Ano ang mahalaga (at hindi mahalaga) pagdating sa kalidad ng mga ad


Tandaan na may pagkakaiba sa pagitan ng kalidad sa oras ng auction at sa 1-10 na numerong Marka ng Kalidad sa iyong account. Alamin ang mga tip na ito sa kalidad ng ad.

Unawain kung ano ang mahalaga at hindi mahalaga pagdating sa kalidad ng mga ad

Upang mabigyang-linaw ang ilang karaniwang maling pananaw, narito ang isang maikling listahan ng mahahalaga at hindi mahahalagang bagay pagdating sa Marka ng Kalidad. Kapag naunawaan mo ang mga ito, tiyak na mapagtutuunan mo ng pansin ang mga makabuluhang pag-optimize para sa kalidad ng mga ad.

Device ng User: Mahalaga

Isinasaalang-alang ang device ng user (laptop, tablet, smartphone o iba pa) sa pagkakalkula ng kalidad ng ad. Tiyaking naka-optimize para sa mobile ang karanasan sa iyong site, at kung hindi mo pa ito nao-optimize, subukang i-target ang mga user sa mga mobile device gamit ang mga partikular na ad at page na pang-mobile. Hindi ka inaatasan ng Google na gumawa ng hiwalay na mobile site, pero dapat mong tiyakin na madaling makakapaghanap ng impormasyon at makakapag-navigate sa iyong aktwal na site ang mga user sa mobile device.

Kaugnayan sa Mga Intensyon ng User: Mahalaga 

Ang kaugnayan sa mga paghahanap at intensyon ng mga user ang pangunahing isinasaalang-alang ng kalidad ng mga ad. Ang ibig sabihin, mas malaki ang tsansa ng mga ad at site, na nakakatulong sa mga user na mangalap ng nauugnay na impormasyon, matapos ang isang pagbili o iba pang gawain at mag-navigate nang walang kahirap-hirap, na makakuha ng mataas na kalidad ng mga ad. Ito ang dahilan kung bakit iminumungkahi naming pagtuunan mo ang paghahatid ng mga nauugnay na ad sa pagsagot ng mga query, sa halip na subukang mag-optimize upang mabago ang iyong marka.

Para sa Mga Kalulunsad Pa Lang na Keyword, ang Performance sa Mga Nauugnay na Keyword: Mahalaga

Sa halip na sukatin ang mga bagong keyword mula sa umpisa, nagsisimula kami sa hawak mong impormasyon tungkol sa mga nauugnay na ad at landing page. Kung maganda ang iyong mga nauugnay na keyword, ad, at landing page, malamang ay magiging maganda rin ang pagtingin namin sa mga ito. Ngunit kapag mayroon na kaming karagdagang data, mas pagbabatayan namin iyon. Maiimpluwensyahan ng pagkakaroon ng napakagandang account ang aming mga inaasahan sa performance sa simula, pero mapapalitan iyon kapag mayroon nang sapat na data para maging mas sigurado kami.  Palaging pagtuunan ng pansin ang pagpapalawak ng iyong sakop sa mga nauugnay na paghahanap, lalo na sa mga larangan kung saan may potensyal ang mga ad mo na magkaroon ng mataas na kalidad.

Paano Mo Isinasaayos ang Iyong Account: Hindi Mahalaga

Kung hindi ito makakaapekto sa karanasan ng user, hindi ito makakaapekto sa kalidad o Marka ng Kalidad. I-set up ang iyong account sa paraang pinakamahusay mo itong mapamamahalaan, at huwag mag-atubiling ibahin ang pagkakaayos ng mga bagay-bagay gaya ng mga pangalan ng campaign at bilang ng mga ad group kung kinakailangan. Walang Marka ng Kalidad sa antas ng ad group, campaign, o account. Tandaan din na ang paghahati-hati ng mga keyword sa mga bagong ad group o campaign (nang hindi pinapalitan ang ad text o landing page) ay walang epekto sa kalidad ng mga ito. Ngunit kung maglilipat ka ng keyword sa bagong ad group na may bagong ad text, maaaring magbago ang mga pagtatantya sa kalidad ng iyong ad (at samakatuwid, sa Marka ng Kalidad mo), dahil maaaring makaapekto iyon sa karanasan ng user.

Pagpapagana ng Iyong Mga Ad sa Ibang Network: Hindi Mahalaga

Hindi makakaapekto sa kalidad ng iyong mga ad sa Google.com ang pag-target sa Google Display Network o mga partner sa paghahanap ng Google. Sa mga keyword, gamitin ang sukatan ng kasalukuyan mong peformance—mga conversion, cost-per-action, atbp.—para subukin ang mga partner sa paghahanap at Display Network kung gusto mong humimok ng higit pang volume.

Placement ng Iyong Ad sa Page: Hindi Mahalaga

Bagama't magandang magkaroon ng mataas na posisyon sa page, hindi nito mapapataas ang inaasahang CTR rating ng iyong mga ad. Iniaangkop ang inaasahang CTR sa iyong aktwal na posisyon sa page. Ang pinakamataas na posisyon ay inaasahang makakuha ng mas maraming pag-click kaysa sa ikatlong posisyon mula sa itaas, at iba pa. Iniaangkop din namin ang iba pang mga salik na nakakaapekto sa kakayahang makita, gaya ng mga extension ng ad at iba pang mga format ng ad.

Hindi mo kailangang mag-bid sa mas matataas na posisyon para mapataas ang Marka ng Kalidad, kaya puwede kang mag-bid sa performance: ang mga pag-click, conversion, at gastusing pinakamainam para sa iyong negosyo.

Mag-sign up para sa newsletter ng Pinakamahuhusay na Kagawian para makakuha ng mga advanced na tip at update sa Google Ads sa iyong inbox.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7287837320877228978
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
true
true
false