghahanap na hindi Google kapag may potensyal na customer na naghanap ng mga produkto o serbisyo na tulad ng sa iyo. Bilang default, magiging kwalipikadong lumabas sa Search Network ang bago mong text ad.

    Halimbawa

    Kung nagbebenta ka ng mga compact camera, maaaring lumabas ang iyong ad sa tabi ng mga resulta ng paghahanap kapag may naghanap ng mga compact camera. Dahil nauugnay ang iyong ad sa hinahanap ng taong iyon, mas malamang na maging interesado siya sa inaalok mo at iki-click niya ang iyong ad.

  • Sa Google Display Network, ipapakita ang iyong ad sa mga piling website at iba pang mga placement (tulad ng mga app at video) na nagpapakita ng mga ad na nauugnay sa content na nasa page.

    Display Network placements

    Halimbawa

    Kung nagbebenta ka ng mga compact camera, maaaring lumabas ang iyong ad sa isang blog na tungkol sa mga digital camera.

    Awtomatiko kang mao-opt in sa Display Network. Upang mag-opt out:

    1. I-click ang lapis I-edit upang buksan ang seksyong “Mga Network.”
    2. I-uncheck ang kahon sa tabi ng “Display Network.”
    3. I-click ang I-save.
Mga Keyword: Piliin ang mga tamang keyword upang kumonekta sa mga customer

Ang mga keyword ay ang mga pariralang pipiliin mo upang matukoy kung kailan at kung saan maaaring lumabas ang iyong ad. Ginagamit ang mga keyword upang itugma ang iyong mga ad sa mga terminong hinahanap ng mga tao (o mga web page na tinitingnan nila kung nag-a-advertise ka sa Display Network).

Narito ang ilang tip upang matulungan kang piliin ang mga tamang keyword:

  • Maging partikular - Malapit dapat ang kaugnayan ng iyong mga keyword sa ina-advertise mo. Kapag mas may kaugnayan at mas partikular ang iyong mga keyword sa maaaring hanapin ng isang tao, mas malamang na makukuha ng iyong ad ang pansin ng mga potensyal na customer.

    Halimbawa

    Kung nagbebenta ka ng mga pambatang sapatos na pang-basketball, maaari mong piliin ang mga keyword na ito:

    mga pang-basketball na sapatos para sa kabataan
    mga pang-basketball na sapatos para sa mga bata
    mga pang-basketball na sapatos para sa mga batang lalaki
    mga pang-basketball na sapatos para sa mga batang babae
    mga pang-basketball na sapatos para sa mga bata

    Kapag may naghahanap sa Google gamit ang pariralang mga pang-basketball na sapatos para sa mga bata o isang katulad na termino, maaaring lumabas ang iyong ad sa tabi ng mga resulta ng paghahanap sa Google o sa iba pang mga website na nauugnay sa basketball ng kabataan.

  • Mag-isip tulad ng isang customer - Ano ang mga termino at parirala na maaaring hanapin ng mga tao upang mahanap ang iyong mga produkto o serbisyo? Upang matulungan kang makaabot ng higit pang mga customer, magandang ideya na magsama ng iba pang mga karaniwang ginagamit na termino at variation ng salita sa iyong listahan ng keyword.

    Inirerekomenda naming pumili ng 5 hanggang 20 keyword. Kadalasang pinakaepektibo ang mga keyword na binubuo ng 2 o 3 salita (isang parirala).

    Mga sanay nang advertiser: Bilang default, malawak ang tugma ng mga keyword sa mga paghahanap. Gumamit ng mga uri ng pagtutugma ng keyword upang pinuhin kung aling mga paghahanap ang maaaring mag-trigger upang lumabas ang iyong ad. 

