Paano mo magagamit ang ValueTrack

Depende sa iyong mga layunin sa pag-a-advertise, maaari mong gamitin ang ValueTrack upang makakuha ng higit pang mga detalye tungkol sa pagganap ng iyong ad -- gaya ng pag-alam kung saan nakakakuha ng pinakamaraming trapiko ang iyong mga ad o kung aling mga ad at keyword ang nakakakuha ng pinakamaraming pag-click. Naglalarawan ang artikulong ito ng ilang halimbawa ng mga paraan sa kung paano mo magagamit ang ValueTrack.

Tandaan, hindi lang limitado ang iyong mga opsyon sa mga sitwasyon sa ibaba -- maaari kang gumamit ng anumang kumbinasyon ng mga parameter ng ValueTrack na nakalista sa artikulong ito upang makakuha ng higit pang mga detalye tungkol sa iyong mga ad.

Halimbawa #1: Mga Network

Layunin

Gusto mong malaman kung gaano karaming trapiko ng iyong ad ang nagmumula sa Google Search Network kumpara sa Google Display Network.

Mga naaangkop na parameter ng ValueTrack

Nagbibigay-daan sa iyo ang ValueTrack na magtakda ng dalawang URL para sa pagsubaybay sa bawat keyword: {ifsearch:[value]} para sa search at {ifcontent:[value]} para sa display.

Halimbawang template ng pagsubaybay

Dahil isang parameter lang ang iti-trigger ng iyong ad at samakatuwid ay isang value lang ang lalabas sa iyong data, hindi mo kailangang magsama ng & sa pagitan ng dalawang parameter ng URL. Magiging ganito ang hitsura ng mga parameter: {ifsearch:[value]}{ifcontent:[value]}.

Sa aming halimbawa, pinalitan namin ang [value] ng "Search Network" para sa kundisyong ifsearch at "Display Network" para sa kundisyong ifcontent, at ginamit natin ang label na source. Ganito ang hitsura ng kalalabasang URL ng ValueTrack:
{lpurl}?tracking={ifsearch:1234}{ifcontent:5678}

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang iyong mga URL ng impormasyon tungkol sa network kung saan lumalabas ang ad.

Para sa isang pag-click sa Search Network, makikita mo ang:
http://www.example.com/?tracking=1234
Para sa isang pag-click sa Display Network, makikita mo ang:
http://www.example.com/?tracking=5678

Halimbawa #2: Mga keyword at uri ng pagtutugma

Layunin

Gusto mong makita kung aling keyword ang nag-trigger ng ad na na-click ng isang customer, at kung ano ang uri ng pagtutugma ng keyword.

Mga naaangkop na parameter ng ValueTrack

Mga campaign sa Search: Sasabihin sa iyo ng parameter na {keyword} ang partikular na keyword na nag-trigger sa iyong ad.

Mga campaign sa Display: Sasabihin sa iyo ng parameter na {keyword} ang pinakamahusay na tumutugmang keyword, dahil ginagawa ang pagta-target sa Display Network sa antas ng ad group.

Itinatala ng parameter na {matchtype} ang uri ng pagtutugma ng keyword na nagresulta sa pag-click sa ad ("b" para sa broad o modified broad, "p" para sa parirala o "e" para sa eksakto).

Halimbawang template ng pagsubaybay

Ganito ang hitsura ng kalalabasang template ng pagsubaybay:
{lpurl}?keyword={keyword}&matchtype={matchtype}

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang mga URL ng iyong landing page gamit ang aktwal na keyword at uri ng pagtutugma.
http://www.example.com/?keyword=socks&matchtype=e
http://www.example.com/?keyword=pink%20socks&matchtype=p

Halimbawa #3: Mga Ad

Layunin

Gusto mong makita ang partikular na ad na ipinakita at nakatanggap ng pag-click.

Naaangkop na parameter ng ValueTrack

Itinatala ng parameter na {creative} ang creative ID ng ad na ipinakita.

Halimbawang template ng pagsubaybay

Ganito ang hitsura ng kalalabasang template ng pagsubaybay:
{lpurl}?creative={creative}

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang mga URL ng iyong landing page gamit ang creative ID ng ad:
http://www.example.com/?creative=599041118

Halimbawa #4: Mga Placement

Layunin

Gusto mong malaman kung para sa aling kategorya lumabas ang iyong ad sa isang campaign na naka-target sa placement.

