Tungkol sa mga asset para sa dynamic na structured na snippet

Ang mga dynamic na structured na snippet ay isang uri ng asset na awtomatikong nagpapakita ng mga karagdagang detalye tungkol sa iyong site sa mga ad mo, na tumutulong sa mga user na matuto pa tungkol sa iyong negosyo. Walang kailangang setup sa mga dynamic na structured na snippet at nagbibigay ito sa system ng mas maraming pagkakataon para magpakita ng mga asset sa iyong mga ad.

Bago ka magsimula

Para sa background na impormasyon, magsimula sa pag-alam ng tungkol sa mga asset sa pagtawag o, mas partikular dito, tungkol sa mga naka-automate na asset sa level ng account.

Paano gumagana ang mga ito

Kapag naghanap ang mga user ng impormasyon sa Google, posibleng mahatiran sila ng mga ad at resulta ng paghahanap para sa mga katulad o nauugnay na web page. Para tulungan silang a magpasya kung naglalaman ba ang iyong site ng impormasyong gusto nila, puwedeng magsama ang mga ad mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyong iniaalok sa iyong site.

Ipinapakita ng impormasyon na lumalabas para sa mga snippet ng iyong ad ang mga kategorya ng content na makikita sa site mo.

Mga Benepisyo

Narito ang mga benepisyo ng mga dynamic na structured na snippet:

  • Nakakatulong ang mga ito sa mga user na malaman ang higit pa tungkol sa iyong mga produkto at serbisyo nang walang anumang binabago: Puwedeng awtomatikong lumabas sa iyong ad ang karagdagang impormasyon mula sa pagsusuri namin sa site mo, nang hindi ka gumagawa ng karagdagang pagsisikap o pamamahala sa ad.
  • Puwedeng mapataas ng mga ito ang iyong return on investment: Ang karagdagang impormasyon sa website na lumalabas sa iyong mga ad ay puwedeng makadagdag sa kaugnayan at magpataas ng clickthrough rate ng mga ad mo. Makatutulong ito sa iyo na mapataas ang return on investment mo sa pamamagitan ng pagtutuon sa paghimok ng mga pag-click mula sa mga bisita na mas malamang na maging interesado sa kung ano ang maiaalok mo.

Kailan posibleng lumabas ang mga ito sa iyong mga ad

Puwedeng awtomatikong magpakita ang iyong mga ad ng mga dynamic na structured na snippet kapag kwalipikado ang ad mo at may katugmang kategorya para sa isang paghahanap ang iyong landing page. Lumalabas lang ang mga dynamic na structured na snippet kapag inaasahang mabu-boost ng mga ito ang performance ng iyong ad, at puwedeng ipakita ang mga ito kasama ng o sa halip ng mga manual na ginawang structured na snippet. Makokontrol mo kung aling mga structured na snippet ang ihahatid sa pamamagitan ng pag-pause o pag-aalis ng mga indibidwal na dynamic na structured na snippet. Matuto pa tungkol sa kung paano mag-alis ng mga asset

Halimbawa

Kapag may gumamit ng Google para maghanap ng electronics, puwede siyang mahatiran ng ad para sa Acme Electronics na may mga dynamic na structured na snippet. Puwedeng magpakita ang mga snippet na ito ng mga karagdagang detalye tungkol sa content na makikita sa landing page para sa ad, gaya ng mga partikular na brand o subcategory ng electronics.

Magkano ang mga dynamic na structured na snippet

Walang babayaran sa pagpapakita ng mga dynamic na structured na snippet para sa iyong mga campaign, pero sisingilin ka para sa mga pag-click sa ad mo tulad ng dati.

Bakit hindi lumalabas ang iyong mga dynamic na structured na snippet

Tandaang hindi palaging magpapakita ng mga dynamic na structured na snippet ang iyong mga ad. Gayundin, kapag lumalabas ang mga dynamic na structured na snippet, maaaring mag-iba ang impormasyong ipinapakita at ang haba nito. Isinasaalang-alang namin ang maraming salik kapag tinutukoy kung lalabas ba ang mga dynamic na structured na snippet kasama ng iyong mga ad, kabilang kung kwalipikado bang lumabas ang iba pang asset kasama ng iyong mga ad. Karaniwang hindi makakaapekto ang mga dynamic na structured na snippet sa kung lalabas ba ang iba pang asset kasama ng iyong ad; gayunpaman, kung mas mahusay ang performance ng isa pang asset na lumalabas kasama ng iyong mga ad kaysa sa mga structured na snippet mo, mas malamang na lumabas na lang ang mga ito kasama ng iyong ad.

Performance at mga ulat

Puwede mong tingnan ang indibidwal na data ng performance ng mga structured na snippet sa Google Ads gamit ang mga tagubilin sa ibaba:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. I-click ang header ng card ng buod na Structured na snippet para sa uri ng asset.
  5. Mag-filter ayon sa "Source" para sa "Awtomatikong ginawa."

Mag-pause o mag-alis ng mga indibidwal na dynamic na structured na snippet

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Kung ayaw mo ang isang partikular na dynamic na structured na snippet na ginawa para sa iyo, puwede mo itong i-pause o alisin. Kapag na-pause ang isang dynamic na structured na snippet, mapipigilan ito sa paghahatid, pero mananatili itong available na ma-enable ulit. Kapag inalis ang isang dynamic na structured na snippet, ganap itong maaalis para hindi na tio maihatid ulit sa ibang pagkakataon.

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. I-click ang header ng card ng buod na Structured na snippet para sa uri ng asset.
    • Para mag-pause o mag-alis ng maraming asset para sa structured na snippet:
      1. Piliin ang mga asset sa pamamagitan ng pag-click sa check box.
      2. I-click ang I-pause o Alisin sa asul na bar sa itaas.
    • Para mag-pause o mag-alis ng indibidwal na asset:
      1. Piliin ang indibidwal na asset na nasa linya sa pamamagitan ng pag-click sa drop down sa tabi ng may kulay na indicator.
      2. Piliin ang I-pause o Alisin.

Bagama't hindi inirerekomenda, puwede ka ring mag-opt out sa lahat ng dynamic na structured na snippet kung kinakailangan.

Tandaan: Ang kakayahang mag-pause o mag-lis ng mga indibidwal na asset para sa dynamic na structured na snippet ay magiging available kapag na-upgrade na ang iyong mga structured na snippet. Matuto pa tungkol sa pag-upgrade ng mga asset

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10199470271033234239
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false