  • Mga Tagubilin

    1. I-click ang lapis I-edit upang buksan ang seksyong “Mga Keyword.”
    2. Makakakita ka ng isang listahan ng mga keyword na pinili namin batay sa iyong website. Suriin ang listahan upang matukoy ang alinman sa mga iminumungkahing keyword na hindi nauugnay sa iyong ina-advertise. Upang alisin ang mga walang kaugnayan na keyword na iyon, i-click ang X.
    3. Magdagdag pa ng anumang mga may kaugnayang keyword sa text box, at paghiwa-hiwalayin ang mga iyon gamit ang isang kuwit.
    4. Kapag tapos ka na, i-click ang I-save.

    Magagawa mo anumang oras na mag-edit, mag-alis o magdagdag ng mga keyword sa ibang pagkakataon kapag naka-sign in ka na sa iyong Google Ads account.

3. Itakda ang iyong bid

Sa Google Ads, ikaw ang magtatakda sa pinakamataas na presyo na handa mong bayaran kapag may potensyal na customer na nag-click sa iyong ad. Tinatawag ito na iyong maximum cost-per-click (CPC) na bid.

Bids Mga Tip

Sa pangkalahatan, kapag mas mataas ang iyong bid at mas may kaugnayan ang iyong mga ad at keyword, mas malamang na lumabas ang iyong ad sa mas mataas na posisyon sa page.

Mayroon kang 2 opsyon sa pagbi-bid sa paggawa sa una mong campaign:

  • Hayaang awtomatikong pamahalaan ng Google Ads ang iyong mga bid upang maibigay sa iyo ang pinakamaraming pag-click hangga't maaari na pasok sa iyong badyet. Ito ang pinakasimpleng diskarte sa pagbi-bid na mainam para sa mga bagong advertiser o sinumang ayaw gumugol ng maraming oras sa pagtatakda at pamamahala ng kanyang mga bid.
  • Gamitin ang manual na pagbi-bid upang itakda ang halaga ng sarili mong maximum CPC na bid. Mainam ang manual na pagbi-bid para sa mga mas sanay nang advertiser na kayang maglaan ng panahon upang regular na suriin ang kanilang Google Ads account at isaayos ang kanilang mga bid upang i-optimize ang mga ito para sa performance.
Mga Tagubilin
  1. I-click ang lapis I-edit upang buksan ang seksyong “Bid.”
  2. Pumili ng opsyon sa pagbi-bid:

    • Para sa naka-automate na pagbi-bid, piliin ang Awtomatikong itakda ang aking mga bid upang matanggap ang pinakamaraming pag-click na pasok sa aking badyet. (Ito ang opsyong inirerekomenda namin para sa mga bagong advertiser.)
    • Para sa manual na pagbi-bid, piliin ang Manual kong itatakda ang aking mga bid at maglagay ng bid.
  3. I-click ang I-save.

4. Isulat ang iyong ad

Para sa una mong campaign, gagawa ka ng text ad, ang pinakasimpleng bersyon ng mga online na ad na inaalok ng Google Ads.

Mga Tip

Ang mga ad mo ang boses ng iyong mga produkto at serbisyo. Kapag mas may kaugnayan at nakakahikayat ang mga iyon sa iyong mga customer, mas malamang na makakuha ang mga iyon ng mga pag-click.

Mga Bagong Real Estate Rental sa Makati - Mag-browse ng Mga Apartment Online
Ad www.example.com/NYC/Apartments
Mga Litrato, Floorplan, Pagpepresyo at Higit Pa Tungkol sa Mga Apartment sa Makati

Sulitin ang iyong ad text sa pamamagitan ng pagsunod sa 5 tip na ito:

  1. Itugma ang iyong ad sa iyong mga keyword

    Hangga't maaari, siguraduhing malapit na nauugnay sa iyong mga keyword ang iyong ad text. Maaari nitong makuha ang pansin ng mga taong naghanap ng mga salitang iyon, at ipakita na nauugnay ang iyong ad sa gusto nila.

