Dapat sumunod ang Google sa mga sanction na ipinataw ng United States Office of Foreign Asset Control (OFAC). Bilang resulta, hindi available ang Google Ads sa mga advertiser sa mga sumusunod na bansa o teritoryo (kasama ang criterion ID):
- Crimea (21120)
- Cuba (2192)
- Ang tinatawag na Donetsk People's Republic (DNR) (21113)
- Iran (2364)
- Ang tinatawag na Luhansk People's Republic (LNR) (21111)
- North Korea (2408)
- Syria (2760)
Mga kamakailang idinagdag na rehiyon
Kung ikaw ay nasa isang lokasyon na kamakailang napailalim sa mga sanction ng OFAC, masususpinde ang iyong Google Ads account. Sususpindihin ang mga manager account na nakabase sa mga bansa o teritoryong na-embargo, at puwede ring masuspinde ang mga pinapamahalaang account ng mga iyon.
Kung apektado ang iyong account sa mga sanction ng OFAC, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng email kapag sinuspinde namin ang iyong account. Walang ibibigay na mga panahon ng palugit o mga exception.
Kung sa tingin mo ay hindi dapat nasuspinde ang iyong account, gamitin ang form na ito para humiling ng apela.
Access sa account sa mga naembargong rehiyon
Kahit na ang iyong account ay hindi nakabase sa isa mga naembargong bansa o teritoryo, puwede ka pa ring maapektuhan ng pag-embargo. Iyon ay dahil kapag pisikal kang naroroon sa isang naembargong bansa o teritoryo, hindi ka makakapag-sign in sa Google Ads. Gayunpaman, maa-access mo pa rin ang Help Center, Policy Center, at iba pang website ng Google Ads na hindi nangangailangan ng pag-sign in.
Mga refund para sa mga kasalukuyang account
Susubukan naming magbigay ng mga refund sa mga apektadong may-ari ng Google Ads account na may mga hindi nagamit na balanseng prepaid hangga't pinapayagan kami ng batas.
Pag-target sa lokasyon
Ang mga bansa o teritoryong pinatawan ng mga parusa ng OFAC ay hindi mata-target (at hindi lalabas bilang mga pagbubukod sa pag-target) sa Google Ads.
Kung nagta-target ang iyong mga campaign ng isang bansa o teritoryong idinagdag kamakailan sa listahan ng OFAC, hihinto sa paggana ang mga campaign na iyon. Para ipagpatuloy ang mga campaign na iyon, baguhin ang iyong pag-target sa lokasyon para maiwasan ang pag-target sa bansa o teritoryong na-embargo.
Suporta sa account at pag-optimize
Kung nasa labas ka ng mga rehiyong ito pero nagpo-promote ka ng mga produkto o serbisyong nakabatay sa rehiyon, hindi ka kwalipikadong tumanggap ng naka-customize na suporta o pag-optimize ng account.