Ang dalas ng pagpapakita sa iyong ad. Binibilang ang isang impression sa tuwing ipinapakita ang iyong ad sa isang page ng resulta ng paghahanap o sa iba pang site sa Google Network. Tandaan: Kung hindi nakakatanggap ang iyong ad o mga keyword ng sapat na dami ng impression, basahin ang Mga isyu sa pagbabago-bago ng impression.
- Sa tuwing lalabas ang iyong ad sa Google o Google Network, binibilang ito bilang isang impression.
- Sa ilang sitwasyon, maaari lang ipakita ang isang seksyon ng iyong ad. Halimbawa, sa Google Maps, puwede lang naming ipakita ang pangalan at lokasyon ng iyong negosyo o ang pangalan lang ng iyong negosyo at ang unang linya ng iyong ad text.
- Makikita mo minsan ang pagdadaglat na "Impr" sa iyong account na ipinapakita ang bilang ng mga impression para sa ad mo.