Tungkol sa Marka ng Kalidad

Ang Marka ng Kalidad ay isang diagnostic na tool na may layuning bigyan ka ng ideya sa kung gaano kahusay ang iyong kalidad ng ad kumpara sa ibang advertiser. 

Ang markang ito ay nasa sukatang 1-10 at available ito sa antas ng keyword. Nangangahulugan ang mas mataas na Marka ng Kalidad na mas nauugnay ang iyong ad at landing page sa isang taong naghanap ng keyword mo, kumpara sa iba pang advertiser.

Magagamit mo ang diagnostic na tool na Marka ng Kalidad para tukuyin kung saan posibleng kapaki-pakinabang ang pagpapahusay sa iyong mga ad, landing page, o seleksyon ng keyword.

Magandang malaman tungkol sa Marka ng Kalidad

  • Ang Marka ng Kalidad ay hindi key performance indicator at hindi ito dapat i-optimize o isama sa iba mo pang data.
  • Hindi input ang Marka ng Kalidad sa ad auction. Isa itong diagnostic na tool para matukoy kung paano naapektuhan ang karanasan ng user ng mga ad na nakikita para sa ilang patikular na keyword.

Paano ito kinakalkula

Kinakalkula ang Marka ng Kalidad batay sa pinagsamang performance ng 3 bahagi:

  1. Inaasahang clickthrough rate (CTR): Ang posibilidad na iki-click ang iyong ad kapag ipinakita ito.
  2. Kaugnayan ng ad: Gaano kalapit ang tugma ng iyong ad sa intensyon sa paghahanap ng user.
  3. Karanasan sa landing page: Gaano nauugnay at nakakatulong ang iyong landing page sa mga taong nagki-click sa iyong ad.

Sinusuri ang bawat bahagi at binibigyan ng status na “Mas mataas kaysa sa average,” “Average,” o “Mas mababa kaysa sa average.” Ang pagsusuring ito ay batay sa pagkukumpara sa iba pang advertiser na may mga ad na ipinakita para sa eksaktong katulad na keyword, sa loob ng nakaraang 90 araw.

Kung may status na “Mas mababa sa average” o “Average” ang isa sa mga bahaging ito, posibleng isinasaad nito na may pagkakataong gumawa ng mga pagpapahusay.

Halimbawa: Sabihin nating may status na “Mas mababa sa average” ang iyong Karanasan sa landing page, habang "Mas mataas sa average" ang Kaugnayan ng ad. Tinutukoy nito na posibleng mapahusay ang iyong performance kapag gumawa ka ng mga pagbabago sa iyong landing page, sa halip na sa ad text. Matuto pa tungkol sa paggamit sa Marka ng Kalidad para mapahusay ang performance ng iyong ad.

Tandaan

  • Ang Marka ng Kalidad ay batay sa mga dating impression para sa mga eksaktong paghahanap sa iyong keyword, kaya hindi maapektuhan ang Marka ng Kalidad kapag binago ang mga uri ng pagtutugma ng keyword.
  • Kung makita mo ang “—” sa column ng Marka ng Kalidad, ibig sabihin nito ay hindi sapat ang mga paghahanap na eksaktong tumutugma sa iyong mga keyword para makatukoy ng Marka ng Kalidad ng isang keyword. 
  • May mga salik na kaugnay ng kalidad ng iyong ad na posibleng hindi makuha ng Marka ng Kalidad. Kasama sa mga salik na ito ang, pero hindi limitado sa:
    • Mga device na ginamit sa paghahanap
    • Lokasyon ng user
    • Oras ng araw
    • Mga extension ng ad 

Paano tingnan ang iyong Marka ng Kalidad

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa kaliwang menu, pillin ang Mga Keyword.
  3. Sa kanang sulok sa itaas ng talahanayan, i-click ang icon ng mga column Mga Column.
  4. Sa ilalim ng "Baguhin ang mga column para sa mga keyword,” buksan ang seksyong Marka ng Kalidad. Para makita ang kasalukuyang Marka ng Kalidad at ang mga status ng bahagi nito, piliin ang alinman sa mga sumusunod para idagdag sa iyong talahanayan ng mga istatistika:
    • Marka ng Kalidad
    • Karanasan sa Landing Page
    • Inaasahang CTR
    • Kaugnayan ng Ad
  5. Para makita ang mga dating istatistika ng Marka ng Kalidad para sa panahon ng pag-uulat na tinitingnan mo, piliin ang alinman sa mga sumusunod na sukatan:
    • Marka ng Kalidad (hist.)
    • Karanasan sa Landing Page (hist.) 
    • Kaugnayan ng Ad (hist.) 
    • Inaasahang CTR. (hist.)
      Makikita mo ang pagbabago sa mga pang-araw-araw na marka sa pamamagitan ng pag-segment sa iyong talahanayan ayon sa araw. 
  1. I-click ang Ilapat.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false