Subukan ang iyong landing page

Kung gumagamit ka lang ng final URL para tukuyin ang iyong landing page o final URL na may template ng pagsubaybay o mga custom parameter, mahalagang matiyak na dinadala ng ad mo ang iyong mga potensyal na customer sa tamang bahagi ng website mo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano subukan ang iyong landing page at tracking URL.

Paano ito gumagana

Kapag sinusubukan mo ang iyong landing page, makakatanggap ka ng mga detalyadong resulta ng pansubok at isa sa mga sumusunod na mensahe.

Mensahe Uri ng campaign Ang ibig sabihin nito
May mga karagdagang parameter ang landing page Lahat May mas maraming parameter ang landing page kumpara sa final URL.
May hindi tugma na URL ang landing page Lahat
Hindi tumutugma ang domain ng landing page sa domain ng final URL.

Walang nahanap na kwalipikadong ad
Lahat
Walang ad sa ad group na puwedeng subukan. Ang mga ad na puwedeng subukan ay ang mga text ad, image ad, at ad mula sa Ad gallery. Dapat ding gumamit ang mga ad na ito ng mga na-upgrade na URL.
Hindi tugma ang final URL Lahat
Hindi magkapareho ang domain ng landing page at final URL, ang mga URL sa chain ng pag-redirect ay hindi nagsisimula sa iyong final URL, o ang mga pag-redirect mo pagkatapos ng iyong final URL ay hindi nananatili sa parehong domain. Tingnan kung natutugunan ng iyong URL ang mga requirement na nakalista rito.
Nahanap ang page Lahat Nahanap ang isang landing page.
Hindi nahanap ang page Lahat

Hindi nahanap ang landing page (halimbawa, 404 error). Tingnan ang iyong template ng pagsubaybay, (mga) custom parameter, o final URL.

Puwede rin itong idulot ng pag-block sa Google AdsBot para hindi nito ma-crawl ang page. Siguraduhing pinapayagan ng iyong robots.txt file ang Google AdsBot na i-crawl ang landing page at hindi nagbabalik ang iyong landing ng HTTP error sa Google AdsBot. Matuto pa tungkol sa kung paano ayusin ang isyung hindi ma-crawl na destinasyon.

HTTP na pag-redirect sa chain ng pagsubaybay Lahat
May HTTP URL ang iyong chain ng pagsubaybay.
JavaScript na pag-redirect sa chain ng pagsubaybay Lahat
May JavaScript na pag-redirect ang iyong chain ng pagsubaybay.
Nagwawakas ang chain ng pagsubaybay Lahat
Nagtatapos ang chain ng pagsubaybay bago maabot ang google.com/asnc.
Hindi maabot Lahat Hindi maabot ang landing page (halimbawa, dahil nag-time out ito). Pakisubukan ulit.
Hindi alam na problema/Problema sa tool Lahat Nagkaroon ng error habang sinusubukan ang iyong landing page. Pakisubukan ulit.
Walang laman ang domain ng website Mga Dynamic na Search Ad Walang laman ang field na “Domain ng website” (makikita sa "Mga setting ng campaign").

Tandaan

  • Hindi sinusuri ng pagsubok na ito ang mga paglabag sa mga patakaran ng Google Ads. Matutunan ang tungkol sa aming mga patakaran
  • Hindi sinusuportahan ng pagsubok na ito ang anumang uri ng pag-redirect ng URL, kasama ang mga pag-redirect na batay sa javascript.
  • Hindi natutukoy ng pagsubok na ito ang lahat ng error sa parallel tracking at dapat kang sumangguni sa iyong provider ng pagsukat ng pag-click para sa mga detalye.
  • Hindi gumagana ang pagsubok na ito para sa mga standard Shopping campaign na may Uri ng Ad: Ad ng produkto

Mga Tagubilin

Puwede mong subukan ang iyong landing page sa anumang antas ng account mo.

Bago ka magsimula, puwedeng kailanganin mong idagdag ang column na “Template ng pagsubaybay” sa iyong talahanayan:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang menu ng page sa level kung saan mo gustong subukan ang iyong landing page.
  2. I-click ang icon na Mga Column Isang larawan ng icon na mga column ng Google Ads at makikita mo ang page na "Baguhin ang mga column."
  3. Sa ilalim ng "Lahat ng column," i-expand ang opsyong Mga Attribute at lagyan ng check ang "Template ng pagsubaybay."
  4. I-click ang Ilapat.
Subukan ang iyong landing page sa level ng campaign
  1. I-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign, pagkatapos ay mag-click sa tab na Mga Setting sa itaas.
  4. Mag-click sa template ng pagsubaybay ng campaign na gusto mong subukan.
  5. I-click ang Subukan.
Subukan ang iyong landing page sa antas ng ad group
  1. I-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga ad group.
  4. Mag-click sa template ng pagsubaybay ng ad group na gusto mong subukan.
  5. I-click ang Subukan.
Subukan ang iyong landing page sa level ng ad o extension
  1. I-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Ad.
  4. Itapat ang mouse sa ad na gusto mong subukan at i-click ang icon na lapis I-edit.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang Mga opsyon sa URL ng ad para tumingin pa ng mga opsyon.
  6. I-click ang Subukan.
Subukan ang iyong landing page sa level ng keyword
  1. I-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga audience, mga keyword, at content sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga keyword sa paghahanap.
  4. Mag-click sa template ng pagsubaybay ng keyword na gusto mong subukan.
  5. I-click ang Subukan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
15864958409261820890
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false