Isang uri ng destination URL sa isang ad na nagdadala sa mga tao sa isang partikular na page sa isang app.
- Para sa mga ad sa web, maaari kang gumamit ng simpleng destination URL, gaya ng
www.example.com
, upang dalhin ang mga tao sa landing page ng iyong website. Upang dalhin ang mga tao nang diretso sa isang page ng produkto sa website na iyon, maaari kang gumamit ng ibang URL, na may kaunting karagdagang impormasyon:www.example.com/product_1234
. Para sa mga mobile app, ang mga URL na ito ay tinatawag na mga deep link. - Para sa iyong destination URL sa mga ad ng pakikipag-ugnayan sa app, maaari kang gumamit ng link na nagbubukas lang sa iyong app, o isang deep link na magdadala sa mga tao nang diretso sa isang partikular na screen sa iyong app. Pinapayagan ang mga parameter sa pagsubaybay para sa mga link na ito.
- Hindi awtomatikong nase-set up ang mga deep link kapag ginawa mo ang iyong app, at iba ang paggana ng mga ito sa iOS at Android. Para sa mga campaign ng pakikipag-ugnayan sa app sa Search Network, bumubuo kami ng URI ng app gamit ang iyong deep link para maging compatible ang mga ad mo sa Google Search.
Paano lumalabas ang mga deep link
Karaniwang binubuo ng dalawang bahagi ang mga deep link: isang scheme at isang host and path. Ang mga app URI, na mga na-reformat na deep link, ay may ika-3 bahagi: ang app package ID. Maaari ding kabilang sa iyong URL ang parameter sa pagsubaybay.
- Ang app package ID ay ang natatanging identifier para sa iyong app. Maraming developer ang gumagawa ng package ID gamit ang baligtad na domain sa internet ng app. Halimbawa, ang mga app na na-publish ng Google ay nagsisimula sa "com.google"
- Ang scheme ay bahagi ng link na tumutukoy kung aling app ang bubuksan. Para sa iyong app, maaari mong gamitin ang “http” o isang custom na scheme na maaaring magsimula sa pangalan ng app o website.
- Tinutukoy ng host and path ang natatanging lokasyon sa app kung saan matatagpuan ang iyong content. Para sa iyong app, magtatalaga ka ng lugar kung saan mapupunta ang mga tao kapag nag-click sila sa iyong ad, o kung ano ang dapat mangyari kapag nagbukas ang app mo.
Deep link | App URI | |
---|---|---|
Kahulugan | Tinutukoy ng mga deep link ang lokasyon sa app na tumutugma sa content na gusto mong ipakita. | Ang App URI ay isang format ng deep link na tumutulong na isama ang iyong app sa Google Search. Makikita mo ang format na ito kapag nag-edit ka ng iyong mga ad. |
Format | {scheme}://{host_path} |
android-app://{package_id}/{scheme}/{host_path} |
Halimbawa | exampleapp://productid_1234 |
android-app://com.example.android/exampleapp/productid_1234 |
Higit pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga ad sa pakikipag-ugnayan sa app
Higit pa tungkol sa pag-set up ng mga deep link sa aming developer website.