Isang page ng iyong website na nararating ng isang tao pagkatapos magsagawa ng mahalagang pagkilos, tulad ng page ng kumpirmasyon ng pagbili. Matuto pa tungkol sa kung paano ka makakapag-set up ng pagsubaybay sa conversion para sa iyong website
- Dapat na mararating lang ng mga tao ang page na ito ng iyong site pagkatapos nilang kumumpleto ng conversion, isang pagkilos tulad ng pagbili o pag-sign up na itinuturing mong mahalaga para sa iyong negosyo. Puwedeng kasama sa mga halimbawa ng page ng conversion ang page ng kumpirmasyon o page na nagpapasalamat sa customer.
- Kapag gumamit ka ng pagsubaybay sa conversion, ang page ng conversion na pipiliin mo ay kung saan mo idaragdag ang tag ng conversion na ibibigay ng Google.
- Puwede kang sumubaybay ng maraming page ng conversion hangga't gusto mo, pero tiyaking maa-access lang ng mga customer ang bawat isa sa mga page na iyon pagkatapos isagawa ang gusto mong pagkilos sa iyong site tulad ng pagbili o pag-sign up para sa newsletter.