Mga naaangkop na parameter ng ValueTrack

Para sa isang campaign na naka-target sa placement, itinatala ng parameter na {placement} ang mga tumutugmang pamantayan sa pagta-target sa placement para sa website kung saan lumalabas ang iyong ad (halimbawa, example.com/homepage.html). Sa madaling salita, itatala namin ang anumang placement na napagpasyahan mong i-target, sa halip na ang buong URL ng website kung saan lumalabas ang iyong ad.

Itinatala ng parameter na {target} ang kategorya ng placement na nagsanhi ng pag-click.

Halimbawang template ng pagsubaybay

Ganito ang hitsura ng kalalabasang template ng pagsubaybay:
{lpurl}?target={target}&placement={placement}

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang mga URL ng iyong landing page gamit ang placement at kategorya ng placement:
http://www.example.com/?target=%2Fentertainment%2Fcelebrities&placement=gmail.com

Halimbawa #5: Mga Device

Layunin

Gusto mong malaman ang device kung saan lumabas ang iyong ad.

Mga naaangkop na parameter ng ValueTrack

Pinapalitan ng "m" ang parameter na {device} kung lumabas ang iyong ad sa mga mobile device, "t" kung sa mga tablet device o "c" kung sa mga desktop o laptop computer.

Halimbawang template ng pagsubaybay

Ganito ang hitsura ng kalalabasang template ng pagsubaybay:
{lpurl}?device={device}

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang mga URL ng iyong landing page gamit ang impormasyon tungkol sa device kung saan lumabas ang iyong ad.

Para sa isang pag-click mula sa isang mobile device, makikita mo ang:
http://www.example.com/?device=m

Para sa isang pag-click mula sa isang tablet device, makikita mo ang:
http://www.example.com/?device=t

Para sa isang pag-click mula sa isang desktop o laptop computer, makikita mo ang:
http://www.example.com/?device=c

Halimbawa #6: Ifmobile at Ifnotmobile

Layunin

Gusto mong magdagdag ng iba't ibang value sa iyong URL depende sa kung sa aling device lumabas ang iyong ad.

Mga naaangkop na parameter ng ValueTrack

Pinapalitan ng [value] ang parameter na {ifmobile:[value]} kung lumalabas ang iyong ad sa isang mobile device.

Pinapalitan ng [value] ang parameter na {ifnotmobile:[value]} kung lumalabas ang iyong ad sa isang tablet o sa mga desktop at laptop computer.

Halimbawang template ng pagsubaybay

Ipagpalagay natin na sinusubaybayan mo ang pagganap ayon sa device, gamit ang iyong mga sariling internal ID. Para sa keyword na “mga widget,” mayroon kang internal ID na “1212” sa mga mobile device at “3434” sa mga tablet at computer. Ganito ang hitsura ng kalalabasang template ng pagsubaybay:
{lpurl}?myid={ifmobile:1212}{ifnotmobile:3434}

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang mga URL ng iyong landing page gamit ang impormasyon tungkol sa device kung saan lumabas ang iyong ad.

Para sa isang pag-click mula sa isang mobile device, makikita mo ang:
http://www.example.com/?myid=1212

Para sa isang pag-click mula sa isang tablet o computer, makikita mo ang:
http://www.example.com/?myid=3434

Halimbawa #7: {lpurl}

Layunin

Gusto mong i-optimize ang iyong pagsubaybay sa pamamagitan ng pagtatakda ng template ng pagsubaybay sa mataas na antas. Halimbawa, kung magtatakda ka ng template ng pagsubaybay sa antas ng campaign, ibabahagi ang template ng pagsubaybay sa iyong buong campaign.

Halimbawang template ng pagsubaybay

Ipagpalagay nating gusto mong subaybayan ang lahat ng pag-click na nagmumula sa isang campaign na tinatawag na “ppc.” Ganito ang hitsura ng kalalabasang template ng pagsubaybay (itinatakda sa antas ng campaign):
{lpurl}?source=ppc

Halimbawang data

Ia-update ng ValueTrack ang mga URL ng landing page ng lahat ng iyong ad gamit ang parameter ng URL na source=ppc, na ipinagpalagay na hindi ka nagtakda ng template ng pagsubaybay sa mas mababang antas ng campaign (hal. antas ng ad).

Para sa anumang pag-click na may kaugnayan sa campaign na ito, makikita mo ang:
http://www.example.com/?source=ppc

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13797744075455303595
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false