  2. Itugma ang iyong ad sa iyong landing page

    Kapag nag-click ang mga tao sa iyong ad at bumisita sila sa iyong website, mainam na ipadala sila sa isang page na pinakamalapit na nauugnay sa ina-advertise mo, na tinatawag na landing page. Halimbawa, kung nagpo-promote ang iyong ad ng mga panlalaking sapatos na nagkakahalaga ng PhP2,500 o mas mura, dapat itong mag-link sa isang landing page na nagbebenta ng mga panlalaking sapatos na wala pang PhP2,500 ang presyo. Kapag ginawa mong mas madali para sa mga customer na mahanap ang gusto nila, mas malamang na bumili sila.

  3. Gumamit ng call-to-action

    Gumamit ng isang malakas at malinaw na call-to-action na nagsasabi sa mga customer kung ano ang maaari nilang gawin sa website mo kapag nag-click sila sa iyong ad, gaya ng Bumili, Mag-book na, Tumawag ngayon, Mag-order, Mag-sign up o Kumuha ng quote.

  4. Magsama ng mga partikular na presyo o promosyon

    I-highlight ang mga feature o katangian na dahilan kung bakit namumukod-tangi sa mga kakumpitensya ang iyong negosyo, gaya ng mga presyo, espesyal na diskwento, eksklusibong alok o libreng pagpapadala. Kung magagawa mong maging mas naiiba sa mga kakumpitensya, mas malamang na mapansin ka ng mga potensyal na customer.

  5. I-capitalize ang unang titik ng bawat salita

    Mas mapapansin ng mga potensyal na customer ang iyong text ad kapag na-capitalize mo ang unang titik ng bawat salita sa iyong headline at ad text.

Mga Tagubilin
  1. Upang magsimula, i-click ang lapis I-edit upang buksan ang seksyong “Text ad.”
  2. Ipasok ang URL ng iyong landing page. Dito mapupunta ang mga tao pagkatapos nilang i-click ang iyong ad. Siguraduhing pumili ng landing page na may malapit na kaugnayan sa iyong ad text.
  3. Maglagay ng headline na nakakatawag-pansin. Mayroon kang dalawang field ng headline na lalagyan, maaari kang maglagay ng hanggang 30 character sa bawat isa. Ang mga field ng headline ay lalabas nang magkatabi at pinaghihiwalay ng hyphen. Maaaring ma-wrap ang headline sa maraming linya depende sa laki ng screen ng user. Siguraduhing madaling na-ii-scan ang iyong dalawang field ng headline at maiintindahan ang mga ito kapag binasa nang magkahiwalay. Subukang magsama ng kahit isa sa iyong mga keyword sa headline ng ad upang malaman kaagad ng mga tao na nag-aalok ka ng isang bagay na may kaugnayan sa hinahanap nila.
  4. Magsulat ng maikling paglalarawan gamit ang mga tip na nabanggit sa itaas. Tiyaking magsama ng call to action, tulad ng Bumili Ngayon o Tumawag Ngayon, at ng isa o dalawa sa iyong mga keyword. Pag-isipang i-highlight ang isang partikular na presyo o promosyon upang gawing natatangi ang iyong ad.
  5. Kung gusto mong makakuha ang iyong ad ng mga tawag sa iyong negosyo, lagyan ng check ang kahon sa tabi ng I-enable ang mga tawag mula sa iyong ad at ilagay ang iyong numero ng telepono (kasalukuyang available sa mga piling bansa). Magpapakita ang iyong ad ng numero ng telepono o naki-click na button na "Tumawag" sa mga mobile device. Upang tulungan kang masubaybayan kung gaano karaming tawag ang nakukuha mo mula sa iyong ad, gagamit ang Google ng espesyal na pagpapasahang numero.
  6. Kapag tapos ka na, i-click ang I-save.
 

I-click ang I-save at Magpatuloy upang pumunta sa susunod na hakbang.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14021866042498079511
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false