Ngayong na-upgrade mo na ang iyong mga URL, kailangan mo na lang i-upload ang iyong spreadsheet sa Google Ads. Ganito ito gawin:
- Sa Google Ads, i-click ang tab na Mga ad at extension.
- I-click ang 3-dot menu, at piliin ang I-upload.
- I-click ang Pumili ng file.
- Piliin ang iyong spreadsheet file, at i-click ang Buksan.
- Piliin ang I-preview para tingnan ang mga pagbabago sa iyong mga ad bago ka mag-save.
- Kapag handa ka na, i-click ang Ilapat.
Ia-upload na ng Google Ads ang iyong file at susubukan nitong i-upgrade ang mga ad mo batay sa mga pagbabagong iyong ginawa sa spreadsheet. Pagkatapos nito, magpapakita ang Google Ads ng preview ng mga resulta. (Tandaan: Ang unang 200 row lang ang ipapakita ng preview.)
Kung magkakaroon ng anumang error, i-click ang I-preview para makita ang mga detalye. Itama ang mga error at muling i-upload ang itinamang file.
Kapag handa ka na, i-click ang Ilapat. Tandaang ang mga ad lang na walang error ang ia-update ng Google Ads.