Isang pagkilos na binibilang kapag may nakipag-ugnayan sa iyong ad (halimbawa, nag-click ng text ad o nanood ng video ad) at pagkatapos ay gumawa ng pagkilos na tinukoy mong mahalaga sa iyong negosyo, gaya ng online na pagbili o pagtawag sa negosyo mo mula sa mobile phone.
Sinusukat ang mga conversion gamit ang pagsubaybay sa conversion. Puwede kang gumamit ng iba't ibang proseso ng pagsubaybay para sukatin ang mga conversion depende sa pagkilos na gagawin ng isang tao kapag nakipag-ugnayan siya sa iyong ad o libreng listing. Puwedeng subaybayan ang mga conversion sa iba't ibang surface (gaya ng mobile o desktop) at puwedeng kasama rito ang mga nakamodelong conversion. Ang mga nakamodelong conversion ay gumagamit ng data na hindi tumutukoy ng mga indibidwal na user para tantyahin ang mga conversion na hindi direktang naoobserbahan ng Google. Puwede itong mag-alok ng mas kumpletong ulat ng iyong mga conversion.