Magdagdag o mag-alis ng pagsasaayos ng bid

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga pagsasaayos ng bid na ipakita ang mga ad mo nang mas madalas o mas madalang batay sa kung saan, kailan, at paano naghahanap ang mga tao. Kung ginagamit mo ang mas bagong karanasan sa Google Ads, maaari ka ring magsaayos ng mga bid para sa ilang partikular na pakikipag-ugnayan sa ad, gaya ng mga tawag sa iyong negosyo. Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano magdagdag o mag-alis ng mga pagsasaayos ng bid sa Search Network at sa Display Network.

Bago ka magsimula

Tandaang hindi lahat ng pagsasaayos ng bid ay tugma sa lahat ng uri ng campaign. Kung hindi ka pamilyar sa mga pagsasaayos ng bid, basahin muna ang tungkol sa mga pagsasaayos ng bid.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Magdagdag o mag-alis ng pagsasaayos ng bid sa Search network

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. Kapag na-click ang Advanced na adjustment ng bid, bubukas ang page na Mga Interaction, kung saan maitatakda mo ang iyong mga pagsasaayos ng bid para sa mga tawag, audience, o demograpiko.
  3. Piliin ang row na gusto mong isaayos at i-click ang icon na lapis I-edit sa ilalim ng column na “Pagsasaayos ng bid.” Kung gusto mong magtakda ng mga pagsasaayos ng bid para sa Mga Device, may opsyon ka ring pumili ng ad group.
  4. Piliin ang “Dagdagan ng” o “Bawasan ng” mula sa drop-down, at maglagay ng porsyento. Upang mag-alis ng pagsasaayos ng bid, i-delete ang value sa field.
  5. I-click ang I-save.

Magdagdag o mag-alis ng pagsasaayos ng bid sa Display network

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang Mga audience , mga keyword, at content.
    • Para isaayos ang iyong mga bid para sa mga partikular na demograpikong pangkat, mag-click sa gustong pangkat pagkatapos i-click ang Mga Demograpiko at magpatuloy mula hakbang 3.
    • Para isaayos ang iyong mga bid para sa Mga Placement, mag-click sa "Manual" at magpatuloy mula sa hakbang 3.
  3. I-click ang campaign o ad group na gusto mong baguhin.
  4. Piliin ang row na gusto mong isaayos at i-click ang icon na lapis I-edit sa ilalim ng column na “Pagsasaayos ng bid.” Kung gusto mong magbago ng maraming row, i-click ang mga kahon bago i-click ang icon na lapis.
  5. Piliin ang “Dagdagan ng” o “Bawasan ng” mula sa drop-down, at maglagay ng porsyento. Upang mag-alis ng pagsasaayos ng bid, i-delete ang value sa field.
  6. I-click ang I-save.

Tip: Ibukod ang iyong ad sa isang partikular na device

Puwede mong bawasan ang iyong bid nang 100% (hindi 0%) para ganap na ibukod ang iyong ad sa isang partikular na device. Para sa mga pagsasaayos ng bid sa device, tandaang hindi gagamitin ang pagsasaayos ng bid sa ad group kung binawasan nang 100% ang bid sa campaign para sa parehong device. Mga pagsasaayos ng bid sa device lang ang sumusuporta sa -100% na pagsasaayos.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3675249679245136462
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false