Tungkol sa pagsubaybay sa conversion ng tawag sa telepono

Kung mahalaga ang mga tawag sa telepono sa iyong negosyo, maaari mong gamitin ang pagsubaybay sa conversion para tulungan kang makita kung gaano kaepektibong humahantong sa iba't ibang uri ng mga tawag sa telepono ang mga pag-click sa iyong ad.

Mga Pakinabang

  • Makita kung aling mga keyword, ad, ad group at campaign ang pinakamahusay sa paghimok ng pinakamahahalagang tawag sa telepono sa iyong negosyo.
  • Maunawaan ang return on investment (ROI) mo at gumawa ng mas matatalinong pagpapasya tungkol sa iyong paggastos sa ad.
  • Gumamit ng mga naka-automate na diskarte sa pag-bid (gaya ng target na CPA) na awtomatikong nag-o-optimize sa mga campaign mo ayon sa iyong mga layunin sa negosyo.

Mga uri ng conversion ng tawag sa telepono na puwede mong subaybayan

Nakabalangkas sa ibaba ang 5 paraan para subaybayan ang mga conversion ng tawag sa telepono, pati na rin kung paano i-set up ang pagsubaybay sa conversion ng tawag sa telepono.

  • Mga tawag mula sa mga ad: Subaybayan ang mga tawag na direktang ginawa mula sa mga call-only ad o sa mga asset para sa pagtawag at lokasyon na ginagamit sa iyong mga ad. Magtatakda ka ng minimum na haba ng tawag, at bibilangin na conversion ang bawat tawag na aabot sa ganoong tagal.
  • Mga tawag sa isang numero ng telepono sa iyong website: Subaybayan ang mga tawag na ginawa nang may nag-click sa iyong ad, pagkatapos ay tumawag sa pagpapasahang numero na ipinapakita namin sa website mo. Magtatakda ka ng minimum na haba ng tawag, at bibilangin na conversion ang bawat tawag na aabot sa ganoong tagal.
  • Mga pag-click sa isang numero sa iyong mobile website: Subaybayan ang mga tawag na ginawa nang may nag-click sa iyong ad, pagkatapos ay nag-click sa isang numero ng telepono, button, o link sa pang-mobile na bersyon ng website mo. Sa ganitong sitwasyon, ang mga pag-click lang na ito ang masusubaybayan namin, hindi ang mismong mga tawag sa telepono.
  • Mga pag-click sa mga call ad at asset para sa pagtawag: Subaybayan ang mga pag-click sa mga call ad at asset para sa pagtawag nang hindi gumagamit ng pagpapasahang numero ng Google. Sa ganitong sitwasyon, binibilang na conversion ang isang pag-click sa call ad o asset para sa pagtawag batay sa tantya ng Google kung nagkaroon ng mahalagang tawag pagkatapos i-click ng isang tao ang iyong ad.
  • I-import ang mga conversion ng tawag: I-import sa Google Ads ang mga conversion ng tawag na sinusubaybayan mo sa isa pang system. Nagbibigay ang paraang ito ng higit na kontrol sa kung aling mga tawag ang bibilangin mong conversion. Halimbawa, maaari mong piliing sumubaybay lang ng mga tawag bilang mga conversion kapag may mga benta ang mga iyon, at isama ang mga halaga ng mga bentang ito. Nagbibigay ito sa iyo ng higit pang impormasyon kung aling mga ad ang naghahatid ng pinakamahahalagang tawag para sa negosyo mo. Ang pag-import ng mga conversion ng tawag ay nangangailangan ng pagsubaybay sa mga detalye ng tawag sa isa pang system, gaya ng isang customer relationship management (CRM) application, at pag-import sa impormasyong ito papunta sa Google Ads. Matuto pa tungkol sa pag-import ng mga conversion ng tawag

Nangangailangan ng mga pagpapasahang numero ng Google ang pagsubaybay sa mga conversion ng tawag mula sa mga ad at mula sa isang website at ang pag-i-import ng mga conversion ng tawag.

Kasalukuyang available ang mga pagpapasahang numero ng Google sa mga bansang ito.

Seguridad at privacy para sa pagsubaybay sa conversion

May mahihigpit na pamantayan sa seguridad ang Google. Nangongolekta lang ng data ang Google Ads sa mga site at app kung saan mo na-configure ang pagsubaybay.

Siguraduhing bibigyan mo ang mga user ng malinaw at komprehensibong impormasyon tungkol sa data na kinokolekta mo sa iyong mga site, app, at iba pang property. Siguraduhin ding kukuha ka ng pahintulot para sa pangongolektang iyon kapag kinakailangan ayon sa batas o anumang naaangkop na patakaran ng Google na sumasaklaw sa pahintulot ng user, kasama ang Patakaran sa Pagpapahintulot ng User sa EU ng Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5941953779165971303
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false